14

2.9K 42 3
                                    


"anak huwag ka diyan.." malumanay kong sabi kay Zeline nang akyatin niya ang hagdan, naglalaro kami dito sa baba dito sa sala.

I heard my daughter giggled binuhat ko na siya at dinala sa mga kapatid niyang naglalaro din. Nakapalibot sa amin ang maid dito sa villa, gusto ko sanang maligo sa dagat kaso ang mga bata at saka mainit pa.


"ate gusto niyo po bang maligo sa dagat mamaya?" napatingin ako sa pinakabatang maid na nandito ngumiti ako sa kaniya.

"mamaya nalang, kapag hindi na mainit isasama ko sila eh" sabi ko tumango naman siya.


Tinulungan nila akong alagaan ang mga anak ko, kaaalis lang ni Tita Vesna dahil may gagawin daw babalik daw siya kaagad. Naglaro lang kami maghapon at nang magsusunset na ay nilagyan ko na ng sunblock ang mga anak ko.

Nagpalit na rin ako ng damit kong binili pa ni Eidan nung isang linggong dumating kami dito. Ayaw pa niyang ipagamit ang phone ko dahil daw vacation ko daw ito.


"bakit kailangan niyo pang umalis?" biglaan niyang tanong sakin ng ikalawang gabi namin doon.

"none of your business at pwede ba doon ka sa sofa" sabi ko sa kaniya at nahiga na, nakatayo lang siya doon habang nakapamulsa. Galing ata siya sa trabaho dahil naka business attire pa.

Napabuntong hininga siya at naglakad na papuntang cr, tumayo naman ako at kinuha ang remote para buksan ang pintuan ng veranda. Mas gusto ko kasi doon kapag gabi eh.

Napailing nalang ako ng maalalang nagtabi nanaman kami ng gabing iyon pero walang nangyari. Ako ang unang nakakatullog dahil madami pa siyang ginagawa, this past few days umuuwi lang siya kapag umaga pero hindi siya natutulog dito sa gabi.


Im doubting pero wala akong karapatan sa naiisip ko dahil hindi naman kami at higit sa lahat hindi kami mag asawa. Naglakad na ako papunta sa tubig, ang nga anak ko ay hawak ng mga maid na sumusunod sa akin.

Tuwang tuwa ang mga anak ko nang maibaba sila sa tubig, napapangiti ako. Pero parang may kulang, maay parang nakadagan sa akin.

"ma'am hindi daw po makakauwi si sir ngayon" sabi ng isang maid, napakunot ang noo ko. Gusto kong tanungin kung bakit pero baka iba ang pagkakaintindi nila kaya tumango nalang ako.


Inokupado tuloy ni Eidan ang aking utak hanggang sa gumabi na, i know tita knows where am i kasi kung hindi niya alam noong isang linggo pa siya sumugod dito.

Pinatulog ko na ang mga anak ko saka ako lumabas ng bahay, umupo ako sa may batuhan doon na hagdan. Wala nang nakakalat na guards siguro off duty na yung iba o sadyang kumakain lang sila.

I hug my body as i feel thw cold breeze of the wind here at the beach. Ngayon lang ako nakapag isip isip kung sasabihin ko ba ang totoo kay Eidan na siya ang ama. Natatakot akong hindi maganda ang mangyari, kahit ako nalang ang masaktan huwag lang ang mga anak ko.

"ma'am pumasok na daw po kayo" napatingin ako sa isang guard na lumapit sakin.

"sino nagpapasabi? Sabihin mo sa kaniya mamaya n--" niyakap ako ng guard at napahiga nang may marinig kaming putok ng baril.

"ma'am pumasok kayo!" sumigaw siya saka ako tinulak papunta sa loob ng bahay, sa isang iglap ay nagkagulo ang lahat.


May mga guards na sumusunod sakin papunta sa kwarto ng mga anak ko. Halos manlaki ang mata ko nang maalala na nakabukas ang bintana sa kwarto ng mga anak ko.

Pabalang ko itong binuksan ang laking gulat ko nang may lalaki doon, nakamaskara ng itim hindi ko makita ang mukha niya. Higit sa lahat hawak niya ang anak kong umiiyak na!


One Dirty night [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon