NASH POV
"Ang bilis mo naman dito iho. Akala ko ba magtatagal ka?" Wika ni nanay Lina. She sound so sad and disappointed.
"Babalik naman ako nay eh. Kailangan ko lang ayusin yung mga dapat kung ayusin. Alam nyo naman po na may tinakasan lang ako." Sagot ko sabay yakap sa kanya.
I'm having a simple dispidida party sa tapat ng bahay ko. Babalik na ng syudad sa makalawa. After two weeks of waiting, I'm officially and legally divorce. I decide to immediately go home. Miss ko na kasi family ko. Also, I want to have a personal closure with Evan. Yung formal talk between us.
"Malabo mangyari yan na babalik ka dito." Sagot ni nanay Linda.
"Babalik yan si Nash dito nanay Linda, wag ka mag-alala." Sabat ni AJ na kagagaling sa loob ng bahay para kumuha pagkain.
"Basta, kung uuwi ka man dito, magsabi ka." Ani nanay Linda.
"Ako susundo sa kanya nay." Muling sabat ni AJ.
"Magagawan mo ba ng paraan iho na wag na umalis si Nash?" Tanong ni nanay Linda.
"Oo naman nay. Ikukulong ko sya sa hacienda. Itatali ko sa kama ko."
"Baliw." Binato ko si AJ ng plastik na kutsara. Nagtawanan lang ang mga bisita ko.
"Pag bumalik ka, dapat may kasama ka ng asawa at anak ha. Dito mo sila itira." Ani tatay Estong.
Alanganin akong ngumiti. Kung sa anak walang problema, pero yung asawa, yun ang malabo. After what happened to me and Evan, hindi ko alam kung mag-aasawa pa ba ako o hindi. Natatakot na kasi ako. Baka pag pumasok ulit ako sa isang relasyon o kaya ay magpakasal, mauuwo ulit sa hiwalayan. Once is enough.
Ang dami pang naging bilin sa akin ni nanay Lina. Maging ang aking mga bisita ay may mga bilin sa akin lalo na kung muli daw akong uuwi. I feel so touch dahil kahit dalawang buwan lang ang nilagi ko dito ay ramdam ko uung care at love nila sa akin. May mga madala din sila sa akin na mga gulay at prutas.
Masaya ang despida party ko. Bumabaha mg pagkain dahil bukod sa mga hinanda ko na pagkain, ay may mga dala din a pagkain yung mga naging bisita ko. May mga seafoods din na dala si AJ. Sabi nya ay nag harvest daw sya kahapon ng mga seafoods sa kabilang bayan. May mga inumin din. Beer at tuba. May gin din at Emperador. Yung mga natatanda, tuba na puro ang iniinom. Yung iba halo, beer at tuba. Yung iba tuba at coke. Mga bagets ay Gin samantalang sila AJ ay Emperador na may milo ang iniinom. Boracay daw ang tawag doon. Maging sila nanay Lina ay uniinom din ng tuba. Yung mga bata naman, nagpapakalasing sa juice. May videoke din na padala ng kapitan. May mga kagawad din pala ako na bisita. Yung kapitan dito, dumating kaninang maaga para sabihan ako na may papadala sya dito na. Umalis din naman agad dahil may meeting daw sya sa bayan.
"Ikaw AJ, wala ka ba balak mag-asawa? Aba iho, malapit-lapit ka nang mawala sa kalendaryo." Ani tatay Estong. Magkatabi lang ang lamesa nila at lamesa ni tatay Estong.
"Soon tay." Nakangiting sagot ni AJ.
"Aba dapat lang ng maabutan man lang namin ang apo naming mga trabahante mo sayo."
Naglapag ako ng pulutan sa dalawang lamesa. I can feel a little pain inside me dahil sa sagot ni AJ, pero hindi ko na iyon pinansin. Entertaining my feelings for AJ will give me nothing but pain.
"Baka next year may little haciendero na po ako."
Naki-upo ako sa grupo nila nanay Lina at nakinig sa usapan nila AJ.
"Aantayin namin yan. Pero dapat kasal muna AJ. Mas maganda na makasal muna kayo ng hindi buntis ang mapapangasawa mo. Kahit ba sabihing modernong panahon na tayo ngayon, maganda pa din yung ikakasal kayo ng walang bata pang involve." Ano tatay Tasyo. "Opinyon ko lang naman ito. Iba kasi ang dating pag kinasal na buntis na yung isa sa ikakasal. Kasi parang KAILANGAN ng ikasal kasi nga buntis na. Ang dating sa akin eh kakaina. Parang pwersahan na, sapilitan na. Kahit pa sabihing mahal nila ang isa't isa. Tipo kasing wala pa sa isip nila ang kasal o wala pang plano pero dahil buntis na nga, kailangan ng makasal. Pero kung makakasal kayo na wala pang batang o hindi pa buntis, ang ganda ng dating sa ibang tao. Pero hindi ko naman sinasabi na intindihin nyo ang sasabihin ng ibang tao dahil buhay nyo naman yan. Ang akin lang eh opinyon lang naman at payo bilang nakakatanda sayo." Dagdag pa ni tatay Tasyo.
"Wag ka mag-alala tay. Pipilitin ko na makasal ng wala pang bata sa loob ng tyan ng mapapangasawa ko. Pero hindi ko mapapangako. Kasi tay, medyo mahirap syang amuhin dahil sa mga naranasan nya. Kung hindi ko sya madadaan sa santong dasalan, daanin ko nalang sa santong paspasan."
"Kahit anong maging desisyon mo iho, siguraduhin mo lang na maging responsable ka sa kanila. Ang pag-aasawa ay hindi tulad ng kaning mainit na pag sinubo mo at napaso ka ay pwede iluwa. Ang kasal ay sagrado yan iho. Wag mo papasukin kung hindi ka sigurado." Ani tatay Estong.
"Opo 'tay Estong. Wag po kayo mag-alala, ako naman po ay sigurado na sa kanya."
"Mainam kung ganun. Mag-aantay na kami na makilala sya."
Hindi ko alam pero ang hungkag ng nararamdaman ko sa usapan. AJ confess to me that he like me pero may iba pala talaga syang gusto. So, option lang ako ganun?
Kumuha ako ng baso at kinuha ang gallon na may lamag purong tuba. Nagsalin ako sa baso ay ininom iyon. Bottoms up.
"Ser Nash, tuba po yan, hindi tubig." Ani nanay Isla, kapatid ni nanay Linda.
"Ang pakla!" Halos maduwal ako sa lasa. Hindi sya masarap tapos may mapakla pa na after taste. Iba din ang amoy nya.
"Bakit kasi hindi ka muna nagtanong ng lasa." Ani AJ. Nagsalin sya ng coke sa baso ay inabot sa akin.
Hindi nalang ako sumagot. Inabot ko nalang yung baso na inaabot nya sa akin.
"Ito tikman mo. May halong coke yan kaya medyo matamis." Ani tatay Estong sabay abot sa akin ng baso.
Hindi ko bintiwanan ang baso na may lamang coke at kinuha ko yung binibigay ni tatay Estong. Hindi ko na yun inamoy pa. Diretso ko nalang ng inom.
"Susme kang bata ka!" Bulalas ni tatay Estong. "Ihanda nyo higaan nito, malalasing ito agad."
"Hindi naman po tay." Sagot ko. "Pero po masarap. Penge pa po."
"Tama na yan."
I glared at AJ. "Ngayon lang ako iinom. Pag umuwi ako sa amin, bawal na ako uminom. Kaya ayos lang. Don't mind me. Isipin mo nalang paano mo mapapakasalan yung babaeng gusto mo."
"Ser Nash, ito gusto mo tikman?" Tanong ni Noel. Ang tinutukoy nya ay yung iniinom nila na boracay.
"Sige." Tumayo ako pero humarang sa akin si AJ.
"You can't Nash."
"Wag kang kj AJ. Alis." Tinabig ko sya at lumapit ako kay Noel.
"Bakit ang kunti?" Takang tanong ko habang nakatinginsa laman ng baso na iniabot sa akin ni Noel.
"Ser, alak po kasi yan hindi tubig." Sagot ni Noel.
"Dagdagan mo pa. Hindi ko naman malalasahan yan."
"Pero...."
"Dagdagan mo na."
"Sige na nga po."
Napangiti ako. Pinangalahati ni Noel yung baso. Syempre pa tuwang tuwa ako. I tried to sniff it at napangiwi ako sa amoy. Sinubukan ko muna syang timan kaunti. Nang hindi ko malasahan ang alak at inisang tungga ko na ito.
"Uy masarap sya." Wika ko.
"Masarap nga po, pero malakas ang hang over nyan."
"Hmm. Pero penge pa ulit. Masarap eh. Tapos penge din ako. Ung iniinom nila tatay Estong, masarap din kasi."
Ganito pala kasarap ang alak kaya pala gustong-gusto ng iba na umiinom.
BINABASA MO ANG
Hacienda El Paraiso: Fiery Romance
RomancePaano kung ang init na hinahanap mo sa iyong asawa ay mahanap mo sa iba? Susugal ka ba? Magmamahal ka ba ulit? Magpapadarang ka ba sa init?