Chapter 6

16 0 0
                                    

Dumating ng maaga si Paulo sa Aviv Artist Agency, o Triple A Office dahil siya ay may meeting para sa mga upcoming niyang projects and endorsement.

"Kailangan pa ba talaga akong sumama saiyo dito sa office?" tanong ni Paulo kay Chris ng sila ay bumaba mula sa kanilang sasakyan.

"Syempre kailangan mong magpakita dito sa office pa minsan minsan." sagot ni Chris.

"Alam mo namang ngayon lang dapat ang pahinga ko tapos need ko pa rin ilaan sa office ang araw na ito?" patuloy na tanong ni Paulo habang papasok sila sa building mula sa parking area.

"Shhh! Huwag ka masyadong maingay marinig ka ng mga emplayado. Baka sabihin nila napakamaiinitin ang ulo mo." sambit ni Chris. Si Paulo ay ang tipo ng taong kapag stress ay madaming tanong at mabilis mairita. Pero mabait naman siya kay Chris at hindi binibigyan ng sakit ng ulo ito. Kung anong sabihin ni Chris na schedule niya ay ginagawa at pinupuntahan niya kahit pa pagod siya, yun nga lang madami siyang tanong at reklamo.

Nang pumasok na sila sa building ay lahat ng tao ay nakatingin sa kanila. Lahat ng makasalubong nila ay binabati sila. Dumaretso sila sa conference room ng Triple A at naghihintay na dun ang isa sa mga Director ng agency na si Pia Angeles, kasama ang ilang empleyado mula sa PR at Marketing Department.

"Hey Paulo. Good Morning!" bati ni Pia. Si Pia ay apat na pung taong gulang, maikli ang kaniyang buhok, at payat.

"Good Morning Ms. Pia." bati ni Paulo.

"Good Morning Ms. Pia." bati din ni Chris. "Sorry, late ata kami?" dugtong nito.

"No, your just in time." nakangiting sabi ni Pia. Naupo na sina Paulo at Chris. "Sorry Paulo, dahil lagi ka naman pinapapunta dito sa office."

"Wala pong problema dun." nakangiting sabi ni Paulo. Napatingin naman sa kaniya si Chris na hindi naniniwalang walang problema dahil sa mga reklamo nito kanina. Nginitian lang siya ni Paulo ng makitang nakatingin siya.

"That's good to know. It's just important to tell you directly the things about your projects and endorsements para maging smooth lang." sambit ni Pia.

Nagsimula ang meeting about sa mga nagdaan proyekto ni Paulo foe the previous months at mga upcoming projects pa nito. Napag-usapan din sa meeting ang mga movie offer kay Paulo ngunit wala pa ring napipili si Paulo sa mga scripts na ipinasa sa kaniya. May mga suggestions ang agency kay Paulo. Dahil hindi pa makapili si Paulo ay napagkasunduan nila na kung sakaling hindi makapili si Paulo bago matapos ang kasalukuyang buwan, may labing limang araw pa lng natitira, ay ang suhestiyon na pelikula ng agency ang kanilang gagawin.

"One more thing before we end our meeting, I have good news for you." sambit ni Pia.

"Good news?" tanong ni Paulo.

"Yup. Nagrenew ng contract ang HSM Cosmetics sa atin and they still want you to be their ambassador and model." tugon ni Pia.

Ang HSM Cosmetics ay ang pinakamalaking cosmetic brand para sa kalalakihan hindi lamang sa Pilipinas maging sa ibang bansa tulad ng US, China at Korea. Isa din ito sa pinakamalaking endorserment ni Paulo.

"Good news nga iyan." sambit naman ni Chris.

"Yes and the contract signing will be the day after tomorrow as well as the shoot for their new advertisements." sambit ni Pia sabay tayo sa kaniyang kinauupuan. "Make sure to update his schedule Chris. I checked na wala naman siyang schedule that time kaya pinush through ko na. They want to launch their new advertisement as soon as possible." duhtong nito.

"Yes ma'am." sagot naman ni Chris. Lumabas na ng conference room sina Pia at ang buong team maliban kay na Chris at Paulo.

"The day after tomorrow?" tanong ni Paulo kay Chris. Nanlaki naman ang mata ni Chris at narealize na may personal na lakad pala si Paulo sa araw na iyon.

"Wala tayong magagawa, malaking brand iyon." awkward na sambit ni Chris.

"Haist! Badtrip naman." naiinis na sabi ni Paulo.

"Okay lang iyan, kaysa walang endorsement diba?" muling pampalubag na sambit ni Chris.

"Bakit nga ba ako napasok sa industriya na ito." bulong na sabi ni Paulo sa sarili dahil sa inis.

"Ano yun?" tanong ni Chris ng marinig na bumulong si Paulo.

"Wala. Nagwish lang ako na sana magkaroon ako ng isang araw na makakapagpahinga ako." sarcastic na sabi ni Chris sabay tayo para lumabas sa conference.

"Look who's here." sambit ng George Salvador, isa sa mga talent ng Triple A at itinuturing na kakompitensiya ni Paulo. Parehas silang sikat ngunit lamang si Paulo dahil sa dami ng endorsement nito kaysa kay George.

Tinitigan lang siya ni Paulo. Isa si George sa pinakaayaw niyang makita dahil sa dala nitong hangin at taas ng tingin sa sarili.

"Bakit ganyan ka makatingin? Hindi ka ba masiyang makita ako?" palokong sabi ni George.

Hindi muling kumibo si Paulo sa mga pinagsasabi ni George. Nagpatuloy siya sa paglalakad.

"Teka!" sambit ni George sabay hawak sa braso ni Paulo. Lumapit ito sa tenga ni Paulo. "Sa tingin mo ba sikat na sikat ka na? Huwag ka masyadong pakampante, maaring nasa taas ka ngayon pero darating ang araw na nasa baba ka na." panggagalit na bulong nito.

"Gusto ko na ding mahintay ang araw na iyon. Para naman makapagpahinga ako." kalmadong bulong na tugon ni Paulo. Tinanggal ni Paulo ang pagkakahawak ni George at nagpatuloy sa paglalakad.

Bakas sa mukha ni George ang inis dahil walang silbi ang panggagalit niya kay Paulo. Agad namang sinundan ni Chris si Paulo.

"Ayos ka lang ba?" tanong ni Chris kay Paulo.

"Ayos lang ako. Kailan nga kayo ako mapupunta sa baba?" curious na tanong ni Paulo.

"Baba?" usisang tanong ni Chris.

"I mean, kailan kaya mawawala ang kasikatan ko?" patuloy na tanong ni Paulo.

"Huwag mong isipin iyan. Kung mawawala ang kasikatan mo, saan na ako mapapadpad?" tanong ni Chris kay Paulo.

"Natanong ko lang."

"Ano bang sinabi ni George saiyo?" muling usisa ni Chris. "Kung ano man ang sinabi niya, huwag mo masyadong intindihin. Ang mahalaga ay ang kasalukuyan at dapat tayong magpasalamat sa mga natatamasa mong kasikatan. Okay?" dagdag na payo ni Chris.

"Okay."

I'm Not Her (bxb) (boyxboy)Where stories live. Discover now