"Wow!" namamanghang sabi ni Mica ng makita ang kontrata ni Jake. Si Mica ay best friend ni Jake simula pa lamang ng sila ay nasa High School. Si Mica ay maganda, may mahabang kulot na buhok, may tangkad na 5'5 at siya din ang kumukuha ng larawan ni Jake na ina-upload nito sa kanyang Instabook.
"Ito na ba ang simula ng pagbabago ng buhay mo?" sambit muli ni Mica at sinimulang basahin ang nilalaman ng kontrata.
Nakaupo sila sa may labas ng bahay ni Jake kung saan lagi silang nakatambay. Si Mica ay nagtatrabaho bilang accounting staff sa kumpanya kung saan nagresign si Jake.
"Ano sa tingin mo?" tanong ni Jake kay Mica ukol sa nilalaman ng Kontrata.
"Maganda ang nilalaman ng kontrata at hindi ka naman lugi bilang isa ka pa lamang na baguhan sa larangan na ito." sagot ni Mica matapos basahin ang kontrata.
"Yun din naman ang tingin ko. Feeling ko okay din naman siya. Kung sakaling hindi ako sumikat atleast hindi malulugi din ang kumpanya sa pag-iinvest sa akin."
"Napakanega mo naman." naiinis na tugon ni Mica.
"Alam mo, feeling ko sisikat ka. Hello instabook palang palaban ka na." positibong sambit ni Mica. "Kaya dapat iwasan natin ang kanegahan at punuin ng mga positive thoughts ang ating isipan." pagpapatuloy nito.
"Sa tingin mo, may chance ako dito?" nagdadalawang isip na tanong ni Jake.
"Ano ka ba, hindi lang sa tingin ko dahil sure na sure ako." tugon ni Mica. "Basta mabigyan ka lang ng proyekto sisikat ka na dahil kilala kita. You always do your best in everything you do."
"Wow English!" natatawang sbit ni Jake.
"Naman! Laban lang."
"Salamat." tugon ni Jake.
"Natahimik ka na dyan?" tanong ni Mica ng mapansin na tumahimik si Jake.
"Wala. Wala naman."
"Nasabi mo na ba iyan kay Mama mo?" sambit ni Mica sabay abot muli ng kontrata kay Jake.
"Oo."
"Anong sabi niya?" usisang tanong ni Mica.
"Gawin ko daw ang gusto ko at kung anong magpapasaya sa akin. Basta masaya daw ako susuportahan niya ako." tugon ni Jake sabay ngiti ng bahagya.
"Napakabait talaga ng Mama mo. Kaya gustong-gusto ko si Tita eh." sambit ni Mica sabay akbay kay Jake. "Pero anong bumabagabag sa iyo? Come on tell me."
"Siguro kung nandito pa si Ate, sure ako igagrab niya ang opportunity na ito." nalulungkot na tugon ni Jake.
"Si Ate Jane?"
"Oo." sagot ni Jake. Si Jane ay ate ni Jake na pumanaw na apat na taon na ang nakakalipas dahil sa isang karamdaman sa dugo na ikinamatay din ng Papa niya noon. Pangarap ni Jane na maging modelo at at magsisimula na dapat ito sa kaniyang career bilang modelo. Pero bago pa nga tuluyang makapagsimula ay nadetect na ang karamdaman ni Jane at kalaunay kumitil sa buhay nito.
Dalawa lang si Jake at Jane na magkapatid kaya lubos ang pagiging malapit ng dalawa. Lahat ng gustong gawin ni Jane ay gusto ding ginagawa ni Jake. Maging hilig at allergy ay parehas din sila. Madalas mapagkamalan ang magkapatid na magkakambal dahil na din sa magkahawig na magkahawig sila. Mas matanda lamang ng isang taon si Jane kaysa kay Jake.
"Oo nga pala, naikwento mo sa akin na pangarap ng ate mo na maging modelo." malungkot na sambit ni Mica. Natahimik ang dalawa dahil bigla nilang naalala si Jane.
"Pero sure ako masaya si Ate Jane dahil ang naudlot niyang pangarap ay itutuloy mo." positibong sambit ni Mica para mabasag ang katahimik. Tumayo siya sa kaniyang pagkakaupo.
"Bakit ka napatayo?" nagtatalang tanong ni Jake.
"Oras na kasi para makita ng mundong ang angking kagwapuhan ng isang Jake Madrigal." sambit ni Mica na may pagmumuestra pa.
"Gutom lang iyan." natatawang tugon ni Jake. "Maupo ka na nga baka akalain ng mga kapitbahay na babaliw ka na diyan."
"Kailangan ang mga kapitbahay mo ang unang makaalam ng pagsikat mo." natatawang sabi ni Mica. "Mga marites, makinig kayo --" sigaw ni Mica.
"Huy!" pigil ni Jake sabay hila kay Mica para maupo. "Tumigil ka nga. Ako nahihiya saiyo."
"Sorry. Sorry. Nadala lang ako ng aking emosyon."
"Sobrang nadala ka nga talaga."
"Kaya don't be sad. Get your phone."
"Get my phone?" nagtatakang tanong ni Jake.
"Oo. Get your phone!"
"Bakit?" nagtataka pa rin niyang tanong pero kinuha niya ang kaniyang cellphone sa kaniyang bulsa.
"Tawagan mo na ang Star Entertainment na si Harvey. Harvey nga diba?"
"Huh?" gulat na sabi ni Jake.
"Oo. Sabihin mo ready ka na kamo at tinatanggap mo ang offer nila." sambit ni Mica sabay muestra na tawagan na.
"Ngayon na talaga?"
"Kung hindi ngayon kailan pa? Kailangan mong gawin ngayon para wala kang pagsisihan bukas. Hindi natin alam ang maaring mangyari bukas. Malay mo bukas magbago ang isip nila, ikaw din ang talo....." talumpati ni Mica na may kasama pa ring muestra. Si Mica ay head ng drama club noong sila ay nasa kolehiyo kaya ang bawat salita niya ay may kaakibat na pag-arte.
Habang nagsasalita si Mica ng kaniyang mahabang talumpati ay kinuha na ni Jake ang business card ni Harvey sa kaniyang pitaka at sinimulang i-dial ito.
"....Kailangang tawagan mo na siya ngayon para maisaayos na niya ang mga dapat niyang gawin at mahanapan ka na niya ng project. Huwag mong ipagpabukas ang pwede mo namang gawin ngayon. Kaya tawagan mo na ---" pagpapatuloy niya sa kaniyang talumpati sabay harap kung nasaan si Jake pero wala na ito sa kaniyang kinauupuan. Nakita niya si Jake sa may sulok at nasa tainga na ang telepono. "Ayan sige, tinatawagan mo na pala." nahihiyang tugon ni Mica at naupo na lamang ulit.
"Hello? This is Harvey Lim of Star Entertainment. Who's this?" bati ni Harvey sa kabilang linya ng sagutin niya ang tawag ni Jake.
"Hello Sir Harvey? Si Jake po ito." tugon ni Jake.
"Oh ikaw pala iyan Jake. Napatawag ka? Have you already decided?" tanong ni Harvey.
"Yes po." sagot nito.
"And your answer is?"
"Pipirmahan ko na po yung kontrata. Kayo na pong bahala sa akin." masayang tugon ni Jake.
"That's good to hear. Huwag kang mag-alala akong bahala saiyo. Hindi masasayang ang pagpirma mo sa amin." malugod na tugon din ni Harvey.
"Salamat po."
"I'll set a schedule to meet you para makuha ko ang kontrata at para na din magawan na kita ng portfolio na ipapasa natin sa mga advertisements and drama series na pwede nating pasukan. I'll text you the details later. Thank you Jake. See you soon."
"Thank you din po." sambit ni Jake sabay baba ng telepono.
"Anong sabi?" usisa ni Mica ng matapos ang call. Umupo si Jake sa tabi ni Mica hawak hawak ang telepono sa dibdib. "Ayos ka lang ba?"
"Oo ayos lang ako. Hindi ko alam kung masaya ba ako o kinakabahan. Napakalakas ng kabog ng dibdib ko." sagot ni Jake sabay kuha sa kamay ni Mica at inilagay sa dibdib niya. Namula si Mica sa ginawa ni Jake dahil na din sa lihim nitong pagtingin kay Jake. Agad inalis ni Mica ang kamay niya.
"So - so ano ngang sa-sabi?" nauutal na sambit ni Mica.
"Okay naman. Sabi lang na itetext nalang ako kung kailan kukunin at kontrata at gagawin ang aking portfolio." masayang tugon ni Jake.
"I'm so happy for you." tugon ni Mica ng nakangiti.
YOU ARE READING
I'm Not Her (bxb) (boyxboy)
RomanceBXB. BOYXBOY. M2M. GAY. YAOI. BOYS LOVE. BL STORY Paulo Marasigan, ay isang sikat na model actor na may hindi malilimutang nakaraan. Minsan na siyang umibig, nasaktan at patuloy pa ring kinakalimutan sa kasalukuyan ang kaniyang dating kasintahan. I...