"Ruby"
It echoed inside her head.
Lumalala na ang mga panaginip niya at mas lalong nagiging magulo. Mas lalong nadadagdagan ang mga katanungan niya sa isip na hindi mabigyang linaw.
The little girl in her dreams has grown but it's still hazy and vague. It doesn't make any sense and she can't see the face clearly. Simula noong nakaraang linggo ay dalawang beses na niyang napanaginipan ang batang babae na naging dalaga na at ang pangalang Twenty Six ay naging 'Ruby' na.
Ruby.
What does that mean? Who is she? Why is she having that dream?
Ganoon pa din ang mga tanong niya, nadadagdan lang kada Linggo at ni isa, walang sagot siyang nakukuha.
Nakatulala lang si Vixyn sa may kitchen counter habang nagbabalat ng mansanas na ima-mash niya para ipakain kay Sedi. Kahit lumilipad ang isip niya ay nagagawa pa din niyang magbalat gamit ang kutsilyo nang hindi siya nasusugatan.
Nagulat siya sa ingay na narinig at mabilis na itinutok ang hawak na kutsilyo.
"Ay Mam!!!" Sigaw ng kasambahay nila dahil sa leeg nito nakatutok ang kutsilyo. "Wag po, Mam, parang awa niyo na." Umiiyak na sambit nito.
Sakto naman na dumating si Percy mula sa paglalakad sa labas kasama si Sephy kaya't naabutan ang ganoong eksena.
"Mommy?" Tanong ng anak dahil sa pagtataka.
Natauhan naman si Vix ngunit hindi pa rin ibinababa ang kutsilyo. Nilingon niya ang bunso na kanina pa pala umiiyak.
"Vixyn, put the knife down!" Utos ng lalaki sa kanya.
"Sir tulong po!" Pagmamakaawa ng Yaya. "Papatayin ako ni Mam."
"Vix, put the knife down. You're scaring the kids." Anito kaya't pareho niyang tiningnan ang dalawang anak. Umiiyak si Sedi at si Sephy naman ay nakatago sa gilid ng ama habang nakatingin sa kanya. "Look, Sedi keeps on crying!"
Seryoso niyang tiningnan si Percy bago binalingan ang kasambahay.
"It's her fault that's why he's crying. Nagulat ang bata dahil binagsak niya ang plato at nabasag!" Madiin niyang sabi. "It was just my reflex, I thought someone is going to hurt me."
"No one is going to hurt you m here so please put down the knife!" May pinalidad na sa boses nito.
Dahan-dahang binaba ni Vix ang kutsilyo at inilapag sa may lababo. Masama niyang tiningnan ang katulong na umiiyak at masama ring nakatingin sa kanya.
"Magreresign na po ako at magrereklamo ako sa barangay dahil dito sa ginawa niyo!" Malakas nitong sabi.
"You don't have to do this," si Percy. "Nabigla lang ang Mam mo kaya niya-"
"Go on, do it!" Tulak pa ni Vix. Wala siyang nararamdamang takot sa mga oras na iyon. "Tingnan natin kung sino ang makukulong sa atin. May mga ebidensiya ako na pinagnanakawan mo kami dito."
"Ho? A-anong? H-Hindi po t-totoo yan!" Nauutal nitong sabi.
"Akala mo siguro hindi ko alam na sa tuwing maglilinis ka sa kwarto namin ay kumukuha ka ng pera sa wallet ko?."
Tumaas ang isang kilay niya. "I was too kind that's why you didn't see me as a threat. Hinayaan kita dahil minsan naikwento mo sa akin na kailangan mong magpadala ng pambili ng gamot ng anak mo. Hindi ka humingi pero nagnakaw ka. I let it pass because, yeah, I was too kind. But enough is enough. I need to attack first before anyone can bite me." Hindi naman na nagsalita ang katulong at mas lalong natakot lang. "You're fired!" Aniya at saka tiningnan ang asawa.
BINABASA MO ANG
F.L.A.W Series Book 3: RUBY
General FictionWarning: SPG / R-18 /Mature Content Female League of Assassins and Weapons F.L.A.W Series Book 3: RUBY "I am tired of pretending to be human. I'm exhausted to feel something I don't. I need a break. Emotions are nothing but a distraction. You're rul...