Chapter Nine

470 39 6
                                    

Vixyn felt like her body is possessed by an unknown force because she literally knew what to do in a situation like that. There's usually a lot going on inside her mind but at that moment, there's only one thing that keeps on playing- keep those fuckers away.

Kaagad siyang kumilos at saka binuhat ang anak na si Sephy at sinenyasan ang kasambahay na sumunod sa kanya habang buhat nito ang bunso. Pinapasok niya sa loob ng CR ang tatlo at saka pinaupo sa loob ng bath tub.

"Wait here and don't make a sound." Utos niya. "I will lock the door so do not attempt to go out. No matter what you hear outside, do not open it. I'll come back for you later."

"But Mommy, I'm scared." Bulong ng anak at tahimik na lumuluha. "I want Daddy."

"Daddy will be here any minute so I want you to be brave, okay?" At saka binalingan ang matandang babae. "Kayo na ho munang bahala sa mga bata Manang. Heto ho ang cellphone ko, tumawag na kayo ng tulong." Sabay abot sa telepono niya at akmang aalis na nang hawakan siya ng anak.

"Please don't leave us here, Mommy."

"I have to."

Hindi na siya nagpapigil pa sa anak at mabilis nang lumabas roon. Pagka-lock niya sa pintuan ng CR ay luminga siya sa paligid upang humanap ng maaari niyang maging sandata.

She saw a pair of scissors in the drawer and she hold it tightly. She leaned on the door and she heard some mumbling outside. They were talking while rummaging every room in the house. The intruders are looking for them in each room and they are now drawing closer to where they are.

Nang marinig niya ang paghinto ng mga paa sa labas ng pintuan ay nagtago na siya sa likuran. Ni wala siyang kabang nararamdaman at ang tanging nais niya ay ang matapos na ang gabing iyon.

When the door busted open, two men barged inside armed with guns. Scissor for a weapon has definitely no match for a gun but Vixyn gave justice to it when she used it to disarm her enemy.

Sinaksak niya ang kamay ng isa sa mga pumasok kaya't nabitiwan nito ang baril. Kaagad niyang sinundan iyon ng dalawang saksak sa may hita upang mapatumba at saka sinipa sa panga kaya't nawalan na ng malay. Inundayan din niya ng saksak ang isa pa ngunit nakapan-laban iyon. Sinubukan siyang sipain ng lalaki ngunit mabilis siyang nakailag at saka nasaksak niya sa may pisngi, dahilan para mapahiyaw ito sa sakit at mabitawan ang baril.

She punched the man in the face and hit his head hard on the wall, knocking him unconscious. Then there's another one who tried to shoot her but she jumped outside the room towards the living room. She hid behind the wall that separates the dining room and the living room. The man continues to shoot her but wasn't able to hit her. She then saw knives on top of the kitchen counter so she crawled to get closer to it.

Nang huminto saglit ang lalaki sa pagbaril sa kanya upang makapag-reload ay doon niya kinuha ang pagkakataon na sumugod rito at saka niya ibinato ang hawak ng kutsilyo at nasapol sa may dibdib.

Inakala ni Vix na tatlo lamang ang naroon kung kaya't hind niya napansin ang pagpasok ng huling lalaki at saka siya nabaril. Daplis ang inabot niya sa may balikat at pupulutin sana niya ang baril na nasa sahig na nabitawan ng naunang kalaban ngunit tinutukan na siya ng baril sa ulo.

"Huwag ka nang magtangkang kumilos!" Utos sa kanya ng lalaki. "Pagkatapos kitang patayin ay isusunod ko ang mga anak ninyo upang makaganti sa pamilya niyo!"

"Subukan mong galawin ang mga anak ko, sinisiguro ko sayong hihiyaw ka sa sakit na ipaparanas ko sayo!" Matapang na banta niya habang hawak ang sugat na patuloy sa pagdugo.

"Matapang ka ha, ganyan nga siguro kapag asawa ng isang NBI agent." Nakangising saad ng lalaki habang pinagmamasdan siya. "Gusto ni Boss na makita ang magiging itsura ng maangas na si Inspektor Montenegro kapag naabutan niyang luray-luray ang katawan ng mag-iina niya." Sabay halakhak.

F.L.A.W Series Book 3: RUBYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon