"Good day Jake! This is Harvey of Star Entertainment. I would like to meet you and offer you a modelling job and be part of our artist agency. Hope to receive a response from you."
Paulit-ulit na binabasa ni Jake ang natanggap niyang mensahe mula sa kaniyang Instabook habang inaantay ang nagpakilalang Harvey sa kanilang napag-usapang tagpuan. Tatlong araw na ang nakalilipas ng matanggap niya ang mensahe at magpasyang kitain ito. Ngayong araw, Linggo, ang napagkasunduan nilang araw dahil na rin sa madaming gawain si Harvey at ngayon lamang siya nagkaroon ng libreng oras.
Nakaupo lamang si Jake sa isang gilid ng All Day Café, isang sikat na Café malapit lang sa tinitirhan niya, habang iniinom ang kaniyang inorder na mainit na kape. Bakas sa mukha niya ang kaba at iniisip na baka ito ay scammer lamang tulad ng naririnig niya o kaya naman ay mga agency na humihingi ng sexual favors para pasikatin ang kanilang artista.
Patuloy ang pagkuyakoy ni Jake sa kaniyang kinauupuan habang nag-aantay at kung ano-anong posibilidad ang maaring mangyari ng mga sandaling iyon. Sa kabila ng mga kinakatakutan niyang maaring mangyari ay naisipan pa rin niyang kitain ang nagpakilalang Harvey dahil na rin sa Instabook Feed nito na nagpapatunay na siya ay isang handler ng mga modelo. Si Jake ay sikat sa Instabook na may isang daang libong followers dahil sa akin niyang kagwapuhan at dating. Isa na rin sa salik ng pagdami ng kaniyang followers ay ang magagandang kuha ng mga larawan niya.
Si Jake ay kasalukuyang walang trabaho dahil nagresign siya sa personal na kadahilanang hindi siya umuunlad dito at hindi na din siya masaya sa kaniyang mga ginagawa. Dati siyang office staff sa isang sikat na pagawaan ng mga alak at nagtrabaho siya doon ng mahigit tatlong taon. Siya ay dalawampu't dalawang taong gulang, may taas na 5'8" at may magandang pangangatawan dahil na rin sa pagiging atleta nito noong siya ay nasa kolehiyo.
Sumisilip-silip si Jake sa pintuan ng Café at tinitignan kung dumating na ba si Harvey. Hindi niya alam ang kaniyang madarama, kung siya ba ay masaya o kinakabahan. Salitan niyang tinitignan ang kaniyang cellphone at pintuan ng Café habang hinihigop ang kape. Halos magdadalawampung minuto na siyang nag-iintay bagama't maaga siya sa kanilang napag-usapang oras.
Maya-maya pa ay isang lalaki na nakasuot ng shades at itim na coat ang pumasok. May tangkad itong tulad ng kay Jake, maputi at may angking dating na parang isang modelo. Mukhang bata pa ito na ilang taon lamang ang tanda kay Jake kung ikukumpara. Habang tinitignan lang ni Jake ang lalaki ay nagtanggal ito ng shades at nagulat siya na nakatingin ito sa kaniya. Isang malaking ngiti ang binigay ng lalaki kay Jake at maya-maya ay lumapit ito sa kaniya.
"You are Jake, right?" tanong ng Lalaki sabay naupo sa harapan niya sa kabilang side ng lamesa. Lumakas ang tibok ng puso ni Jake dahil na din hindi niya kilala ang taong ito. Iniisip niya na isa ito sa mga nagsosolicit na pumapasok sa mga establishments.
"Ako nga po. Kayo po ay si?" sagot at tanong pabalik ni Jake napatuloy ang pagkuyakoy sa ilalim ng lamesa at sumisilip sa pintuan na baka dumating na si Harvey.
"I'm Harvey from Star Entertainment." pakilala ng lalaki sabay abot ng kaniyang business card. Napatingin si Jake dito na hindi makapaniwala na ang Harvey na inaantay niya ay ang ang lalaking nasa harap niya. Kinuha niya ang business card upang siguraduhin nga na siya si Harvey. "Parang nagulat ka? Hindi ko ba kamukha ang picture ko sa Instabook?" tanong ni Harvey ng mabakas ang pagkagulat ni Jake.
"Ah - Eh - Parang ganun na nga. Akala ko po magsosolicit ang lumapit." nahihiyang tugon ni Jake.
"Magsosolicit talaga? Mukha ba akong magsosolicit?" natatawang tugon ni Harvey.
"Ah --- Hindi naman po. Pasensya na po." patuloy na nahihiyang tugon ni Jake.
"Okay lang. Pasensya ka na din. Hindi kasi ako masyadong nag-aupload ng picture ko sa social media account ko. Takot kasi ako sa camera kaya luma na yung picture ko sa feed ko." natatawa niyang tugon sabay ngiti muli kay Jake. "Kanina ka pa ba naghihintay?" tanong ni Harvey para maging komportable si Jake ng mapansin nitong nahihiya pa rin ito sa kaniya.
YOU ARE READING
I'm Not Her (bxb) (boyxboy)
RomansaBXB. BOYXBOY. M2M. GAY. YAOI. BOYS LOVE. BL STORY Paulo Marasigan, ay isang sikat na model actor na may hindi malilimutang nakaraan. Minsan na siyang umibig, nasaktan at patuloy pa ring kinakalimutan sa kasalukuyan ang kaniyang dating kasintahan. I...