Binabagabag pa rin ako ng hindi kapanipaniwala ng nangyari ngayon. Hindi ko alam kong panaginip ba o sadiyang bangungot na.
Habang nagtitimpla ng juice. Pasimple kong sinampal ang sarili ko. Baka totoong bangungot. Pero nasaktan lang ako. Napalakas pala ang pagsampal ko. Sandali kong iniwan 'yung ginagawa ko para silipin siya sandali. Iniwan ko kasi siya sa sala pansamantala. At ang ipinaalam ko ay magtitimpla ako ng juice niya.
Wala namang kahina-hinalang masama sa kaniya. Kung tutuusin. Mukha pa nga siyang inosente. Parang ngayon lang siya nakakita ng mga bagay dito sa bahay.
Muli akong bumalik sa tinitimpla kong juice. Ng maisipan kong tumungo sa sink para maghilamos. Hindi lang talaga ako makapaniwala. Pagkatapos kong maghilamos. Muli ko siyang sinulyapan ng tingin. Pero wala eh. Totoo talaga. Paano ang isang nilikha lang mula sa isipan ay kaharap ko ngayon.
Pagkatapos kong magtimpla. Gumawa din ako nang sandwich. Tama na siguro ang isa. Para sa kaniya. Matapos kong gawin ang meryenda niya. Dinala ko na iyon sa kaniya.
"Meryenda ka muna." Inilapag ko iyon sa harapan niya. Habang nakatingin lang siya sa akin.
Umupo ako sa harap niya. Hindi niya ginalaw ang inihanda kong pagkain. Nakatingin lang siya doon. Hindi ko alam kong nahihiya siya o busog lang.
×××
Doon ko napagtanto na ang nasa harapan ko ngayon ay isang multo. Tama isang multo. Pero nahahawakan ko siya. Higit sa lahat nakatayo siya ngayon sa harapan ko. Pamilyar siya sa akin. Ang mukha niya ang kulay ng buhok niya at ang mga mata niya.
Siya 'yung. Yung...tama 'yung nasa painting sa kwarto ko.
"Hindi. Hindi. Baka panaginip lang 'to. Hindi Cara gising Cara..." Sinampal-sampal ko ang sarili ko para magising ang diwa ko. Pero siya pa rin ang nakikita ko.
Nilapag ko muna sandali ang mga pinamili ko sa sofa. Muli ko siyang tiningnan. Totoo nga siya.
"Teka buhay ka?" Mukha namang naintindihan niya ako kaya tumango siya.
"Pero paano?"
"Dahil sa sinabi mo kahapon. Na gusto mo akong makausap."
Dahil sa sinabi niya. Parang biglang nanigas ang panga ko. "Sinabi ko kahapon?"
"Legit ba? Parang humiling lang ako sa isang fairy?"
"Teka sandali maupo ka muna."
Bakit parang wala siyang pakiramdam? Hindi manlang siya ngumingiti o masaya na nabuhay siya. Okay lang naman 'yung init ng mga palad niya. Hindi siya multo. Totoong tao siya. Na nakikita at nakakausap ko.
×××
Tahimik lang itong nakaupo. Talagang hindi niya ginalaw 'yung pagkain. Ng bigla na lang itong nagsalita.
"Sino ka at bakit nandito ka sa bahay ko?"
Ang weird na talaga. Dahil una bigla na lang siyang lumitaw mula sa kung saan. Tapos ngayon ikini-claim naman niya na bahay niya ito.
"Wait. Ako nga pala si Cara Bealse. Bagong lipat lang kami dito. Kami ang nakabili ng bahay na ito. So ibig mong sabihin ikaw ang may-ari nito...dati?"
Tango lang ang sunod na tugon niya sa akin.
"Teka kung ikaw nga ang tunay na may-ari nito. Bakit ganiyan ang itsura mo? Eh sabi ng nagbenta nito matanda daw ang nakatira dito dati?"
BINABASA MO ANG
The Attic Portrait
FantasyThe one you love is a alive portrait. Do you really love him? If he is older than you in many decades.