Umalis rin si Cormac kinaumagahan noong isang linggo. Pinili kong hindi sagutin ang nga tawag o text ni Eidan sa akin, bakit ko sasagutin? May label ba kami para sagutin ko?
May label rin ba kami para magkaganito ako?
"manang ready na po ba ang lahat?" tanong ko kay manang habang binababa niya ang mga gamit kasama si Alfredo.
"oo hija yung iba nasa kotse na" sabi ni manang na parang naiiyak pa, ngumiti ako saka lumapit sa kaniya at niyakap.
"manang pwede niyo naman po silang bisitahin eh diba? Ako pong bahala" tumango lang siya napatingin ako kay Alfredo na inaayos ang gamit sa kotse.
"kailangan ba talagang umalis kayo?" sabi niya tumango naman ako saka ngumiti, ngumiti rin siya sakin. Binitbit ko na ang mga anak ko at nilagay sa kotse para makaalis na.
"mamimiss ka namin ma'am" nakangiti akong nagpaalam sa mga tauhan ko na maiiwan. Sumakay na ako sa kotse saka umalis na, busy ako sa pagcellphone sa tabi ng mga anak ko.
Nasa manila na si Tita pupunta muna kami doon bago kami umalis, magpapaalam palang kami sa kaniya. Aalis kaming mag iina pupunta ng London at hindi ko alam kung babalik pa kami. Mas mabuti nang lumayo ako or sila sa ama nila para hindi magkagulo ang buhay namin.
We rode on a private jet na pag aari ng lolo ko na nastock na dahil walang masyadong gumagamit. Maaga kaming nakarating ng manila buti nalang hindi pa magdidilim.
"ma'am this way" kasama ko ang nga guards na hawak ang stroller ng mga anak ko, sinasabayan ko sila habang naglalakad kami papunta sa isang kwarto dito sa hotel.
Aalis rin kami mamaya, our flight is 6 pm and now its 4 pm. Nang maihatid na kami sa room namin ay ako na ang nagasikaso ng mga anak ko, hindi naman sila mahirap kausapin eh. Natulog lang kami habang hinihintay si Tita na dumating.
"just seriously? Bakit bigla biglang aalis?" halos maalimpungatan ako nang pumasok siya sa kwarto yan ang ibinungad niya sakin.
"Tita its just a vacation" sabi ko sa kaniya habang nag iinat pa at inaayos ang eyeglass ko.
"vacation? Seriously? Then when i ask you when will you go home you answered me i don't know" umirap ako dahil nagsisimula nanaman siyang sermonan ako.
"pwede mo naman silang bisitahin ah" sabi ko sa kaniya pero hindi na niya ako pinansin dahil ginising na niya ang mga anak ko para makipaglaro.
"hindi yun ang punto ko. My point is you'll left the hacienda to me at alam mo ba kung gaano ako kabusy?"
"tita i can work from afar" sabi ko sa kaniya hindi niya ulit ako pinansin naupo nalang ako sa sofa. I didn't open my phone dahil baka maflood ako ng tawag at ng text.
"and now change your clothes ihahatid ko kayo sa airport look at the time" sabi ni tita, at malapit na rin pala. Actually hindi na ako magpapalit ng damit i'll just wear my heels and im off to go.
Pinapasok ni tita ang mga guards niya at isa isang tumulak sa stroller ng apat kong anak. Lumabas na kami ng hotel at dali daling pumasok sa kotse, sa yaman ni Eidan hindi malabong hindi niya kami makita dito sa manila.
Nakarating kami sa airport nang malapit na ang flight kaya naman nagmamadali kaming sumakay. Nang papaandar na ang eroplano ay sumilip ako sa bintana, umuwi na si tita kanina pa dahil may aayusin daw.
Nagulat ako nang may kotseng magkakasundo na nagpark sa side namin agad akong kinabahan ng hindi na gumagalaw ang eroplano. Lumabas ang nga guard doon, nagbubulungan ang mga tao na mga kasama ko dito.