Sabay kami na nagbukas ng locker ni Sef. Nagkasabay kami ngayong umaga.
Magkatabi lang naman ang locker namin. Kaya hindi namin maatim na magusap.
Habang may kinukulikot sa loob.
"Pst. Cara."
Pinukulan ko ng tingin si Sef. Napatingin din 'yung isang dumaan.
"Mh. Bakit?"
"Hindi ko pala nasabi sa 'yo. May ipapakita nga pala ako." Sandali itong ma'y dinukot sa bulsa ng pantalon niya.
Meron agad itong kinalikot sa Cellphone niya. Bago tuluyang iharap ang screen sa akin.
"Tingnan mo ang gwapo diba?"
Nagsalubong ang kilay ko ng masilayan ang sinaunang picture ni Kian sa cellphone ni Sef.
"Teka si Kian? Pero bakit ang ganda ng kuha."
Ngumiti lang ng nakakalokong ngiti si Sef. Tuluyan na nitong isinara ang locker niya.
"Syempre ako pa ba."
"Hindi. Saan mo nga nakuha 'yan?"
Pagsarado ko ng locker ko. Doon dumungaw si Sef.
"Saan pa. Di sa Google. Ginamitan ko lang ng Remini kaya luminaw."
"Hindi nga. Basta talaga sa mga ganiyan. Ang dami mong alam. I-send mo sa'kin 'yan mamaya."
"Ayun...Sabay ganu'n..." Tulak nito sa braso ko gamit ang braso niya.
"Sige na."
"Oo na. Teka maiba tayo. Nakita mo na ba si Kian?"
Sumulyap ako sandali sa paligid. Nagbabakasakali na makita sila. Pero wala akong napala.
"Hindi pa nga e. Kahit si Charlie hindi pa rin."
"Papasok kaya 'yung dalawa na 'yun?"
Sa paglalakad namin ni Sef. Nakita namin si Charlie. Pero hindi niya kami napansin dahil may dala-dala itong ilang libro.
"Cara si Charlie o," turo ni Sef. Kaya napatingin agad ako kung saan siya nakaturo.
"Oo nga. Tara lapitan natin."
Nagmadali kaming naglakad ni Sef. Para maabutan namin si Charlie.
Bandang malapit na kami. Agad na siyang tinawag ni Sef. Para hindi kami patuloy na nakasunod sa kaniya.
"Charlie!"
Pero hindi ito lumingon. Bagkus nagmadali pa ito sa paglalakad. Kaya hindi na namin siya hinabol pa.
Alam namin ang nangyari. Kaibigan namin siya. Kaya siguro hindi pa niya tanggap na pinaglihiman namin siya.
Pero kung para sa akin. Tama lang ang ginawa ko. Dahil una sa lahat. Kami lang dalawa ni Sef ang kasama ni Kian simula umpisa.
BINABASA MO ANG
The Attic Portrait
FantasyThe one you love is a alive portrait. Do you really love him? If he is older than you in many decades.