NASH POV
"Kailangan na tayo mamili ng gamit ng baby mo Nash. Like mga feeding bottles, bib, kunting damit." Excited na sabi ni mommy habang inaantay namin si AJ na umoorder ng pagkain namin sa counter.
Kagagaling lang namin sa OB ko for my monthly check up at andito kami ngayon sa KFC dahil nag crave ako bigla sa pagkain na nakita ko.
"Feeding bottles nalang siguro muna mhie pero wag muna now. Hindi pa naman natin alam ano gender. Tsaka madaming damit na pinaglumaan yung kambal. Maayos pa lahat. Yung iba talagang hindi nagamit. Papalaba ko nalang yun."
"No. Gusto ko bago lahat. Ako bibili, so, no worries."
"Pero mhie...."
"Don't argue Nash. Wala ako naitulong sa inyo doon sa kambal, kaya hindi ako papayag ngayon na wala akong maibibigay sa apo ko. Ako bahala sa lahat ng gamit ni baby. Bawal tumanggi, magtatampo ako."
Napakamot ulo nalang ako. Knowing her, pag sinabi nya gagawin nya. Pag umayaw ko, sa basurahan and ending ng lahat ng binili nya. Naalala ko noon na may binili sya sa asawa nya, tapos sabi ni Leonardo, sana daw hindi na sya bumili kasi ang dami naman daw nya damit, ayun sa basurahan ang ending ng damit.
"Fine. Pero wag masyadong madamim. Kids grow fast. Sayang lang." Sagot ko.
"Eh di bumili ng pang isang taon."
Tumango nalang ako. Oo nalang. Wala naman ako magagawa eh. Gusto nya yun.
It's been a month since umuwi ako sa amin. Dapat sa mga panahong ito, tapos na ang problema namin. Naliwanagan na dapat ang dapat maliwanagan. But sad to say, no progress sa mga plano ko. And it's all because of this woman in front of me. Sya ang dahilan kung bakit hindi ko magawa lahat ng plano ako.
Ramdam ko kung gaano ako ka miss ni mommy Lisana. Mula ng umuwi kami, sobra nya akong asikasuhin. Halos hindi na nga ako kumikilos sa bahay. Nagagalit pa sya pag nakikita nya akong nasa kusina at naghahanda ng pagkain ko. Nakikipag-away pa sya kay Leonardo pag pinipilit nito na isama si AJ sa kompanya. Hindi pumapayag si mommy kasi daw si AJ pinaglilihian ko, kahit na ang totoo ay hindi. Ayaw ko lang talaga na lumalayo si AJ sa akin. Nasa balwarte kami ni Leonardo and he can do whatever he want.
At first I doubt her kindness. But when I saw the video where in mommy Lisana enter our room, doon naglaho ang lahat ng hinala ko sa kanya. Salamat sa hidden camera na nilagay ni AJ sa kwarto ko. I saw how she cried habang natutulog ako. I heard how sorry she is. Madami akong nalaman. Mga bagay na nakapag mulat sa katotohanan.
Hindi ko pala sya dapat idamay sa galit ko. Dahil kung hindi sa kanya, matagal na akong patay. Halos lahat ng what if ko, nasagot lahat. Pero pakiramdam ko, napakagulo ng buhay ko after I watch that footage.
"Sorry Nashiel dahil tinago ko ang totoo sayo. Sorry dahil kailangan mo makisama sa taong pumatay sa magulang mo. Sorry kung hihilingin ko na sana wala kang maalala pa. Ito lang kasi ang paraan na alam ko para kahit papaano makapagbayad ako sa kasalanan ng asawa ko."
"Hindi man kita anak, pero mahal na mahal kita. Sana sa oras na may maalala ka na, mapatawad mo ang asawa ko. Hindi ko alam paano ko sasabihin sayo ang totoo pagdumating ang oras na may maalala ka na, pero sana hayaan mo ako makapagpaliwanag ng lahat. And if time comes that someone come to you and twisted some stories, wag ka sana maniniwala. No one know the whole truth about you aside from me, my Alexander Nashiel Greeco."
"Wag mo sana pagdudahan ang pagmamahal ko sayo Nash. Hindi man kita totoong pamangkin, anak ka man ni kuya Augustus sa ibang babae, mahal na mahal naman kita, katulad kung gaano ka kamahal ni ate Lea. Handa akong protektahan ka, katulad kung paano ka prinotektahan ng kapatid ko."
BINABASA MO ANG
Hacienda El Paraiso: Fiery Romance
RomancePaano kung ang init na hinahanap mo sa iyong asawa ay mahanap mo sa iba? Susugal ka ba? Magmamahal ka ba ulit? Magpapadarang ka ba sa init?