Chapter 32 Piggy back Ride 2

1K 67 2
                                    

Chapter 32 Piggy back Ride 2

 

***MEG POV***

EKSAKTONG pagbaba ko sa kotse, sinalubong ng mga mata ko ang nakakatakot at madilim na anyo ng lalaking ito. He's looking at me so serious.

"B-brendon..." nahihintakutang sabi ko.

E sa, nakakatakot nga siyang talaga! >__<

"Miss may problema ba?" tanong ni Manong driver. Napagkamalan niya sigurong goons si Sungit.

"A... w-wala po ito Manong." >__<

"Hindi ka ba niya inaano ining?" nagdududang tanong ni Manong. Bago ko pa man siya masagot inunahan na ako ni Sungit.

"Huwag ka nang makialam sa aming dalawa Manong!" masama ang pagkakatingin na sabi ni Sungit.

Kitang-kita ng dalawa kong mga mata ang pagkapikon sa mukha ni Manong.

Lagot na! Away na ito! >__<

"P-pasensisya na po sa kasama ko." Biglang wika ko, sabay kapit sa braso ni Sungit. Iniiwas ko siya sa gulo kaya ko ito ginagawa. "May sapi po kasi siya ngayon." >__<

Sa gilid nitong mga mata ko, nakita kong pinandilatan ako ng masungit na lalaking ito. Sumama yata ang loob sa mga sinabi ko.

Bahala siya diyan! Kesa naman hayaan ko na awayin niya si Manong!

"S-sige po. Mauna na kami sa inyo. Thank you po sa paghatid, Manong." Hinila ko na palayo si Brendon, mahirap nang mag-upakan ang dalawa.

*Lakad

*Lakad

*Lakad

*Tigil

Hindi pa nga kami tumatagal sa paghakbang, kusang tumigil si Sungit. Alangan namang magpatuloy ako sa paghila, hindi kaya ng strength ko ang lakas ni Sungit.

"Bakit?" takang tanong ko sa kanya. Mataman kasi siyang nakatitig sa akin.

Walang anumang hinila niya nang walang pasabi ang kamay ko papalapit sa kanya. Napasinghap ako nang dahil dun.

Ewan, parang nagso-slow motion ang kilos niya, para kasing paunti-unti ang paglapit ko sa kanya. Hanggang sa magkatapat na kaming dalawa.

Ang lapit na niya sa akin. Lalo na ang mukha niya.

DUG DUG

Sabihin niyo nga... balak na naman ba niya akong halikan?

Clash of CLANS 1 : EDRC vs. RDRC(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon