Ikalabing Isang Kabanata

361 7 0
                                    

---Ang Huling Aswang Sa Cansaya---
PART 11
Author: Carolina Barrios

Matapos kumain ay kaagad na umakyat si James sa kuwarto ni Eman. Andoon na nga ang mga bag niya at maleta.

"Ito yung kumot at unan mo James," sabi ni Eman sabay abot ng kumot at unan.

"Eman, ano daw yung problema ko dito sabi ni tito?"

"Hindi ko din alam James e," pagsisinungalung ni Eman.

"Hay bukas na nga lang, inaantok na din ako pagod sa biyahe." nakalimutan na nga ni James na ipamigay ang pasalubong niya.

Kinabukasan, nagising na nga si James dahil sa kalansing ng mga kutsara at plato.

"Ako nalang pala ang natutulog, wala na si Eman. Ang aga talaga nila magising. Makaligo na nga." sabi ni James sabay bukas sa kaniyang maleta.

"Ay oo nga pala yung mga pasalubong ko sakanila, nakalimutan ko tuloy kakaisip ko sa problema na iyon."

Agad namang bumaba si James bit bit ang maleta niya.

"Oh James mabuti at gising ka na, halika na at sumabay saamin mag almusal." sabi ng tita ni James.

"Salamat po tita, may pasalubong nga pala ako sa inyo. nakalimutan kong ilabas kagabi."

"Wow ano yan kuya James?" sabi ni LynLyn sabay lapit kay James habang isa isang inilalabas ni James.

"Kumain ka na muna LynLyn, mamaya na yan," sabi ng tito ni James.

"Tapos na po ako kumain papa," sabi ni LynLyn sa kaniyang ama.

"Ikaw na muna maglabas Lyn kakain na muna ako," sabi ni James.

"Ay sige po kuya James," sabi ni LynLyn.

Samut saring pagkain ang pasalubong ni James. May Tikoy, may Hopia, Piyaya, Ube at kung ano ano pa. Kung kaya't tuwang tuwa si LynLyn, maging si Eman ay dinalian nadin ang pagkain ng almusal dahil gusto na niyang makita kung anong mga pasalubong ni James na inilalabas ni LynLyn sa maleta.

Matapos nilang kumain lahat ay kinain na din nila ang pasalubong ni James. Masaya ang araw na iyon puro kwentuhan, habang kinakain ang dalang pasalubong ni James.

Lumipas na ang umaga, tanghali hapon na ngunit di pa din nasasabi ng tito ni James. Yun talaga ang inaabangan niyang sabihin sakaniya.

"Paano ko kaya itatanong, yung tungkol kagabi wala akong idea kung ano iyon at hindi ko talaga alam. Kailan kaya balak sabihin ni tito sa akin, nahihiya naman akong tanungin. Ah alam ko na."

Lumabas si James at tinungo si Eman sa labas, kung saan nagdidilig ito ng mga pananim nilang gulay.

"Tulungan na kita diyan Eman," Sabi ni James.

"Naku huwag na, kaya ko naman na ito," sabi ni Eman, at nagpatuloy na sa pagsandok ng tabo sa balde na may tubig, at inihahagis sa mga pananim.

"Sige na gusto kong tumulong," pagpupumilit ni James, sa kaniyang pinsan

"Oh siya sige, kunin mo isang balde at tabo doon punuan mo ng tubig diyan sa hose," sabi ni Eman, na dali-dali namang ginawa ni James.

Habang nagdidilig.

"Eman," sabi ni James.

"Oh? bakit," sabi ni Eman.

"Yung kagabi, sabi ni tito na may ginawa daw akong problema. Pwede ba ikaw magtanong, nahihiya akong tanongin ee, itanong mo kung ano iyon." sabi ni James.

"Sige mamaya, itatanong ko kay papa." Sabi ni Eman.

"Salamat Eman,"

Gabi na habang nasa kusina si James naghihiwa ng sayote. Nagtungo naman si Eman sa kuwarto at kinausap ang kaniyang papa.

"Pa kagabi pa ako kinukulit ni James tungkol doon sa ginawa niyang problema dito, tungkol sa anak niya kay Leonora."

"Oh anong sabi mo?"

"Wala po, sabi ko hindi ko.alam. Sasabihin ko na ba sakaniya?"

"Hindi! huwag na daw Eman sabi ng mama mo, magkakagulo dahil may asawa na si Leonora diba? Baka mamaya manggulo pa si James."

"Ah kung sabagay, tama si mama. Sige tatahimik nalang ako,"

"Ganito nalang sabihin mo Eman, sabihin mo sakaniya na binibiro ko lang naman siya," sabi ng papa ni Eman.

"Ah sige po," sabi ni Eman sabay tungo sa kusina.

"Ano Eman natanong mo na ba si tito?" sabi ni James ng pabulong kay Eman.

"Oo kaso sabi ni Papa, binibiro ka lang daw niya," sabi ni Eman.

"ganun? akala ko pa naman kung ano na iyon,"

Nawala na nga sa isip niya iyon, pero habang kumakain naalala niya si Leonora.

"Oo nga pala kamusta na kaya siya, namumulot parin kaya siya ng kahoy doon sa kakahuyan. Gusto ko siyang makita ulit," sabi ni James sa kaniyang isip.

"James!" sabi ng tito ni James.

"Po?" sagot ni James.

"Ano ba ang iniisip mo? kumain ka na at lalamig na ang sabaw, kanina ka pa tulala matatapos na kami."

"Opo pasensiya na po tito,"

Matapos maghapunan, umakyat na si James sa kuwarto ni Eman kung saan siya natutulog. Nahiga na siya at naiisip pa din si Leonora.

Kinabukasan maagang gumising si James, at nagpaalam sa tiya niya. pinayagan naman siya nito.

Habang naglalakad patungo sa kakahuyan, palinga linga naman si James at animoy may hinahanap.

"Madami na ang pinagbago ng lugar na ito, hindi na katulad dati, pero sabagay ilang taon na din naman ang lumipas." sabi ni James, habang naglalakas lakad

Lumipas ang mga oras hindi niya nakita doon ang kaniyang hinahanap, walang iba kundi si Leonora.

Naisip ni James na magtungo sa dati nilang tagpuan ni Leonora.
Ngunut ng matanaw niya.

"Huh? alam ko doon yung lugar na iyon, pero bakit may bahay na nakatayo doon." pagtataka sa isip ni James. Lalaput sana siya ng may biglang nagsalita sa likod niya.

"Bakit, sino ang hinahanap mo?" sabi ng boses lalaking tinig. Humarap si James at nakita ang lalaki.

"Ah wala naman, nagkamali lang siguro ako ng daan sige aalis na ako," sabi ni James.

Kaya umalis na lamang siya. Naglakad lakad siya patungo sa bahay nila Leonora. Ngunit ng makita niya ito ay para bang napabayaan na ang bahay. Maraming damong malago, pati mga gumagapang na damo sa bahay ay napakarami. Lumapit siya at sumilip ngunit wala nang kagamit gamit ang bahay. Nalungkot si James at umalis nalang pauwe sa bahay ng kaniyang tito.

"James saan ka galing?"

"Wala saan ka punta Eman?"

"Magbabasketball sa baba sama ka?"

"Sige,"

Sa Bahay nila Leonora.

"May lalaki kanina sa labas, parang nagmamasid," sabi ni Philip.

"Huh? sino kaya namukhaan mo ba?" sabi ni Leonora.

"Hindi nga ee, sabi niya naligaw lang daw siya," sabi ni Philip.

"Ah hayaan mo na yon, malay mo nagsasabi lang ng totoo,"




Itutuloy.......

Ang Huling Aswang Sa Cansaya (AswangEngkanto) Book 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon