Scene 5

10 3 4
                                    

Ganap na alas otso y medya ng umaga. Naglalakad ako sa may hallway papunta sa locker room. Ng mapansin ko ang kumpulan ng tao sa may bulliten board. Kaya pasimple akong lumapit doon.

Sumingit ako sa mga nandoon upang makarating sa harapan. Na napagtagumpayan ko naman. Doon ay bumungad na sa akin ang list ng mga napili para sa new member ng artist club.

Mula sa unahan ay hindi ko nakita ang pangalan ko. Kaya sinunson ko pa ang number pababa. Nalungkot ako bigla dahil nasa kaduluduluhan na ako ng bilang. Pero wala ang pangalan ko doon.

Umalis ako sa harapan. Naibagsak ko na lang ang balikat ko sa dismaya. Dahil kampante ako na mapipili ako. Pero pagdating ng dulo wala rin pala.

Bumalik muli ako sa locker room. Iniwan ko muna 'yung book na dala ko. Ng biglang sumulpot si Sef.

"Uy Cara ano. Kumusta nakuha ka ba ni—" Hindi na natuloy ni Sef ang sasabihin. Dahil napansin niya siguro na hindi maayos ang itsura ko. "Sorry Cara." Hinawakan niya ang balikat ko para pakalmahin.

×××

Natapos ang buong klase ko na lutang ako. Kahit 'yung recitation ko hindi rin naging maganda.

Pag-uwi ko ng bahay. Dumiretso na agad ako sa kwarto. Mukhang hindi makakatulong kila mama ang balita ko. Pero tulad ng pinangako ko ay sasabihin ko pa rin sa kanila.

Kaya kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan si mama.

"Hi 'ma. Yes po. Wooh...sorry po hindi ako napili. Yes po. Gusto ko lang sana makatulong kaya akala ko may magandang balita ako sa inyo. Pero...hindi rin pala. Yes po. Okay lang po ako. Sige na 'ma pahinga muna ako.

Pagkababa ko ng cellphone sa beside table. Inayos ko na muna 'yng gamit ko. Tinanggal ko 'yung mga laman para malinis ko 'yung bag ko.

Weekend naman bukas. Kaya hindi ko muna inalala ang mga nangyari sa school.

Matapos ko gawin lahat ng dapat kong gawin. Bumaba muna ako sandali. Pero palabas pa lang ako ng pinto. Napansin ko na naman 'yung painting. Pinagmasdan ko iyon habang dahan-dahang lumalapit doon.

"Ang ganda talaga ng painting na ito. Kung buhay ka lang sana. May makakausap ako ngayon."

Bigla na lang akong napangiti sa biglang lumabas na mga salita sa aking bibig. Bago tuluyang bumaba. Tumungo ako sa kusina para kumuha ng makakain. Nais kong ubusin ang buong maghapon ko sa bahay lang. Wala naman akong pwedeng puntahan na may kasama.

Habang nilalantakan ang chips at juice sa sofa. Bigla na lang nag ring ang cellphone sa bulsa ko. Kaya dali-dali ko itong kinuha. Inipit ko iyon ng kanang tainga ko at balikat.

"Hello Sef? Napatawag ka?"

"Oo nga Cara. Gusto sana kitang yayain lumabas. Tutal weekend naman bukas. Ano tara?"

Buti tumawag si Sef. Nagkaroon tuloy ako ng dahilan para maalis naman ang pagkabagot ko. Para hindi tuluyang lamunin ng pagkainip dito sa bahay.

"Sige Sef. Sama ako."

"Talaga? Ihhh...buti pumayag ka. Ok bukas ng umaga. Sundiin kita diyan ok?'

"Ok."

"Nice. Sige bye muna. Medyo busy eh. Tinawagan lang talaga kita."

"Thanks Sef. Bye."

Sa sobrang excited ko. Naisipa ko na lang sa hangin ang mga paa ko. Sa wakas makakagala na rin ako sa buong Dublin.

×××

Pagdating ng kinabukasan. Naganap na nga ang gala namin ni Sef. Talagang napakasaya pala talaga ng gumala kasama ang kaibigan. Kain ng masasarap na pagkain. Bili ng mga natipuhang gamit. Kuha ng litrato doon. Kung saan natipuhang mag-picture. Talagang napakasaya.

Halos na-enjoy ko talaga ang paggagala. Ang sarap kasama ni Sef. Pero bago kami umuwi. Dinala niya muna ako sa Saint Stephen's Green. Nadaanan ko lang 'yun no'n. No'ng bagong lipat pa lang kami. Pero ngayon narating ko na. Talagang walang isang lungkot ang namutawi sa aking mga labi. Maghapon siguro akong nakangiti nito.

Alas tres na ng matapos kaming maggala ni Sef. Hanggang sa napagdesisyunan na naming umuwi. Tutal hapon na.

×××

Tumigil ang sasakyan nila sa tapat ng bahay namin. Doon din ay tuluyan na akong nagpaalam kay Sef. Bago sila umalis.

Haayyy...

Ako na namang mag-isa. Pagpasok ko sa mini gate ng bahay. Natigilan ako ng biglang nay dumaan na anino ng tao sa bintana sa may kusina.

Tiningnan ko ang garahe. Pero wala pa doon ang sasakyan. Kaya alam kong hindi pa uuwi sila mama't papa. Nagulat ako ng bigla ulit itong dumaan.

Nag-uunahan na ang kabog ng dibdib ko. Bigla akong kinabahan. Mabilis kong tinungo ang likuran para kumuha ng kahoy. Medyo malaki ito sa braso ko. Pero kaya ko namang buhatin. Sa likod na ako dumaan para hindi niya agad ako mapansin. Nasa kusina siya. Kaya kung dadaan ako sa likod. Mahahampas ko siya ng hindi niya ako nakikita.

Pagpasok ko sa likuran. Dahan-dahan akong sumilip. Kita ko siya nakatayo sa May tapat ng ref. Nakatingin lang siya doon. Hanggang sa buksan na nga niya iyon. Nagkaroon ako ng pagkakataon para makalapit sa likod niya upang hatawin siya ng hawak kong pamalo. Hanggang sa dumapo ang hawak kong kahoy sa likod niya. Dahilan para napaupo siya.

"Walang hiya ka! Magnanakaw!" Sigaw ko.

Akma ko ulit siyang hahampasin. Pero iniharang niya ang kaliwang braso niya. Doon ay nabigla ako. Dahil unti-unting nagiging kulay purple ang braso niya. Sa gulat ko ay napaatras ako papalayo sa kaniya. Hindi ko na tinuloy ang pangalawang palo.

Humakbang ako ng tatlong hakbang palayo sa kaniya. Upang sakaling may gawin man siyang masama hindi niya agad ako masusunggaban. Hanggang sa tumayo na siya. Sabay harap sa akin. Medyo nawala na rin 'yung kulay purple niyang balat. Pero hindi tulad ng magnanakaw. Hindi siya natakot na ipakita sa akin ang mukha niya. Humarap siya sa akin na parang inosente pa siya sa nagyari.

Ang ipinagtataka ko. Hindi manlang niya ininda 'yung paghampas ko sa kaniya sa likod na parang wala lang. Seryoso lang siyang nakatingin sa akin. Hanggang sa kumilos na siya palapit sa akin.

"Huwag kang lalapit!" Sigaw ko. Hindi ko ibinababa ang kahoy na hawak ko. "Subukan mong lumapit kong ayaw mong dumapo itong kahoy na ito sa mukha mo."

Sinundan ko na agad siya. Upang kahit papaano. Magkaroon siya ng kaunting takot. Pero humakbang pa ito ng isa.

"Sabing huwag kang lalapit!" Humakbang din ako ng isa patalikod. Mas lalong humigpit ang pagkakahawak ko sa kahoy.

Pero tila hindi manlang siya natatakot. Lalo pa siyang lumalapit sa akin. Kaya napapikit na lang ako at iwinasiwas ang hawak kong kahoy.

"Layo!...Layo! Layo! Lumayo ka—"

Nagulat ako ng pigilan niya ang hawak kong kahoy. Kasabay ang paghawak niya sa balikat ko.

"Ok lang huwag kang matakot?" Mahinahon niyang tinig. Kaya wala na akong nagawa. Dahan-dahan kong imulat ang aking mata. Ng makita ko na nasa harapan ko na siya.

Nakatayo lang ito. Walang masamang intensyon.

Mula sa pagtayo niya sa harap ko. Doon ko nasilayan ang buo niyang mukha. Asul na kulay ng mga mata. Mapupulang labi at blondie na buhok.

Hindi ako pwedeng magkamali siya yung...

The Attic PortraitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon