Gabi ng Sabado, matapos ang schedule ni Paulo sa maghapon ay dumaretso siya sa The Palace kung saan siya madalas nagpapalipas ng magdamag. Ang The Palace, ay ang bar na kadalasang tambayan ng mga mayayaman at mga artista. Gustong gusto tambayan ito ng mayayaman at nga artista dahil sa higpit ng security na kahit mga news reporter ay bawal pumasok. Bawal din ang pagkuha ng mga larawan sa loob ng bar. May mga nag-iikot na security team para icheck ang bawat sulok para maiwasang masangkot ang bawat isa sa scandal. May mga common area ang bar at mga mga private rooms din para sa VIP.
"Hey Paulo" bati ni ng isang lalaking nakasuot ng tiger print na polo ng pumasok siya sa isa sa mga VIP rooms. Nakabukas ang butones ng polo ng lalaki at kita ang hiwa ng dibdib nito. Napapansin din ang suot nitong gintong kwintas na nakalapat sa pagitan ng mga dibdib nito. Nakapalibot sa kaniya ang dalawang babae na may magagandang pangangatawan at magkabilaan niya itong inaakbayan.
"Ang aga-aga pa Arthur, lasing ka na naman." sambit ni Paulo. Si Arthur Miguel ay anak ng isa sa pinakamayamang business tycoon na may-ari ng Miguel Brewery Corporation. Siya ang nakakatandang kapatid ni Mariz. Siya ay dalawampu't apat na taong gulang, laman ng The Palace, babaero at lahat ng gustuhin niya ang kaniyang nakukuha dahil para sa kaniya lahat ng bagay ay may presyo maging tao. Siya din ang isa sa mga direktor ng kumpanya ng kaniyang ama.
"Kamusta naman ang buhay-buhay? Long time no see ah!" sambit ni Arthur ng maupo si Paulo. "Months bago ka nakabalik dito sa The Palace. Akala ko nakalimutan mo na kami." birong dugtog ni Arthur.
"Buti nga nagkatime pa ako ngayon eh." sagot ni Paulo sabay inom sa alak na inabot sa kaniya ng isa sa mga babaeng nakapulupot kay Arthur. "Sino naman itong mga babae mo ngayon?"
"Mga modelo sa isang agency, binili ko muna sila para may makasama ako tonight." sambit ni Arthur sabay amoy sa leeg ng isa sa mga babae. "Gusto mo ba ng isa?" pabirong alok nito.
"Hindi na. Okay na ako." mariing pagtanggi ni Paulo.
"Bakit magagalit ba si Mariz? Kumusta na ba kayo ng baby girl kong si Mariz?" birong tanong ni Arthur.
"Alam mo namang walang kami, at hindi magiging kami." madiing sagot ni Paulo.
"Napakasama mo naman sa kapatid ko." sagot ni Arthur sabay laklak sa kaniyang alak. "Alam mo, hindi ko alam kung anong problema sa'yo?"
"Problema sa akin? Anong problema sa akin?" tanong ni Paulo.
"Oo problema sa'yo!" madiing sambit ni Arthur. "Simula ng makilala kita 4 years ago, hanggang ngayon wala akong nabalitaan na dinate mo? Kahit dito sa The Palace wala kang tinake out kahit napakadaming nagpapatake out sa'yo."
Si Arthur at Paulo ay nagkakilala ng kumpanya ni Arthur si Paulo bilang brand ambassador. Simula noon ay lagi niyang iniimbitahan si Paulo sa mga personal party nito o kaya naman ay to hang out with him sa The Palace. Naging malapit sila sa isa't isa dahil hindi din naman nagkakalayo ang kanilang mga edad.
"Hindi ko makita ang hinanap ko sa kanila." mahinahon na sagot ni Paulo habang iniinom ang alak.
"Ewan ko sa'yo Paulo. Malalaki na nga ang mga hinaharap ng mga lumalapit sa'yo, ayaw mo pa rin? Baka hindi na tumitigas iyang alaga mo." pabirong tugon ni Arthur. Natawa ang dalawang babaeng nakapulupot kay Arthur sa sinabi nito. Hindi na lamang umimik si Paulo at hinayaan na lamang magsalita ng magsalita ang lasing na si Arthur.
Kahit na magkaibigan sina Arthur at Paulo ay magkaibang magkaiba sila. Kung si Arthur ay naaakit sa pisikal na pangangatawan ng babae, si Paulo ay hindi. Para kay Arthur ang babae ay isang putahe lamang na kailangang tikman dahil napakarami pang putahe ang gusto nitong tikman. Samantalang si Paulo ay isang putahe lang ang gusto at patuloy pa ring hinahanap-hanap.
"Uy Pau!" bati ng isang babae ng si Paulo ay lumabas sa restroom ng bar. "Ikaw si Pau, diba?" tanong ng babae. Tinignan lamang mabuti ni Paulo ang babae at kinikilala. Wala masyadong tumatawag sa kaniya ng Pau maliban sa mga naging kaklase niya noong College. "Ako ito si Karen Peterson classmate mo ko nung college sa Literature sa Philippine University."
"Ah yung naging partner ko sa Litt Reporting?" sambit ni Paulo ng mamukhaan ang babae.
"Buti naman naalala mo ako. Nakikita lang kita sa mga TV at magazines. Hindi ko akalain na mameet kita dito. Ang huli nating pagkikita ay yung dinner after The Finals ng Litt."
"Tanda mo pa yun?" namamanghang tugon ni Paulo.
"Oo naman, sinama mo pa nga yung girlfriend mo noon eh." dugtong na kwento ni Karen. "After ng play natin para sa finals, naisipan nating kumain tapos sinama mo si girlfriend mo kasi may usapan kayo na kakain dapat kayo. " patuloy na kwento ni Karen. Natahimik na lang si Paulo dahil ang mga panahong iyon ay pilit na niyang kinalimutan pero biglang bumalik dahil sa pagkukwento ni Karen. "Napakabait ng girl friend mo na yun, dapat hindi ka sasama samin pero sinabi niya na kailangan mong sumama sa dahil celebration natin iyon as a group kaya pinilit ka niya na umattend sa dinner. Since hindi pa din siya nakain dahil inaantay ka niya ay sinama na natin siya. Ano nga ulit pangalan niya? Lane? Anne?" detalyadong pagkukwento ni Karen.
"So-Sorry. I need to go." paalam ni Paulo dahil hindi na niya kinaya na ang pagbabaliktanaw ni Karen. "Good to see you."
"Ahh Okay. Sige. Nice to meet you." paalam ni Karen at umalis na si Paulo. "See You around." pahabol na sabi ni Karen.
"Paulo!" tawag ni Arthur ng makita niya sa Paulo ng papunta siya sa restroom ngunit hindi siya napansin nito dahil nagmamadali itong lumabas ng bar "Ano kayang problema nun?" tanong na lamang ni Arthur sa sarili.
Ang bawat isa ay may nakaraan na ayaw ng balikan, at para kay Paulo ang araw ng siya ay nasa Kolehiyo ang pinakaayaw niyang balikan. Puno ng masayang ala-ala ang kolehiyo ni Paulo pero lahat ng saya na iyon ay nabalot ng lungkot isang araw matapos ang Finals noong ikalawang semester ng siya ay nasa ikatlong taon sa kolehiyo.
YOU ARE READING
I'm Not Her (bxb) (boyxboy)
RomanceBXB. BOYXBOY. M2M. GAY. YAOI. BOYS LOVE. BL STORY Paulo Marasigan, ay isang sikat na model actor na may hindi malilimutang nakaraan. Minsan na siyang umibig, nasaktan at patuloy pa ring kinakalimutan sa kasalukuyan ang kaniyang dating kasintahan. I...