30

2.3K 40 0
                                    


Unti unti kong minulat ang mga mata ko nang marinig ko ang ingay sa paligid, bumungad sakin ang maliwanag na kisame. Unti unti kong ginalaw ang kamay ko saka hinawakan ang tiyan ko laking gulat ko nalang ng wala na ang umbok.

Agad akong umupo kahit napa aray ako sa sakit dahil binigla ko ang katawan ko. Napatingin silang lahat sa akin at nagmamadaling pumunta sa akin. Hinawakan ko ang kamay ng isang nurse.

"miss nasaan ang anak ko?! Bakit sya wala kailangan ko siyang makita!" naghihisterical na ako dito halos bumaba na ako sa kama at handang tiisin ng hawakan nila ang kamay ko saka pinilit na pahigain ako.

Hindi ako tumigil kakasigaw kung nasaan ang anak ko, baka kinuha siya ng mga nagkulong sa akin sa islang iyon. Naramdaman ko nalang na may tinurok sila sa akin saka ko nakita si Tita Vesna na nasa gilid ko at umiiyak na nakatingin sa akin.

Unti unting nanlalabo ang paningin ko hanggang sa nawalan ako ng ulirat pagkagising ko nanaman gagalaw na sana ako nang maramdaman kong nakatali ang dalawang kamay ko.

Ginala ko ang paningin ko saka nakita si Tita Vesna na natutulog sa sofa sa gilid. Hindi ako gumawa ng ingay kailangan kong makatakas pinilit kong tinanggal ang dextrose at tali sa kamay ko kahit hinang hina ako umalis ako sa kwartong iyon.

Nakasalubong ko ang isang nurse, tumingin ako sa orasan at madaling araw na pala.

"halla ma'am bakit po kayo lumabas? At yung nakatusok po sa inyo?" tatakbo na sana siya para tumawag ng doctor pero pinigilan ko siya. Siya yung nurse na hinawakan ko nang unang magising ako.

"d-dalhin mo ako sa anak ko please" umiiyak na sabi ko sa kaniya, tumango siya sa akin at inalalayan ako nakarating kami sa isang kwarto na maraming equipment.

"ayun po ma'am. Premature po ang bata at kailangan niyang sumailalim diyan para po maging maayos ang kausugan niya" natulala ako agad akong lumapit doon at hinaplos ang tanging harang sa aming mag ina.

Halos iiyak ko ang lahat ng luha ko nang makita ko ang anak kong nandoon sa loob ng incubator. Hawak hawak ko ang kamay niya,i dont care if im wounded or hungry i just want to be with my son because its my fault.

Halos mapatalon ako nang may marinig akong ingay, malakas na ingay na parang sumisigaw unti unti kong inangat ang ulo ko at tumingin sa malaking salamin na nagsisilbing harang mula sa labas.

I can see that the nurse are panicking.

"where the hell is she?! Fuck! Makakapatay ako!" nakatingin lang ako doon at nakita siya. Si Eidan na nakatingin sa akin, gulong gulo ang buhok at pulang pula ang mata na animoy galing lang sa iyak.

Hindi ko alam pero kahit hinang hina ako nagawa kong tumayo para puntahan at hagkan siya ibigay lahat ng pasakit sa akin dahil hindi ko na kaya. Nang makita niyang maglalakad ako agad siyang tumakbo sa akin at hinagis ang cellphone niya sa ding ding para mayakap ako.

Doon ako nagsimulang umiyak ng umiyak, lahat ng sakit noong nawala ang mga magulang ko hanggang ngayon sa nalaman ko at ang nangyari sa anak ko. Ni hindi ko siya magawang yakapin ng mahigpit dahil sa panghihina ko.

"shhh baby im here" pagpapatahan niya sa akin, bumubulong lang siya sa tenga ko habang umiiyak ako na yakap siya.

"i-it hurts seeing him like that..." hindi ko matuloy tuloy ang pagsasalit ko dahil sa panghihina ko.

Mas gugustuhin ko pang ako ang mahirapan kaysa ang anak ko na nasa ganyan. Kasalanan ko lahat kung hindi sana ako pumunta doon hindi mangyayari ang lahat ng ito, kung sana lang pinasama ko si Eidan baka sakaling nailigtas pa ako agaran. Ang daming sana sa utak ko pero kahit kailan hindi na maibabalik ang nakaraan.

One Dirty night [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon