NASH POV
"Sabi nila bulag ang pag-ibig. Hindi ako naniniwala dun. Love is not blind. Hindi bulag ang mga nagmamahal. Nakikita nila na mali, pero tinatanggap nila. Ganun si ate. Tanggap nya ang pagkakamali ng kanyang asawa. Nung araw na inuwi ka ng ama mo sa bahay nila, pikit mata kang tinanggap ni ate Lea. Hindi sya nagalit sayo kasi sabi nya, anong kinalaman mo sa maling ginawa ng magulang mo. Nabuo ka man sa pagkakamali pero hindi mo iyon kasalanan. Hindi mo naman yun ginusto."
"Ako ang nagalit noon. Parents namin syempre nagalit din. Pero ano ba magagawa nila? Si ate nga mismo tanggap ka. Pero ako sobra ang galit ko noon. Halos hindi kita mahawakan. Kahit si Leonardo nun galit na galit. Bugbog sarado sa kanya ang ama mo. I asked ate sino ang nanay mo, kasi ang purpose ko nun, isauli ka. Ang kapal ng mukha kasi nya na ibigay ka sa iyong ama tapos sya magpapakabuhay dalaga. Iniisip ko nun na kung sakaling magsawa na ang iyong ina sa buhay dalaga, babalik sya sa ama mo at sayo at sisirain ang pamilya ni ate. Pero ng malaman ko na namatay sa sakit ang mama mo, halos isumpa ko din ang sarili ko. Nakapanghusga ako ng tao. Ang dami ko nasabi, hindi ko naman alam ang totoo. Nagawa ko din magalit sayo ng hindi ko alam na kung buhay ang ina mo, hindi ka naman iuuwi ng ama mo."
"That time, sabi ni ate, hindi ka namin dapat sisihin sa nangyari. Wala kang kinalaman. Ikaw man ang maging buhay na alaala ng panloloko ng iyong ama, pero wala ka naman alam sa naganap eh at hindi mo naman ginusto iyon. Sabi nga ni ate, wag na wag ipapasa ang kasalanan ng magulang sa anak. Ang kasalanan ng isa ay mananatiling kasalanan nila kahit sa kabilang buhay."
"Isang taon ka palang nun ng iuwi ka ng ama no pero napakabait mo na bata. Hindi ka iyakin at marunong ka manghingi ng gusto mo. Marunong kang umintindi ng mga salita namin. Pag sinabi namin na hindi pwede, hindi ka magpipilit. Hindi ka katulad ng ibang bata na iiyak pag hindi nakuha ang gusto. Umiyak ka lang nung tinulak ka ni Leonardo at tumama ang tagiliran mo sa gilid ng lamesa. Hindi ka nakahinga nun at grabe yung takot namin. Nag-away pa kami ni Leonardo nun. Sya naman natakot din lalo na nung nag violet na ang labi mo. That was the first time na hinawakan at niyakap ka ng asawa ko."
Pinunasan ko ang aking luha. So, isa akong Greeco, pero anak ako sa pagkakasala ng ama ko. I'm just lucky na tinanggap ako ng asawa nya.
"Time goes by, naging masaya ulit ang pamilya mo. Tanggap ka ni ate Lea. Hindi na nambabae ang ama mo. Bumalik ang lahat sa normal maliban sa pagkakaibigan ni Leonardo at ng ama mo. Hindi kasi talaga magawang patawarin ng asawa ko ang iyong ama. Sabi nya nga, tinanggap nya na ang ama mo ang pinili ni ate. He let go all his feeling for my sister kasi alam nya wala naman syang dapat ipag-alala dahil nga kilala nya ang iyong ama. They are best friends and best rival after all. Pero hindi daw nya inakala na gaguhin ng ama mo si ate. Pero hindi ka na damay sa galit nya na yun. Lagi ka nga nasa bahay nun eh at spoiled na spoiled ka sa kanya. Lahat ng gusto mo, ibibigay nya. Nagagalit na nga si ate kasi kada uwi mo daw dami mo bitbit palagi."
"The night Leonardo killed your father, may part ako doon. Gusto ko ng bumalik ang pagkakaibigan nila. Andyan na kasi eh. I mean nangyari na, andyan ka na. Their is no rewind in our life. Hindi na natin maibabalik pa ang nangyari. Pinilit ko ang asawa ko na makipag-usap sa ama mo. Pumayag naman sya. But I never expect na mauuwi sa ganun ang lahat. Na mapapatay ng asawa ko ang iyong ama. At mas lalong hindi ko inaasahan na makikita mo."
"Why? Bakit nya pinatay si dad? Bakit mo din pinatay ang kapatid mo?"
"Hindi ko pinatay ang ate ko Nash. She's trying to killed herself. Pinipigilan ko sya ng gabing iyon. She wants to take her life dahil may babae na naman ang ama mo. She took a lot of sleeping pills. Nung hawak ko sya, she push me. Sabi nya, once is enough. Alam nya naman daw ang pagkukulang nya, pero wala naman sya magagawa doon eh. At dahil uminom na nga sya ng madaming sleeping pills, at umeepekto na ito, na out balance na sya at tumama ang ulo nya sa kanto ng night table nila. Yun ang totoo. As for my husband killing your father, alam ko mali, pero I think deserve nya yun. Deserve ng ama mo na mamatay. He cheated once, tinanggap namin, pero nangloko ulit sya. And his reason is, wala daw silbi ang asawa nya. Hindi daw sya nito mabigyan ng anak. Ate is just a plain bed warmer, nothing else. Sabi nya pa nga, mas mainam na gawing babaeng bayaran ang ate ko para magkaroon ng silbi. Yun yung rason kung bakit napatay ni Leonardo ang ama mo. May video si Leonardo nun na hanggang ngayon ay nakatago pa."
Umiling ako. I silently cried. Buti nalang talaga at nasa tagong parte kami nakapwesto.
I cried habang pagak na tumatawa. Yung pagkamatay ng ama ko ay dahil din sa kanya. He cheated to his wife. And yes, I agree with what mommy Lisana said. Deserve nya na mamatay dahil sa pinaggagawa nya. Tapos heto ako, nagbabalak na ipaghigante ang pagkamatay nya? Tapos kasalanan nya pala ang lahat? Tangina lang.
Bakit ba may mga taong ganun? Yung hindi na pala masaya sa isang relasyon, pero hindi pa bumibitaw? Bakit may mga taong mas pinipili na manatili sa isang relasyon at maghanap ng iba tapos sisihin sa partner nila ang lahat pag nakabukingan na? I mean, they have a choice to exit in that relationship kung ayaw na nila before looking for someone na sa tingin nila ay better. But why they choose to stay? Ano ang rason? Para may mapagkumparahan sila? Nagiging mas lalak ba sila doon? Mas lalo pa silang gumagwapo o hindi kaya ay gumaganda pag ganun? Kasi kung oo, isang malutong na putang-ina sa kanila.
"What's going on here?" It's AJ. Isa pa ito. Ang tagal nya umorder. Nakipaglandian pa ata sa mga nasa counter.
"Wala. Gusto ko na umuwi." Inis na sagot ko. Here comes my hormones again.
"Okay. Papabalot ko lang ito."
Hindi ako sumagot. I just look at mommy Lisana who is looking at me with her sad eyes.
"Don't worry mhie. Wala akong balak na ipakulong ang asawa mo. My father deserve his death."
Tumango lang si mommy sa akin. Mali ang ginawa ng asawa nya pero desrve ng ama ko ang mangyari. Kung anumang parusa ang nakalaan para kay Leonardo, ipapagsa Dyos ko nalang.
Tahimik kami sa biyahe. Lumilipad pa din ang utak ko sa mga nalaman ko. I just realize, how mess up my life is and I promise to myself na hindi ito mararanasan ng mga anak ko.
Nang makarating kami sa bahay ay nasa sala si Leonardo. For the first time, nawala yung takot at kaba ko pag nasa paligid sya.
I run to him and hug him. Alam ko na nagulat sya sa ginawa ko but he hugged me back. I was about to speak ng nakita ko ang babaeng tahimik na nakaupo sa single couch. Agad akong kumalas sa pagkakayakap kay daddy Leonardo dahil sa hiya.
"May bisita pala tayo, mamaya na ako mag eemote." Pabiro ko na sabi.
I heard mommy Lisana sniff kaya naman napalingon ako sa kanya. Marahan syang lumalapit sa babae habang umiiyak.
"A....ate."
Author's note:
Kaya pa ba?? Ako kasi hindi na.
Hahaha
BINABASA MO ANG
Hacienda El Paraiso: Fiery Romance
RomancePaano kung ang init na hinahanap mo sa iyong asawa ay mahanap mo sa iba? Susugal ka ba? Magmamahal ka ba ulit? Magpapadarang ka ba sa init?