Chapter 8

25 0 0
                                    

Kumpol ang tao sa labas ng Alpha Studio, pinakamalaking photography studio dito sa Manila, kung saan magshushoot para sa bagong endorsement ng HSM Cosmetics. Maririnig ang maingay na hiyawan ng tao na sinigaw ang pangalan ni Paulo.

"Iba talaga ang kasikatan ni Paulo." sambit ni Harvey habang kami ay pumapasok sa loob ng establishimento galing sa basement parking.

Sa kanilang pagpasok ay naghihintay sa may lobby ang ibang model na makakasama din sa shoot ngayong araw kasama ang kanilang mga handler.

"Ngayong araw, lahat ng susuotin at make-up artist ay provided ng company." pagpapaliwanag ni Harvey. "Maupo ka muna at kikitain ko lang ang project manager ng HSM for today." paalam nito.

Naupo si Jake sa isa sa mga sofa sa lobby. Nakatingin sa kaniya ang ilan sa mga taong naroroon na tila ba nakuha niya ang atensyon ng mga ito. Inilibot ni Jake ang kaniyang mga mata upang hindi madama ang asiwang pakiramdam.

Maya-maya ay nagtungo siya sa CR upang umihi. Manghang mangha siya sa kaniyang mga nakikitang malalaking larawan ng artista sa hallway ng studio. Hindi niya lubos isipin na studio lamang ang kaniyang napuntahan at hindi isang museo.

Nang makarating siya sa palikuran ng mga lalaki ay isang lalaking tinitignan ang kaniyang repleksyon sa salamin ang bumungad sa kaniya. Hindi niya lubos isipin na ang lalaking iyon ay si Paulo.

"Magandang Umaga po." bati niya sabay tungo ng kaniyang ulo tanda ng paggalang. Hindi umimik si Paulo ngunit humarap ito sa kaniya. Nakita niya ang mga sapatos nito na nakaharap sa kaniya kaya itinaas na niya ang kaniyang ulo.

"Ako po pala si Jake, isa po ako sa mga tagahanga niyo at isa din po ako sa makakasama niyo sa shoot ngayong araw." pagpapaliwanag niya sabay pilit na ngiti upang hindi nito isipin na isa siyang stalker.

Natulala lamang si Paulo ng makita ang mukha ni Jake. Nabitawan niya ang cellphone na hawak hawak niya. Agad namang kinuha ito ni Jake at muling inabot sa kaniya.

"Ayos lang po ba kayo?" tanong ni Jake habang iniaabot ang cellphone nito.

"Ayos lang ako." tugon naman ni Paulo sabay kuha ng kaniyang cellphone at agad lumabas sa palikuran.

"Saan ka galing?" tanong ni Harvey ng makabalik si Jake mula sa palikuran.

"NagCR lang ako." sagot nito.

"Ahh. Magsisimula na ang shoot." yaya ni Harvey. "Sa sobrang dami ng modelo ay sa dressing room tayo ni Paulo makikisama." sambit nito habang naglalakad sila sa dressing room.

"Sa dressing room ni Paulo?" gulat na tanong ni Jake. "Pumayag naman ba si Paulo?"

"Nakausap ng Project Manager ang handler ni Paulo at naintindihan naman nito basta isa lamang daw ang pwede." sagot ni Harvey.

"Ano?" bulalas ni Paulo ng sabihin ni Chris na may makakasama siya sa dressing room.

"Malaki naman itong dressing room at doon sila sa kabilang dulo." pagpapaliwanag ni Chris. "Lima-lima na kasi ang laman ang ibang dressing room. Kaya bawal madamot" patuloy na sabi nito.

Kumatok na si Harvey sa pintuan ng dressing bilang hudyat na papasok na sila. Nakita ni Paulo sa repleksyon si Harvey na papasok.

"Si Harvey ang makakasama ko dito?" tanong ni Paulo.

"Hindi. Handler siya ng modelo." sagot naman ni Chris.

"Hello." bati ni Harvey ng pumasok sila sa dressing room.

"Akala ko ay hindi ka naghahandle n--" natahimik sa gulat si Paulo ng pumasok kasunod ni Harvey ang lalaking nakita niya sa palikuran, si Jake.

"Magandang umaga po. Jake po pala." bati ni Jake kay Chris at Paulo sabay tungo ulit.

"Magandang unaga din sa'yo Jake. Chris nga pala handler ni Paulo." pakilala ni Chris samantalang si Paulo ay nakatitig lamang kay Jake mula sa repleksyon nito sa salamin.

Iniangat na ni Jake ang kaniyang ulo at nginitian si Chris matapos ang tumingin sa salamin at napansing nakatitig sa kaniya si Paulo. Nang magtapo ang kanilang mata ay nginitian ni Jake ito at ibinaling sa loob ng dressing room ang kaniyang mata upang maavoid ang awkwardness.

"Salamat at pumayag kayong makidressing room kami sainyo." sambit ni Harvey kay Chris.

"Walang problema yun." mabilis na sagot ni Paulo. Muli na namang tinitigan ni Chris si Paulo dahil kanina lamang ay may violent reaction ito.

"Iba ka talaga Paulo." nakangiting tugon ni Harvey. "Jake maupo ka na dun." sambit ni Harvey kay Jake sabay turo sa kabilang salamin mga higit kumulang na dalawang metro mula kay Harvey.

"Saan mo naman napulot ang modelo mo, parang ngayon ko pang nakita siya?" tanong muli ni Paulo kay Harvey.

"Huy, grabe ka naman sa napulot." sambit ni Chris kay Paulo sabay siniko niya ito.

"Hindi ko siya pinulot. Hinanap ko siya." nakangiti pa ring tugon ni Harvey.

"Buti nahanap mo na ang modelo mo after ilang years." sambit ni Chris.

Madalas magkrus ang landas ni Chris, Paulo at Harvey sa mga shoot dahil sinasama lagi si Harvey lagi ng kapatid niya bilang driver sa mga shoot na pinagsasideline-nan nito. Nagpatuloy ang pag-uusap ni Chris at Harvey samantalang si Paulo ay iniikot ang kaniyang upuan upang muling titigan si Jake.

Nadadama ni Jake na nakatingin sa kaniya si Paulo kaya naman kinuha niya ang kaniyang cellphone at nagbusy-busyhan. Hindi niya mapagtanto kung may nagawa ba siyang masama at grabe makatitig si Paulo sa kaniya o baka naman feeling niya ay stalker pa rin ako na sinusundan siya hanggang sa CR.

"May problema ba Paulo?" tanong ni Chris ng mapansing nakatitig kay Jake.

"Mukhang ayaw mo ata kami dito." pabirong sabi ni Harvey kay Paulo.

"Hindi naman." sagot ni Paulo at muling humarap sa salamin.

"Pasensya na ulit at nakidressing room crash kami sainyo." paghingi ng pasensya ni Harvey.

"Okay lang iyon basta ikaw. Kung yung iba iyan baka hindi namin maentertain." tugon ni Chris. "Alam mo na." pabulong na dugtong niya.

"Huwag kayo mag-alala, mabait naman iyang si Jake." sambit ni Harvey.

Maya-maya pa ay may kumatok muli.

"Magandang araw po. Heto po ang magmemake-up sainyo ngayong araw." sambit ng isang staff kasama ang isang make-up artist. Kasunod ding pumasok ang dalawa pang staff na may tulak-tulak na clothing rack, isa para kay Jake na may lamang dalawang set ng outfit at isa para kay Paulo na may lamang walong set ng outfit.

"Magsisimula po ang shoot within 30 minutes." sambit ng staff "Ang una pong ishushoot ay si Paulo." dugtong nito bago ito umalis.

Ang pagkakasunod sunod ng shoot ay si Paulo, habang nagbibihis ito para sa mga susunod na outfits nito ay ang ibang modelo tulad ni Jake, tapos ay si Paulo ulit. Salitang ishushoot si Paulo at ang ibang modelo hanggang matapos ang buong araw na shoot.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 07, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

I'm Not Her (bxb) (boyxboy)Where stories live. Discover now