Chapter 8

2.2K 139 5
                                    

Marahan kong hinilot ang aking sintindo. Katatapos lang ng meeting namin at kanina pa masama ang pakiramdam ko. Para akong nasusuka na ewan. Buti at nairaos ko ng maayos ang board meeting.

I close the laptop tsaka ko hinilig ang aking ulo sa dulo ng kama ni AJ. Yes, andito ako ulit sa kwarto nya at nakakagamit ng laptop at wifi. Si AJ? Nasa ubasan. Hindi pa daw tapos ang pag-aani at may mga bulk buyer na nag aantay din sa kanya. Hinatid nya lang ako dito tsaka umalis.

Pinilit ko tumayo mula sa lapag para makaupo sa kama. Gusto ko talaga sumuka pero pinipigilan ko. Ang init din ng pakiramdam ko at ramdam ko ang pangingig ng aking kalamnan. Para akong lalagnatin at hindi ko alam kung ano ang dahilan. Maybe because sobrang init sa labas at nagbabad kami sa mall dahil namili ako o dahil pa din sa pantal ko kahapon. Pero sabi ni AJ okay naman na daw ako. Wala ka din naman ako pantal. Ano yun late reaction ganun? Whatever! Kailangan ko makainom agad ng gamot.

I tried my best na naghanap ng gamot sa kwarto ni AJ. Kung magagalit sya, I have a valid reason sa pang hahalughog ko ng mga gamit nya. Ayaw ko sa lahat, yung nagkakasakit ako. Madalang ako magkasakit pero once na nagkasakit ako, ospital talaga ang bagsak ko.

I let out a deep sigh. Wala ako mahanap na gamot sa kwarto nya. Wala syang first aid kit sa kanyang banyo. I badly need a medicine dahil pakiramdam ko, anytime, mawawalan ako ng malay. Hindi ako makasuka, pero yung tyan ko parang hinahalukay.

I decide to go down. Ingat na ingat ako sa aking paghakbang pababa ng hagdan dahil isang maling tapak ko lang sa baba ako pupulutin. Sana maisipan ni Boknoy na tumakas kay AJ at puntahan ako ngayon dito. I badly need him o kahit isa sa kanila ni AJ.

Pawisan akong nakarating sa kusina. Matataas ang cupboard at wala ng lakas ang kamay ko kaya naman baso nalang ang kinuha ko.

"What's going on?" May humawak sa braso at bewang ko. Hindi ko alam kung sino. Malabo na ang paningin ko, pero base sa boses, parang si AJ iyon.


"Tubig. Gamot." Nanghihinang sagot ko.

"Nilalagnat ka ah."

Yun lang ang huling salitang narinig ko bago tuluyang dumilim ang aking paligid.





Nagising ako sa silid ni AJ. Sinalubong ako ng kakaibang amoy at lagkit ng katawan. I immediately checked my arm and I see a cross stained at the back of my hand.

"What is this?" Takang tanong ko. I tried to sit up pero bigla akong nahilo. Bumalik nalang ako sa pagkakahiga ko. I also checked my temperature. I'm still burning. Madulas din ang aking noo.

"Gising ka na pala." Napatingin ako sa may pintuan and saw AJ wearing nothing but a sweat pants. May dala syang maliit na planggana na may lamang tubig.


"What is this?" Tanong ko sa kanya. Thankful na hindi ako nautal. Yung abs nya at mga muscle nakabalandra. Pakiramdam ko tumaas lalo yung lagnat ko.

"Ah. Tinawas ka kanina na Manang Dina. Sya kasi kasama ko pagpunta ko dito."

"Tinawas? Ano yun?" Umupo sya sa gilid ng kama at pinatong sa maliit na lamesa na nasa tabi din ng kama.

Mabilis ko na iniwas ang aking tingin sa kanyang katawan. Bakit ba wala itong damit?


"Uri ng pangagamot ng mga albularyo."

"Ah okay." Oo nga pala. Uso yun dito kasi probinsya ito. "Eh bakit may mga itim na krus ako?"


"Kasi daw nabati ka ng hindi nakikita. I can't explain well, hindi ako albularyo."


Hacienda El Paraiso: Fiery RomanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon