"Put me down!" Sigaw ni Vixyn habang pumapalag sa pagkakapangko sa kanya. "Ano ba?!"
Sapilitan siyang ipinasok sa loob ng passenger seat kung kaya't nagpupuyos siya sa inis.
"Put your seatbelt on!" Utos pa sa kanya ng binata.
"Do you really have to do that, huh?!" Inis niyang tanong imbes na sumunod.
"Yeah, coz you won't listen." At inilapit ang mukha sa dalaga kung kaya't napasandal nang kaunti sa kinauupuan. "Kaya kung hindi ka na naman susunod ay mapipilitan akong gawin ang nararapat." At akmang rorolyo na naman ang mga mata sa inis kung kaya't inunahan na agad ng lalaki. "Iripan mo ulit ako, poposasan na kita dito sa upuan." Banta nito.
Vixyn greeted her teeth in annoyance coz she couldn't do anything. Padabog siyang umupo nang maayos at saka padabog din niyang isinuot ang seatbelt. Pagkasarado ng pintuan ay saka naman umikot ang binata sa kabila para makasakay na din.
Wala silang imikan habang bumabiyahe kaya't tila naging mabigat ang atmospera sa paligid nila.
"You missed the turn." Aniya nang lumagpas sila sa daan patungo sa tinutuluyan niya.
"I know." Seryosong sagot ni Percy. "You're not going home yet."
"Why?" Kunot noong tanong niya. "And where are you taking me?!" Iritado na ang boses.
Narinig niya ang pagbuntong hininga nito.
"Samahan mo muna akong kumain sa bayan. Ginugutom ako eh."
"Ha? Eh galing tayo sa party tapos nagutom ka pa?" Pagtataka ni Vix.
"Hindi ako nakakain nang maayos kanina at isa pa, nakakagutom talaga ang nangyari ngayong gabi." At nilingon pa siya saglit. "Kaya samahan mo muna ako."
Hindi naman na kumontra pa si Vix at hinayaan na lang ang binata sa gusto nito. Alanganing oras na kung kaya't sarado na ang mga kainan sa bayan at ang tanging bukas na lamang ay ang paresan roon na aabot ng hanggang alas dos ng madaling araw para sa mga galing sa inuman.
Inorderan din naman siya ni Percy ng sa kanya kahit pa sinabi niyang hindi siya kakain. Tahimik nilang pinagsaluhan ang mga pagkain na inilipag sa mesa nila.
"Why did you leave the party without telling me?" Biglang tanong ni Percy na hindi niya inaasahan.
"Uhmm- parang medyo maalat tong pares-" kunwari'y hindi niya narinig ang tanong. "Ate, pwedeng makahingi ng calamansi?" Baling niya sa tindera. "Put some in yours." Alok pa niya sa binata na matamang nakatingin lang sakanya.
"Now you've met my family, you saw how foolish they can be." Pag-iiba na lang ni Percy ng paksang mapag-uusapan "Kaya minsan tingin ko, ako lang ang matino sa pamilya namin."
"Your brothers are cool."
"Cool?" Ulit nito na mukhang naasar. "They're all retards! Naturingang mas matatanda kaysa sakin pero ang mga utak- tsk!" Umiiling-iling pa habang pumapalatak.
"Hindi naman retarded si Mayor ah."
"Anong hindi? He's the most retarded among them." Asik nito. "He's willing to agree with everything that our parents would want just to make a good impression on this town. He's willing to do everything for power and to protect his own interests."
BINABASA MO ANG
F.L.A.W Series Book 3: RUBY
Ficção GeralWarning: SPG / R-18 /Mature Content Female League of Assassins and Weapons F.L.A.W Series Book 3: RUBY "I am tired of pretending to be human. I'm exhausted to feel something I don't. I need a break. Emotions are nothing but a distraction. You're rul...