Scene 13

8 1 0
                                    

Sa bawat araw na nakikilala namin si Charlie. Ganu'n naman ang limit na makita namin si Kian. Hindi na kami nakakapunta sa apartment niya. Minsan naman kapag papasok siya. Hindi namin siya nakakausap.

Hindi ko alam pero parang ayaw niya kay Charlie. Hindi naman sa hindi niya gusto si Charlie dahil wala naman siyang sinabi. Pero feeling ko kapag kasama namin si Charlie. Humihiwalay siya sa amin.

Isang umaga after namin pumunta sa long room (Old Library in Trinity). Kasama si Charlie. Naisipan naming dumaan sa supermarket. Dahil may gusto daw bilhin si Sef. Kaya sinamahan namin siya ni Charlie.

After namin samahan si Sef papauwi na kami ng may mapansin ako sa loob ng isang mall. Pamilyar at kilalang-kilala ko siya. Nagtitinda siya ng paintings sa loob.

"Teka Kian?"

Natigil kami sa paglalakad. Kaya napatingin na rin sina Sef at Charlie.

"Oo nga si Kian," ani Sef.

Pinuntahan ko siya. Ganu'n din ang dalawa kong kasama na nakasunod sa likod ko. Nakita ko na habang nagtitinda siya ay nagpipinta rin siya.

"Kian?"

Napatigil si Kian sa pagpipinta at napatingin sa akin. Ganu'n din sa dalawang kasama ko na kumaway pa sa kaniya.

"Hi Cara. Kailangan ko lang ng pambayad sa rent. Kaya naisipan kong magbenta ulit."

Natawa ako sa reaksyon niya. Nagpaliwanag siya agad sa akin. Talagang seryoso siya sa pagbebenta.

"Teka bro nagpipinta ka rin? Wow ang galing. Hindi ko alam na marunong ka rin pala."

"Hobby ko lang."

"Teka nandito na rin naman tayo. Bakit hindi na natin siya tulungan. Alam mo na Cara parang dati lang."

"Oo nga Sef. Magandang ideya 'yan."

Sinamahan namin si Kian na maibenta lahat ng gawa niya. Habang kami naman ay naghahanap ng bibili. Dalawa naman sila ni Charlie na nagtutulong sa pagpipinta. Hanggang sa matapos na kami.

×××

May ilan pang natira kaya naisipan na naming itigil iyon. Hapon na rin naman kaya. Nagpasiya na kaming umuwi.

"Nice bro. Ang gaganda ng gawa mo."

"Salamat."

"Magkakasama na lang rin tayo. Doon na tayo mag meryenda sa apartment ni Kian. Hindi ba Kian?"

"Uh ok lang."

Napansin ko na parang nagulat si Kian sa alok ni Sef. Pero pinilit niyang sumagot para lang pakisamahan si Charlie. Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman niya kay Charlie. Pero parang naiilang siya dito kapag magkausap sila.

Pagdating namin sa apartment. Tumambad sa amin ang ilang painting na sobrang gaganda. Iniwan niya iyon para maging alaala. Kaya hindi niya ibinebenta. Nakita ko rin doon 'yung gawa niya noong magkasama kaming dalawa. Saka noong may hawak ako ng kulay pink na rosas.

Ngayon lang ulit ako nakapunta sa apartment niya. Pero mas nagulat pa ako sa nakita ko. Wala siyang gamit na pinagkopyahan ng mga iyon. Tanging mula lang sa kaniyang isip at mga naalala ang ginawa niyang painting habang kasama ako.

"Wow bro ang galing nito. Talagang kin-a-reer mo ang pagpipinta," manghang saad ni Charlie. Na kahit siya ay napabilib.

×××

Pagkatapos naming kumain. Nagpaalam na uuwi na si Sef. Kaya tatlo na lang kaming naiwan sa apartment. Hindi naman kumakain si Kian. Kaya nasa labas lang siya nakatambay. Nakita ko ng lapitan siya ni Charlie. Habang nakatanaw ang mga ito sa malayo.

The Attic PortraitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon