Chapter 5

16 0 0
                                    

Ngayong araw ang nakatakdang araw para sa shoot ni Jake ng kaniyang portfolio para sa Star Entertainment. Maaga siyang nagising at naghanda para umalis. Napag-usapan nila ni Harvey na magkita sa Café kung saan sila nagkita kamakailan. Tulad ng dati nakasuot lamang siya ng T-shirt at maong pants.

"Aalis ka na?" tanong ng Mama ni Jake ng makita siyang lumabas sa kaniyang kwarto.

"Opo." magalang na sagot ni Jake at nagpatuloy palabas ng kanilang bahay.

"Hindi ka ba muna mag-uumagahan?" tanong muli ng kaniyang Mama ng nagsusuot na siya ng kaniyang sapatos sa may bandang pintuan.

"Hindi na po." sagot ni Jake. Agad namang nagbalot ng tinapay ang kaniyang Mama at iniabot kay Jake pagkatapos nitong magsuot ng sapatos.

"Dalhin mo iyan." sambit ng Mama ni Jake ng maiabot ang supot na may lamang tinapay. "Hindi mo alam kung kailan ka makakain kaya kumain ka habang nasa daan. Mas mabuting may laman ang tiyan para may lakas kang gawin ang mga gawain mo ngayong araw." paalala ng kaniyang Mama.

"Salamat Ma." sambit ni Jake sabay yakap sa kaniyang Mama. "Alis na po ako." paalam ni Jake.

"Mag-iingat ka. Enjoy!" tugon ng Mama niya. Ngumiti si Jake sa kaniyang Mama at lumabas na ng kanilang bahay. Nang makalabas siya sa kanilang tarangkahan ay may isang itim na Van ang nakaparada. Nakasandal dito ang isang Lalaking nakapolong pink, nakatack-in ang kaniyang polo sa itim nitong pantalon.

"Sir Harvey?" sambit ni Jake ng mapagtanto na niya na si Harvey palang ang lalaking iyon.

"Yo !" bati nito at itinaas ang kamay bilang pagkaway. "Let's go?"

"Ah - Eh -" natatarantang sabi ni Jake. "Paano niyo po nalaman ang bahay ko?" nagtataka niyang tanong.

"Syempre dapat alam ko kung saan kita susunduin at ihahatid." nakangiting tugon ni Harvey. Binuksan ni Harvey ang pintuan at nagsensyas kay Jake na pumasok na.

Agad namang pumasok si Jake pero patuloy pa rin ang pagtataka kung paano nalaman ni Harvey ang kanilang bahay. Umikot ang kaniyang tingin sa loob ng Van. Ang Van ay customized na may Apat na Upuan na magkakahiwalay at may mga damit sa likuran. Naupo siya sa isa sa apat na upuan samantalang si Harvey naman ay sa driver's seat.

"Hindi mo naman nakalimutan dalhin ang kontrata?" paalala ni Harvey ng siya ay makasakay.

"Hindi naman po. Andito po sa aking bag." sagot ni Jake ngunit sinilip niya muli ang kaniyang bag para makasiguradong nasa bag niya nga ang dokumento.

"Didiretso na tayo sa studio kung saan ishushoot ang iyong portfolio. Nakapili na din ako ng mga isusuot mo, nandiyan na sa likod." sambit ni Harvey habang pinapaandar ang sasakyan.

"Okay po." kinakabahang tugon ni Jake.

"Huwag kang kabahan. I-enjoy mo lang ang shoot just like how you pose on your Instabook Feed." payo ni Harvey. "Okay?"

"Okay po." matipid na tugon ni Jake. Hindi pa man sila nakakalayo ay nadama na ni Jake ang gutom kaya naman kinuha niya ang tinapay na pinadala ng kaniyang Mama. "Kumain na po ba kayo?" tanong ni Jake kay Harvey sabay alok ng tinapay na dala niya.

"I'm good. Kumain ka lang diyan." sagot ni Harvey. "Hindi ako nakapagdala ng pagkain para saiyo, nagmamadali na din kasi akong umalis. Mabuti nalang ay may baon kang tinapay." dugtong ni Harvey.

Hindi pa rin maalis sa isipan ni Jake kung paano nalaman ni Harvey ang bahay nila. Lalong higit mahirap hanapin ang bahay nila dahil madaming eskenita ang dadaanan bago makarating mismo sa bahay nila. Ngunit nahanap ni Harvey ang bahay nila at mismong sa tapat pa nila ito nag-antay. Hindi niya maalis sa isipan na baka nagpaimbestiga si Harvey o nakapunta na siya dati sa kanila.

"Kumain ka lang ng kumain dahil pagdating natin ay magsisimula na ang shoot at baka matapos tayo ng past lunch. Mabuti na yung may laman ang tiyan. Okay?" sambit ni Harvey habang nagmamaneho.

Tumango lamang si Jake bilang pagsang-ayon dahil kasalukuyang may laman ang kaniyang bibig na tinapay. Ang studio na kanilang pupuntahan ay sa may Manila malapit sa office ng Star Entertainment.

Matapos ang higit isang oras at kalahati ay nakarating na sila sa Studio Mag. Bumaba na sila at kinuha ni Harvey ang limang hanger ng damit sa may likuran ng Van.

"Let's go!" yaya ni Harvey habang buhat ang Limang damit. Dalawang hanger sa kanang kamay at tatlong hanger sa kaliwang kamay.

"Tulungan ko na po kayo." alok ni Jake.

"Kaya ko na." ngiting sabi ni Harvey.

"Hindi po, tulungan ko na po kayo." sambit ni Jake sabay kuha ng dalawang hanger sa kanang kamay ni Harvey. "Hindi naman ako sikat para hindi kayo tulungan."

"So kapag sikat ka na hindi ko na ako tutulungan?" pabirong sabi ni Harvey.

"Naku, hindi po. Kahit sikat na ako tutulungan ko kayo." nahihiyang sabi ni Jake. "Saka hindi ko din naman alam kung sisikat nga ba ako." pabulong nasabi ni Jake sa sarili.

Narinig ni Harvey ang pagbulong ni Jake at pangiti na lamang siya. Alam ni Harvey na malaki ang tyansa ni Jake na sumikat, bukod sa dami ng followers niya ay mabait din si Jake at madaling makisama.

"Alright! Let's go!" sambit ni Harvey at pumasok na sila sa poob ng studio. Sa loob ng studio ay nakaready na ang background at mga ilaw na gagamitin. Nandun na din ang photographer at may-ari ng studio na si Kyle at ang magmemake-up kay Jake na si Hailee.

"Nandiyan na pala kayo." bati ni Hailee ng makita sila na pumasok sa loob ng studio. Agad kinuha ni Hailee ang damit na hawak ko at dinala sa dressing room. si Hailee ay may tangkad na 5'5, mahaba ang buhok at nakasalamin. Simple lang ang pormahan ni Hailee ngunit may porselana itong balat na nagbigay ningning sa kaniyang sarili. Hindi man siya kasing ganda ng iba ngunit may sarili siyang natatanging ganda.

"Not bad for your first model." sambit ni Hailee kay Harvey ng titigan si Jake. Sinabit ni Hailee ang damit sa clothing rack sa may dressing room at sinabit din ni Harvey ang dala niyang damit.

"Naman ako pa ba." tugon ni Harvey kay Hailee. "Ikaw na bahala sa model ko." dugtong nito sabay labas sa dressing room upang kamusta si Kyle.

"Have a seat." sambit ni Hailee kay Jake habang tinuturo na maupo sa harap ng salamin.

"Okay po." magalang na tugon ni Jake. Nagulat naman si Hailee sa pagiging magalang ni Jake. Para kay Hailee ang itsura na Jake ay masyadong mataas sa sarili dahil namumukod tangi sa lahat ang kagwapuhan ni Jake.

"Ako nga pala si Hailee. I will be your make-up artist for today shoot. And you are?" pakilala ni Hailee habang inaayos ang mga gagamitin na nakalagay sa harap ng salamin.

"Jake po. Nice to meet you po." magalang na tugon ni Jake.

"Huwag mo na akong ma'po'. Parang magkasing tanda lang naman tayo." sambit ni Hailee sabay tingin kay Jake sa repleksyon sa salamin.

"22 po." sagot ni Jake.

"Oh diba, 22 lang din ako kaya you can be casual with me." nakangiting tugon ni Hailee.

"Okay p--" magalang ulit sanang tugon ni Jake ngunit napatigil siya dahil pinandilatan siya ni Hailee. "Okay."

"Good. Masyadong nakakatanda ang po at opo lalo na kung magkasing tanda lang naman tayo." sambit ni Hailee.

Tumango na lamang si Jake dahil nahihiya siyang kausapin casually si Hailee. Sa isip ni Jake, lahat ng makakasalamuha niya ngayong araw should be treated with respect since baguhan lang siya sa ganitong industriya.

Makalipas ang ilang minuto ay natapos na ang pagmemake-up kay Jake. Hindi naman masyadong madaming inilagay si Hailee dahil sapat na naman ang itsura ni Jake. Nilagyan niya lang ng make-up para maiwasan ang hulas at pawis during the shoot since madaling makikita iyon sa camera. Sinigurado niya lang na fresh tignan si Jake sa kahit anong anggulo. Bumalik na din si Harvey sa dressing room matapos ang maikling usap kay Kyle.

"Done." sambit ni Hailee. "You look perfect kahit walang make-up kaya this would be enough." dugtong niya. Inabot naman ni Harvey ang unang susuotin ni Jake.

"Let's go." yaya ni Harvey bilang tanda ng simula ng photoshoot ni Jake para sa portfolio nito.

I'm Not Her (bxb) (boyxboy)Where stories live. Discover now