Prologue

42 4 5
                                    

Taong 1998 sa isang madilim na silid. Na tanging dilaw na ilaw ng lampara lamang ang nagbibigay liwanag.  Kasabay ang mahinang kanta na tangi doon lamang maririnig sa loob. Kanta na umaaliw sa  kung sino man ang naroon. Doon ang isang matandang lalaki. Na abala sa kaniyang ipinipinta. Kung saan nagpasiya siyang i-guhit ang sarili niya noong kabataan pa niya. Mga labing walo ang edad.

May katandaan na ang lalaki. Mahaba ang balbas at medyo kulubot na ang mukha. Na mababakas ang tatlong guhit sa nuo nito.

Ang lalaki ay isang sikat na pintor. Sa taon na iyon. Sumikat ang lalaki sa galing niya sa pagguhit at pagpipinta. Mga larawan na iginuhit niya at binili ng mga mayayamang tao. Ang lalaki ay nagngangalang Francis. Kung saan iyon ang ginamit niyang pangalan. Upang itago ang tunay niyang pagkatao. Making saan ayaw niyang tawagin siya sa apelyido ng kaniyang ama. Dahil ang ama niya ay isang kriminal. Na siyang pumatay sa kaniyang ina. Bago siya iwan nito.

Sa ganap na alas dose y medya ng gabi. Sa kaniyang kisame. Doon ay ginagawa niya ang pagpipinta ng sarili. Nasa katapusan na siya ng kaniyang ginagawa. Ng may marinig siyang ingay mula sa baba. Kaya itinigil muna niya ang kaniyang ginagawa.

Nahirapan pa itong tumayo. Hanggang sa makababa habang hawak ang baywang. Dahil sa ngalay. Narinig niya ang ingay mula sa kaniyang kwarto. Kaya dahan-dahan niyang tinungo ang kwarto ng makita ang isang lalaki na nakakulay itim ang suot. May takip ang mukha nito na mukhang may hinahanap sa kaniyang mga gamit.

Kaya madalian niyang tinungo ang telepono upang tumawag ng pulis. Nanginginig pa ang kamay nito habang naghihintay na may sumagot mula sa kabilang linya.

"Hello 911 Police Station."

Mula sa kabilang linya ang isang police officer. Na siyang sumagot ng tawag ng matanda.

"Officer. Nanghihingi ako ng tulong. Pinasok ako ng magnanakaw. H-Hindi pa niya alam na may tao. Kaya pakibilisan." Pabulong na sabi ng matanda.

Ibinaba niya ang telepono. Pero laking gulat niya dahil nagkatinginan sila ng magnanakaw. Mabilis na may hinugot ang magnanakaw sa kaniyang tagiliran at sinugod ang matanda.

Umatras pa ito para makalayo. Pero nabangga ang likod niya sa isang cabinet. Kung saan wala na siyang takas. Kaya inundayan siya ng saksak ng magnanakaw sa tagiliran. Sabay takbo palabas dala ang ilang kagamitan na nakuha nito.

Napahawak naman ang matanda sa kaniyang tagiliran. Ng makita ang dugo sa kaniyang palad. Ganu'n din ang pagsusuka nito ng dugo. Nakalakad pa ang matanda. Una niyang naisip ang kaniyang ginagawa. Kaya kumuha siya ng damit at itinakip sa tagiliran niya. Upang hindi siya maubusan ng dugo.

Pinilit niya umakyat sa taas ng kisame upang tapusin ang kaniyang ginagawa. Kahit kumikirot ang kaniyang sugat sa tagiliran. Pag-akyat niya ay bigla siyang natumba dahil sa kirot at panghihina. Pero hindi siya nagpatalo sa kirot. Pinilit niyang makatayo upang tapusin ang kaniyang ginagawa.

Kinuha niya ang paint brush at isinawsaw sa kulay gray na pintura. Ipinahid niya ito sa ginagawang portrait. Sa huling kulay ay kulay pula. Nanginginig ang kamay niya dahil sa sakit. Pinilit niyang buksan ang isang lata ng pintura na kulay pula. Pero mahigpit ang pagkakasara nito. Nanghihina na ang matanda. Kaya hindi na niya mabuksan ang takip.

___

Natapos ng matanda ang ginagawang portrait. Kasabay ang guhit sa mga labi nito. Napangiti ang lalaki ng matapos ang ginagawa. Hanggang sa kumirot na ng sobra ang kaniyang sugat. Hindi niya alam ang kaninang puting damit na ipinantakip niya sa sugat ay punong-puno ng nang dugo.

Namumutla na rin ang labi niya. Hanggang sa manghina na ang tuhod nito. Bumagsak ang lalaki sa sahig. Kaya lalong tumulo ang dugo sa sahig.  Nanlalamig na ang lalaki at 'di na siya makagalaw. Nakatanaw na lamang ito sa iginuhit hanggang sa magsara ang talukap ng mga mata nito.

Tuluyan na itong nawalan ng malay. Namatay ang matanda. Dahil sa tinamong saksak. Habang nakahandusay sa sahig ng kisame niya.

Dumating ang mga pulis. Pagpasok pa lang ay nakita nila ang dugo. Kaya sinundan nila ito. Hanggang sa tumigil ang tulo sa tapat ng pinto ng kisame. Umakyat ang mga pulis. Doon ay natagpuan nila ang bangkay ng matanda. Wala na itong buhay.

Hinalughog ng mga pulis ang buong kisame. Nagbabakasakali sila na may makitang ibidensiya. Hanggang s makakita ng isang sulat. Sulat kamay ng matanda. Na huwag gagalawin lahat ng gamit sa loob ng kisame.

___

Inilibing ang matanda. Pero kakaunti lang ang pumunta tanging mga kamaganak lang nito. Walang kaibigan ang matanda. Dahil noong nabubuhay pa ito ay sa loob lang ng bahay umiikot ang buong buhay nito. Habang inuubos ang oras sa pagpipinta.

Makalipas ang ilang dekada. Walang bumili ng bahay. Lahat ng gamit sa loob ay nanatiling nakatabi. Lalo na ang mga gamit nito sa kisame. Lalo na ang huling larawan na ipininta nito. Na natatakpan ng puting tela. Habang puno na ng sapot at alikabok. May salamin na binata ang kisame. Na siyang daanan ng liwanag. Ang nagbibigay liwanag sa loob kapag umaga.

The Attic PortraitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon