Chapter 6 Sa Loob ng Isang Bobong

1.4K 71 0
                                    

Chapter 6 Sa Loob ng Isang Bobong

***MEG POV***

PAGLINGON ko, may nakita akong lalaki na walang suot na damit sa itaas. Tapos may hawak siyang baso. Inilapag niya iyon sa mesa pagkakita niya sa akin. Nanlaki ng husto ang mga mata ko.

Sino ang lalaking ito?

I gulp.

Oh common!

In front of me, there's a cute boy. Super duper cute niya. Tulo laway ko kaso... Wala siyang suot na damit sa itaas. Is he a rapist? Bakit sa lahat ng silid na pwede niyang pasukin ay sa kusina pa?

Gutom na rapist? Balak ba niya akong pagsamantalahan?

Tinitigan niya ako mula ulo hanggang paa.

(__OO) >>>><<<<(OO__) <--ganyan kami.

Rapist nga!

Sukat sa naisip ay di ko napigilan ang mapasigaw.

"AHHHHHHHHHHHH!" ako

"AHHHHHHHHHHHH!" siya

TIGIL.

"AHHHHHHHHHHHH!" Sabay naming sigaw.

TIGIL. Tinitigan namin ang isa't isa.

"AHHHHHHHHHHHH!" kami ulit.

Tumahimik kaming dalawa.

Nasabi ko na ba na nakadikit ang likod ko sa lababo? Iyon ang nangyayari sa akin. Kinakapa ko ang aking mga kamay habang nakatitig sa lalaking gwapo na walang damit sa itaas. Naghahanap ako ng pwedeng ipanghampas sa taong ito.

Self-protection! Mahirap ng ma-rape. >__<

Nang may makapa na ako ay itinuon ko iyon sa kanya. Parang gusto kong mahiya. Sandok pala ang nahablot ko. Ang lalaki naman, hintuturo niya ang nakaturo sa akin.

"Sino ka!" kami ulit.

"Bakit ka nandito?" *Kami

"Monster!" O__O

"Rapist!" >__<

"What?"

"Ano?"

Tinawag ba niya akong monster? Argh! Pang-iinsulto na iyon ah! Hanggang dito ba naman? Walang break? Kailan ba magsasawa ang mga tao na laitin ako? >__<

"I'm not a rapist!"

"Hindi ako monster!" >__<

P.S. Lagi kaming nagkakasabay. Hanggang sa mga sandaling ito.

"Who are you?"

"Sino ka?"

Tumahimik kami. Naku naman, bakit lagi kaming nagkakasabay? Hindi ako nagsalita, ganun din ang ginawa niya. Baka mabaliw kami sa kahihintay kung sino na ang magsasalita.

"You!"

"Ikaw!"

Naman! Tatahimik na ako!

"Magnanakaw ka ano!" siya.

Dapat pala ay hindi ako tumahimik! =__=

"Ang mukhang ito? Magnanakaw?" tinuro ko ang mukha ko.

Clash of CLANS 1 : EDRC vs. RDRC(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon