Chapter 15 W-A-R

1.2K 69 6
                                    

Chapter 15 W-A-R

***MEG POV***

"HERE! Drink this." Wika ni Midnight sabay abot sa akin ng baso ng.... ng... Ano ba ang tawag dito?

Kulay pula na parang itim na likido tapos nasa loob siya ng isang mahabang bote.

Wala naman sana akong balak na makisama kaso bigla na lang akong hinila nitong katabi ko.

T__T

Oras na uminom ako... baka... baka... gapangin nila ako. Mahirap na!

>__<

=__=

Sa tingin ko, hindi iyon mangyayari kasi nga PANGIT ako! As in PANGIT!

***END OF MEG POV***

***BRENDON POV***

Tinitigan ko ng maigi ang hawak kong papel. Maraming nakasulat doon kaso kahit anong gawin kong pagtitig. Hindi iyon ma-absorb ng matalino kong utak.

=__=

Nagpakawala ako ng isang buntong-hininga sabay lapag ng hawak ko. After that kinapa ko ang katabi kong baso. Walang anumang inabot ko iyon at ininom.

=__=

Sarap ibato ng baso. Wala pa lang laman. Tss! Naiinis na nga ako, makikisama pa ang basong ito. Padaskol na inilapag ko iyon sabay tingin sa buong paligid. Nandito nga pala ako sa aking silid. Bawat isang member ay may mga sariling room dito. Ganoon ka-bongga ang mga EDRC. Ewan ko lang sa mga taga-RDRC. Duda ako sa kanila. Kuripot kasi si Ate.

=__=

Tama na nga itong panlalait ko sa kanila. Wala naman akong mapapala!

Tumayo na lang ako at tinungo ang kusina. Bakit? Nauuhaw ako. May magagawa kayo? Tss! Ako na itong masungit. Pake ko naman!

=__=

Masyadong mainit ang ulo ko. At kasalanan niya. Kasalanan niya ito!

Ipinilig ko ang aking ulo. Bigla na lang kasing lumitaw sa balintanaw ko ang pangit na babaeng iyon. Especially when she smiles in front of Jared.

Hindi ko namalayan, napahigpit na pala ang kapit ko sa hawakan ng refrigerator.

Kapag nandiyan si Jared, lagi na lang siyang ngumingiti at namumula ang mukha. Ano siya? May pagkaduling? Ano ang nakita niya sa mukha ng kaibigan ko? Di hamak naman na mas gwapo ako doon.

Teka... bakit ko iniisip iyon? Tss!

Clash of CLANS 1 : EDRC vs. RDRC(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon