Tumigil ang isang sasakyan sa tapat ng isang bahay. Kasunod ang isang semi truck. Medyo luma na ang bahay. Pero hindi ganoon gaya dati na lumang-luma na talaga. Dahil ipinagawa na iyon bago pa man may bumili.
Sakay ng kotse ang pamilyang Bealse. Na siyang bumili ng bahay. Napili ng pamilya ang bahay. Dahil mahilig ang mga ito sa old houses na may maraming bintana. Ganu'n din ang paglipat ng kanilang anak sa bagong unibersidad na papasukan.
___
Hi I'm Cara Bealse. 19 years old a college student. Lumipat kami dito dahil pangarap ni mama na mag-aral ako sa isang malaking paaralan dito sa Ireland. Which is sa Trinity University dito sa Dublin.
Kararating pa lang namin. Feeling ko hindi ko na gusto 'yung bahay.
Maganda siya sa picture. Pero sa malapitan. Mukhang mahirap magustuhan. Ang creepy niya at sobrang luma na. Pero para kay mama.
Siguro kailangan ko na lang makasanayan ang pagtira dito. Marami namang kapitbahay. Kaya siguro ok rin kung subukan ko muna.
Sa labas pa lang. Talagang tinitigan ko na ang buong itsura ng bahay. Pero pansin ko lang sa bintana sa taas. Sa mismong gitna. Siguro sa attic 'yun o ibang kwarto.
Feeling ko may nakatingin sa akin. Hindi ko alam kung pakiramdam ko lang 'yun o advance lang talaga ako mag isip.
Habang naghahakot sila mama ng mga gamit sa semi truck na inarkila namin.
Ako naman ay naisipang naglakad-lakad muna sa labas ng bahay.
Inikot ko iyon hanggang sa likod.
Medyo ok namn. Simple lang 'yung labas.
Saka ang tahimik ng paligid. Mukhang ito rin 'yung isa sa mga gusto kong lugar.
Tahimik makakaisip agad ako ng mga reference para sa mga art ko.
Ang totoo mahilig ako sa pagguhit. Ito ang bumubuo sa akin sa buong araw. Kung saan makagagawa ako ng limang art sa isang araw.
If wala akong ginagawa.
Ok balik na tayo sa paggagala ko. So matapos kong libutin ang buong bakuran.
Naisip ko ng pumasok. Nag aayos na sila mama sa kusina.
Tapos si papa naman ay ina-assemble 'yung mga upuan.
Yung ibang gamit na permanent sa bahay. Pinalinis na ng real estate na siyang naghanap para sa amin. Bago pa man kami dumating.
"Cara paki-check 'yung room mo. Para alam ng papa mo kung saan ilalagay 'yung mga hanging cabinet mo at mga portrait," utos ni mama. Nagpupunas na ito ng ilang gamit na dala namin. Inaayos na rin niya iyon sa cabinet isa-isa.
Tinungo ko ang hagdan pataas. Medyo ang creepy ng tunog kapag humahabang ako.
Lumalangit-ngit ito habang lumalapat ang paa ko sa sahig.
BINABASA MO ANG
The Attic Portrait
FantasyThe one you love is a alive portrait. Do you really love him? If he is older than you in many decades.