Maayos na natapos ang shoot ni Jake sa Studio Mag. Umabot ng ala una ng hapon ang kanilang shoot bago natapos.
"You did great today." bati ni Harvey kay Jake sabay tapik sa braso. Nasa loob sila ng dressing room upang magpahinga bago umalis.
"Salamat po." tugon ni Jake kay Harvey. "May natawag po ata sainyo." sambit ni Jake ng marinig ang vibration ng phone mula sa bag ni Harvey.
"Talaga?" tanong ni Harvey at agad kinuha ang kaniyang cellphone sa bag. "Wait, sagutin ko lang ito. Pahinga ka muna diyan." sambit ni Harvey ng makita kung sino ang tumatawag.
"Sige lang po." sagot naman ni Jake. Lumabas panandalian si Harvey upang sagutin ang kaniyang cellphone.
Habang may kausap si Harvey ay pumasok naman si Kyle sa dressing room.
"Sir. Salamat po ulit for today." pasasalamat ni Jake kay Kyle.
"Wala iyon. You did great." sambit ni Kyle kay Jake. Si Kyle ay kasing tandain ni Harvey, 27 years old, 5'8, kayumanggi at balingkinitan.
"Hinahanap niyo po ba si Sir Harvey?" usisang tanong ni Jake. "Kaka--"
"Hindi. Hindi." pagtanggi nito. "May itatanong lang sana ako saiyo."
"Sa akin po?" nagtatakang tanong ni Jake. "Ano po iyon?"
"Matagal na ba kayong magkakilala ni Harvey?" usisang tanong ni Kyle.
"Hindi po." sagot naman ni Jake. "Kakakilala ko lang po sa kaniya weeks ago." dugtong nito.
"Saan kayo nagkakilala?" patuloy na pag-uusisa ni Kyle habang nakatayo sa gilid ni Jake.
"Ah. Nagmessage po siya sakin kung gusto ko daw maging modelo.." simulang pagkukwento ni Jake. Ibinahagi ni Jake kung paano siya chinat ni Harvey para maging modelo hanggang sa pagkikita nila upang pag-usapan ang kontrata.
"Ganun ba?" may paghihinalang tanong ni Kyle.
"Bakit po?"
"Alam mo bang ikaw lang ang hinahawakan niyang modelo?" tanong ni Kyle.
"Hindi po ba normal kung ako lang ang hinahawakan niyang modelo?" tanong pabalok ni Jake.
"Ahm. Minsan ang mga handler ay may isa , hanggang lima na hinahawakan na modelo depende kung gaano kasikat ang isang modelo. Kadalasan kapag isa lang ang hinahawakan ng handler ibig sabihin ay sobrang sikat ng modelo o artista na iyon." pagpapaliwanag ni Kyle.
"Ahhhh okay po." tugon ni Jake. "Hindi ko po alam kung ako lang o may iba pa po eh. Hindi naman po naikukwento sakin ni Sir Harvey." paglilinaw ni Jake.
"I mean, alam mo ba na ikaw lang ang hinawakan niyang modelo?" patuloy na pag-uusisa ni Kyle. Alam kasi ni Kyle na hindi hahawakan ni Harvey si Jake ng walang dahilan.
"Paano pong ako lang ang hinawakan?" nagtatakang tanong ni Jake.
"Madami ng modelo ang gustong ipahawak kay Harvey ng kaniyang mga magulang pero ayaw ni Harvey sa mga modelong ito." pagsisimulang kwento ni Kyle.
"Bakit ayaw ni Sir Harvey?" singit na tanong ni Jake.
"Hindi ko din alam. Kapag nagkatime ka tanungin mo tapos balitaan mo ako." sagot naman ni Kyle. "So ayun na nga, halos dalawang taon ng pinipilit si Harvey na humawak ng talents pero ayaw pa rin niya. Kaya ang parents niya ay sinabi na kapag wala siyang talent na hinawakan ay siya ang magiging talent mismo." patuloy na pagkukwento ni Kyle.
"Baka po no choice na siya kaya naghanap na siya ng talent?" tanong muli ni Jake. "Sabi niya po kasi ayaw niya sa camera kaya ayaw niya maging modelo." dugtong ni Jake.
"Kaya nga, bakit sa dami-dami ikaw pa?" nagtatakang tanong ni Kyle.
"Hoy! Hoy! Hoy!" sambit ni Harvey ng pumasok muli sa dressing room. "Bakit mo hinaharass ang modelo ko?" tanong ni Harvey.
"Grabe ka naman sa hinaharass." sambut ni Kyle. "Hinaharass ba kita Jake?" tanong ni Kyle kay Jake.
"Hindi po." sagot naman ni Jake sabay ngiti.
"Oh sabi saiyo eh. Sige alis na ako, aayusin ko pa yung portfolio printing ni Jake." nagmamadaling paalam ni Kyle at lumabas na ito sa dressing room.
"Sigurado ka ba na hindi ka hinarass ng mokong na iyon?" tanong muli ni Harvey.
"Opo." sagot naman ni Jake.
"Mabuti naman kung ganoon." tugon ni Harvey. "Oo nga pala, may nagconfirm na agad para sa una mong modelling job."
"Nagconfirm po? Wala pa po akong portfolio diba po?" tanong ni Jake.
"Nagpasa na ako ng mga larawan mo galing sa Instabook sa mga kakilala ko na maaring kumuha saiyo bilang modelo." sagot ni Harvey.
"Talaga po?" masayang tanong ni Jake.
"Oo, pero syempre hindi pa ikaw ang main model. Isa ka sa mga makakasama ni Paulo sa kaniyang bagong shoot para sa HSM Cosmetics."
"Okay lang po iyon. Gagawin ko po ang best ko." sambit ni Jake. "Paulo? HSM Cosmetics? Paulo as in Paulo Marasigan?" tanong ni Jake ng mapagtanto niya ang pangalan ng artista at brand.
"Oo siya nga. Isa siya sa pinaka indemand ngayon at magshushoot sila para sa kanilang bagong commercial at brochures." sambit ni Harvey.
"Wow." namamanghang sabi ni Jake.
"Ang schedule ng shoot ay sa isang araw Wala ka namang lakad nun diba?" tanong ni Harvey.
"Wala naman po. Wala naman akong masyadong pinagkakabalahan." nakangiting sabi ni Jake
"That's good." sabi ni Harvey. "Hindi ka pa ba nagugutom?" tanong nito ng mapagtanto na hindi pa pala sila naglalunch.
"Oo nga po pala. Hindi pa tayo naglalunch. Nawala sa isip ko." natatawang sabi ni Jake.
"Okay ka na ba? Tara na at kumain muna bago tayo dumaretso sa office." sambit ni Harvey.
"Sa Office?" tanong ni Jake.
"Sa office ng Star Entertainment, iikot muna kita bago kita ihatid ulit pauwi. Pero bago iyon kailangan muna nating kumain baka mahimatay ka na sa gutom." sambit ni Harvey.
Nagpaalam na sila kay Kyle na nakaharap sa monitor nito at tinitignan ang mga kuha sa shoot ngayong araw. Dumaretso na sila sa sasakyan dala-dala ang mga damit na isinuot ni Jake ngayong araw.
"Oo nga pala nakalimutan kong itanong, gusto mo din bang pumasok sa pag-arte?" tanong ni Harvey habang inaayos ang mga damit sa likod ng sasakyan.
"Hindi ko po alam kung maitatawid ko ang pag-arte pero kung may opportunity po ay igagrab ko." sagot ni Jake. "Hindi po ako magaling, pero magpapatulong nalang din ako sa kaibigan kong head ng drama club nung college kung sakaling maicast ako sa isang pelikula o teleserye."
"Papaattendin nalang kita ng acting workshop sa agency natin para mahasa ka sa pag-arte." sambit ni Harvey.
"Okay po." positibong tugon ni Jake.
"So okay lang sa'yo ang mga pelikula at teleserye bukod sa pagmomodel?"
"Okay lang po. Kahit gaano kaliit na role, okay po ako dun." sambit ni Jake.
"Parang energetic ka ata ngayon?" sambit ni Harvey ng mapansin ang pagiging masigla ng mga sagot ni Jake.
"Hindi naman po. Nagpapasalamat lang po ako sa pagtitiwala niyo po sa akin." sambit ni Jake sabay yuko bilang tanda ng paggalang kay Harvey.
"Basta ibigay mo lang ang best mo sa lahat ng gagawin mo. In time, magbubunga din ang lahat." payo muli ni Harvey.
"Yes sir." tugon ni Jake.
"Osiya, sakay na at nagugutom na din ako." yaya ni Harvey at sumakay na sila upang kumain sa restaurant sa tapat ng Star Entertainment Office.
YOU ARE READING
I'm Not Her (bxb) (boyxboy)
RomanceBXB. BOYXBOY. M2M. GAY. YAOI. BOYS LOVE. BL STORY Paulo Marasigan, ay isang sikat na model actor na may hindi malilimutang nakaraan. Minsan na siyang umibig, nasaktan at patuloy pa ring kinakalimutan sa kasalukuyan ang kaniyang dating kasintahan. I...