Chapter 2

2.9K 164 11
                                    

Nagising ako sa ingay ng mga bata. Ang lalakas ng sigawan at tawanan nila at halata sa boses nila na masaya sila sa kanilang ginagawa. Umupo ako at kinuha ang cellphone ko na nasa ilalim ng akin unan. I check the time. Medyo nagulat pa ako dahil alas tres na pala ng hapon. Ang haba pala ng tulog ko. Nag unat ako ng aking katawan tsaka ako bumaba ng kama at lumabas ng silid.  Walang tao sa sala kaya naman dumiretso nalang ako lababo para maghilamos. Medyo masakit ang balikat at batok ko dahil may katigasan ang unan tapos mataas pa. Hindi ko nalang iyon ininda. Pakatapos ko ay bumalik ako sa silid para mag-ayos ng konti. Pakatapos ay muli akong lumabas. Tumayo ako sa may pintuan ng buhay at pinagmasdan ang mga bata na naglalaro.






"Naistorbo po ba nila ang tulog nyo ser?" Lumapit sa akin si Aida, ang panganay ni nanay. May karga itong batang maliit na wala pang isang taon.




"Hindi naman. Ayos lang kasi mahaba na din pala ang tinulog ko." Sagot ko. Marahan kung hinaplos ang mukha ng bata. Ang cute nya. His doe eyes is looking at me innocently while he is sucking his thumb.






"Saglit lang po, paghahain ko po kayo."






"Wag na. Hindi pa din naman ako gutom. Napadami yung kain ko kaninang umaga."




"Sigurado po ba kayo?"




"Oo. Tsaka kailangan ko pumunta ng bayan para mamili ng gamit."




"Sige po. Saglit lang po at tatawagin ko si Boknoy para masamahan kayo."




"Sige, salamat." Gusto ko sana itanong kung nasaan si nanay kaso nakita ko na ito sa katapat na bahay at nakikipag kwentuhan.




Sinundan ko lang ng tingin si Aida habang papalayo sya sa akin. Bumalik ako sa loob ng kwarto at kinuha ang wallet ko. I also make sure na walang nagkalat na gamit ko sa kwarto dahil nakakahiya sa kanila. Muli akong lumabas ng ayos na ang lahat at umupo sa duyan na nasa ilalim ng puno ng mangga. Tahimik kong pinagmasdan ang mga batang naglalaro.






I really love this kind of life. Simple, pero payapa at tahimik. Ang tangi lang problema ay kung paano malalamanan ang tyan. Yung may oras ka para tignan ang mga anak mo, oras para sa sarili mo. Yung may time ka na maupo at walang iisipin na kahit na ano. Iinom ka lang ng kape at have a peaceful time. Yung nagagawa mo pang tumulala.






Madami nag sasabi na ang boring ang buhay sa probinsya. They want thrill at makikita lang iyon sa syudad. Totoo, madaming thrill sa syudad. Yung mag-iisip ka palang kung ano ang kakainin mo pero pera mo ay singkwenta pesos lang. That is thrill. Sa probinsya kasi, may bigas ka lang at gulay sa paligid, may makakain ka na. Minsan nga pwede pa manghingi sa kapitbahay. Thrill din yung mag iisip ka ng pambayad mo ng bahay, kuryente at tubig kasi kulang ang sahod mo na dito sa probinsya, mura ang upa or kung may sarili kang lupa at nakakahanap ka nang mababa lang ang cost ng materyales makakapag pagawa ka na ng bahay. And that is boring. What a joke.




"Ser Nash!" Napatingin ako sa binatilyong papalapit sa akin. Si Boknoy, ang bunsong anak ni nanay. Menouposal baby. Malaki na ito at ang laki ng tinangkad. Last time kasi na nakita ko ito ay tumutulo pa ang sipon at ginagamit lang na pamunas ay damit nya na narumi dahil sa kakalaro. Lagi pa syang napapagalitan dahil lagi nalang nawawala sa bahay. Ngayon, binata na ito. Gusto ko sana itanong kung si tatay Tasyo ba talaga tatay nya kasi iba ang hitsura nya sa kanyang mga kapatid, but when I saw the picture of his great grand father sa father side nya, doon nasagot ang katanungan ko. Kala ko kasi nasalisihan si tatay eh.






"Saan ang lakad natin Boknoy?" Pabirong tanong ko. Pormang porma kasi at umaalingasaw ang amoy ng pabango na kanyang ginamit. Bagong ligo at basa pa ang tsinelas. May nakataling panyo at sumbrero sa short. 




"Sa bayan po ser, sasamahan kita." Nakangiting sagot nya.


"Ganon ba? Nagbago isip ko eh."




"Ay. Sige, balik nalang ako kay sir Aj. Mag-aani kami ng mga oranges eh."




Malakas akong natawa. Ang dali talagang kausap nito ni Boknoy. Kahit noon ganyan na sya. Pag sinabing hindi, wala kang maririnig na angal sa kanya.  "Joke lang. Punta tayo ng bayan."




"Okay. Antayin natin si ser AJ. Sa kanya nalang tayo sumakay para hindi tayo mahirapan sa sasakyan papuntang bayan. Wala na kasi bumibiyahe ng ganitong oras mula dito eh." Aniya tsaka sya tumalongko sa ugat ng puno.




"Okay lang ba sa kanya?"




"Oo naman ser. Mabait yun tapos gwapo pa."




"Sino ba yun?" 


"Sya po may-ari ng Hacienda El Paraiso kung saan po ako madalas namamasukan pag kailangan nila ng extrang tauhan.


"Naku Noy, wag mo ibida kay ser Nash si ser Aj." Sabat ni Aida.




"Bakit naman ate? Ang bait kaya ni ser Aj." Ani Boknoy.




"Wala nama ako sinabing masama sya ah. Ang akin lang, wag mo na ireto kasi may asawa na si ser Nash." Sagot ni Aida sabay nguso sa kamay ko. Napatingin din ako doon. Nakalimutan ko palang alisin ang wedding ring ko.




"I'm single, but I'm not ready to mingle." Sagot ko tsaka ko inalis ang singsing. Ibinigay ko iyon kay Aida. "Bahala ka na kung ano gawin mo dyan. Pero mas mainam na isangla mo para magamit mo sa mga bata."




"Sigurado kayo ser?" Nag-aalangan na tanong ni Aida.




"Yeah."




"Akin nalang ate kung ayaw mo." Sabat ni Boknoy.




"Aanhin mo naman yan?" Takang tanong ko.




"Isasangla ko tapos papaayos ko yung kwarto ko."




"No need. Ipagpapaalam ko kay nanay kung pwede doon ka sa akin. Wala din ako kasama eh."




"Sige po."




Nagkwentuhan pa kami ng ilang sandali bago dumating yung sinasabi ni Boknoy na sir Aj.




"Ser Aj, ito po si ser Nash. Sya yung nakabili ng bahay ni mang Domingo. Dito na sya titira sa atin." Pagpapakilala sa akin ni Boknoy.




"Hi." Bati sa akin ni AJ.




"Hi. I'm Nash." Pakilala ko ulit.




"Hi. I'm Alejandro Jose but I preferred to be called Aj. Your beautiful, are you aware of that?" Iniabot nya ang kamay ko at sa halip na makipagkamay ay hinalikan nya ang likod ng aking kamay habang ang mata ay nasa akin.




Napalunok ako habang nakatingin sa kanya. He is freaking hot and what he did give me a goosebump. Nagtayuan lahat ng balahibo ko sa katawan. His lips is soft and hot.




Binawi ko ang kamay ko sa kanya. Nginitian nya lang ako tapos ay binalingan si Boknoy. "Anong oras ba kayo uuwi Noy?"




"Hindi ko alam eh. Mamimili daw si ser Nash."




Bumaling sa akin si Aj. "Madami ka bang bibilhin?" Ang manly ng boses nya.




"Oo. Wala akong gamit sa bahay eh."




"Would you mind to wait more? Papalitan ko ang sasakyan."




"Ayos lang naman."




"Good. Wait for me here."


Tango lang ang naging sagot ko. Habang sinunsundan ko ang papalayong sasakyan ni Aj ay doon ko lang narealize that he just ordered me to wait. No! He asked actually and I say yes immediately. It's not me. What I want is what I get that is my motto. Paano nya nagawang papayagin ako sa gusto nya?

Hacienda El Paraiso: Fiery RomanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon