3 days. Tatlong araw nang nandito ang mag tito na iyon. Tita is busy actually pumunta siya sa Manila kanina, sasama sana ako pero mukhang babagyo ata. Napatingin ako sa labas at humahangin na siya makulimlim narin.
Umuwi rin si manang pati yung nag aalaga sa anak ko para tignan ang sarili nilang pamilya ang ending ako lang ang mag aalaga sa mga anak ko.
"are you sure you're okay?" napabuntong hininga ako, ilang beses nang tumawag si tita at tinanong iyon sa akin.
"yes tita. Kaya ko ito, now tapusin mo ang gagawin mo diyan para makauwi ka na dito tita" tumango naman siya saka kumaway at pinatay na ang face time.
"ate pwede po bang umuwi rin? Yung pamilya ko po kasi ate baka bumaha eh delikado" sabi ng tatlong kasambahay namin, tatlo nalang silang maiiwan dito pero aalis pa.
"sige. Mag iingat kayo tawagan niyo ako kung kailangan niyo ng tulong" tumango naman ang tatlo saka umalis na, then i saw Renato na nakaayos.
"Ah Ms. Avrea! Titignan ko lang ang isla huwag kang mag alala" napakunot noo ako bakit to nagpapaalam?
"sige, just call me when you encounter some trouble" kumaway siya saka umalis na, napaupo ako sa sofa.
Mag isa ko lang dito sa bahay na mag aalaga sa mga anak ko, tatawagan ko na sana si Alfredo nang biglang umulan ng malakas. Napabuntong hininga ako, malabong makapunta siya mahirap ang daan sa kanila.
10 minutes akong umupo doon, nang biglang kumulog ng malakas at kumidlat kasabay ng pagpalahaw ng iyak ng mga anak ko. Agad akong tumakbo, halos madapa pa ako. Nakalimutan kong takot sila sa malalakas na ingay, paano na ito apat pa naman silang umiiyak?
"mga anak tama na ha? Andito na si mommy" pero iyak parin sila ng iyak. Binuhat ko ang isa at pinatahan pero nararamdaman niyang umiiyak ang kakambal niya kaya hindi rin siya tumitigil.
Inisa isa kong binuhat ang anak ko para dalhin sa kwarto ko na konektado sa kwarto nilang apat. Mabuti nalang at malawak ang kama ko kaya kasya kami dito may space pa nga.
Sumampa ako sa kama para laruin sila pero kumukulog parin kaya naman iyak parin sila ng iyak.
"mga anak huwag na kayong umiyak ha? Huwag niyo naman pahirapan si mommy oh tayo tayo lang andito" they still continue to cry.
Naluluha narin ako ayoko kasing nakikita ang mga anak kong umiiyak ng ganito kalala eh, kinuha ko ang isa at tumayo saka inihele pinadede ko pa para tumigil na.
"need any help?" napalingon agad ako nang marinig ko ang boses ni Eidan. Madilim na ang kalangitan dahil malapit naring maggabi saka pa umuulan ng malakas.
Hindi ako makasalita, akala ko umalis rin siya kasama ang tito niya. Hanggang sa makalapit siya sa mga bata binuhat niya ang dalawa, nakatulala parin ako inihele niya ang dalawa habang tinitignan pa niya saka tumigil ng iyak ang dalawa, yung isa naman na nasa kama ay nakatitig sa lalaking humahawak sa kapatid niya.
Hindi nagtagal tumigil rin silang apat na umiyak, naiiyak ako at napaiwas ng tingin they feel the warmth of their father.
"a-akala ko umalis ka"
"i was about to...when i heard a baby cry kaya agad akong pumunta dito" sabi niya habang inihehele parin ang anak ko.
"s-salamat makakaalis ka na" just when he lay down my daughter umiyak nanaman ang mga ito.
"looks like your children likes me" of course you are the father idiot!
Ibinaba ko na ang anak kong hawak ko saka sumampa sa kama para ayusin ang pagkakahiga ng dalawa, inilapag niya ang anak ko sa side niya so bale magkabilang side kami ng kama.