Scene 23

7 1 0
                                    

Maaga akong nagising para pumasok. Ihahatid ako ni papa ngayon.

Nasa baba na siya. Habang ako naman ay nag-aayos pa ng aking mukha.

Hindi naman ako mahilig malagay ng kung ano-ano sa mukha. Tamang powder lang at lip tint ay ayus na.

Talagang sa buhok lang talaga ako hindi kontento nang tamang suklay lang.

Kailangan 100% ang ayus nito sa harap ng salamin.

--

Sakay ng kotse. Inihatid ako ni papa.
Matagal na ring hindi ako naihahatid ni papa. Dahil sa trabaho niya.

"Kumusta naman sa school Cara?" Nakatuon ang pansin ni papa sa daan.

"Ok naman po. Marami namang ganap sa school."

Ang totoo ay marami kaming ginawa. Lalo na kahapon.

Hindi alam ni papa iyon.

Nitong mga nakaraang araw. Puro problema lang sa sikreto ni Kian. Ang talagang iniisip ko.

Hindi na nga ako nakakapag advance reading, e.

Pero sinisikap ko namang makahabol sa mga lessons namin.

Pagdating namin sa school. Doon ay hindi na rin nagtagal si papa at umalis na rin.

Kaya naglakad na ako papasok.

Malapit na ang taglamig ngayon. Kaya karamihan sa mga nakakasabay ko ay pang-makapalan na ang suot. May ilan na may naka-pulupot nang scarp sa leeg.

Siniguro ko muna na presentable ang aking sarili. Bago ako tuluyang pumasok sa unibersidad.

--

Nag-aayos ako ngayon sa aking locker ng biglang may kumalabit sa tagiliran ko. Dahilan para mapaiktad ako sa kiliting naramdaman ko.

"Hi Cara?" Bati nito. Na may malaking ngiti sa mukha.

"Kung makakulbit naman 'to akala mong wala akong kiliti." Reklamo ko sa kaniya.

Nakakagulat naman talaga kapag biglang may gumawa noon sa iyo.

"Haha sorry na."

--

Sabay kaming naglalakad ni Sef. Ng mapansin namin si Charlie sa malayo.

Talagang malayo pa lang todo na ang kaway nito. Na tila kabababa lang ng eroplano. Hanggang sa makalapit ito sa amin.

"Hi guys. Morning."

"Morning Charlie."

"Ang agad niyo yata?"

"Si Cara ang nauna sa atin."

"Medyo kararating ko lang din."

Anong bang meron ngayon at ang gaganda ng mood ng lahat. Walang mababakas na stress o problema sa mukha ng lahat ngayon.

Wala namang special na araw na dapat I-celebrate ngayon.

Pero hindi pa kompleto ang araw ko dahil sa isang tao na hindi ko pa nakikita.

"Teka wala pa rin si Kian?" Napatingin sa akin ang dalawa. Dahil sa sinabi ko.

Pero sandali lang iyon. Pero may konteng pang-aasar sa mukha ni Sef.

"Ewan ko ba sa tao na 'yun. Laging late tapos biglang susulpot," ani Sef.

"Naiintindihan ko naman si Kian kung bakit. Basta darating na lang 'yun."

"Tama si Charlie Sef. Hindi ka pa ba nasanay sa kaniya?"

"Ok fine." At nagsimula na kaming maglakad.

The Attic PortraitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon