TEMARIE
"Mali! Ilang ulit ko ng itinuro sayo yan" saad nito habang napapakamot pa sa ulo. Nandito kaming dalawa sa sala ng apartment ko habang tinututuruan niya ako.
"Kadalasan sa mga napapanuod ko lahat ng nakasalamin ay matatalino pero mukhang...... " tumingin ito sa akin. Mabilis ko siyang kinunutan ng noo.'Mas madali pang makipagsuntukan kesa mag aral! '
"Nevermind" natatawang saad nito
"Huwag mo kasing kabisaduhin,aralin mo" dagdag na saad nito atsaka iwinagayway sa harap ko ang papel na hawak niya.'Masasapak ko na siya hanggang mamaya! Anong magagawa ko hindi nga kayang i-absorbe ng utak ko yung binabasa ko! '
"Tatandaan mo lang yung mahahalagang nangyari, yung date anything that is really important. Not the entire contents of the book"
Siguro ay nauubos na ang pasensya nito sa akin dahil sa pagka kabisote ko. Mahina ako sa academics lalo na pagdating sa history.
"Subukan mong lagyan ng tono ang binabasa mo. Gawin mong kanta ang bawat mahahalagang impormasyon." nakangiting anas pa muli nito
'Mukha siyang engot sa itsura niya. Pero may punto ang sinabi niya. Mahilig ako sa kanta kaya paniguradong mabilis ko iyong matatandaan'
Muli ay binasa ko ang laman ng libro at nilagyan iyon ng tono,siya naman ay busy sa hawak niyang cellphone habang mukhang timang na nakangiti. Hindi ko napansin na napapakanta na pala ako.Napansin ko lang iyon ng nakatitig sa akin si Dawzon.
"You're really good at singing" manghang anas nito.Kinuntan ko lang siya ng noo at muling itinuon ang paningin sa libro.
Dalawang araw na ng sinimulan niya akong turuan.Para siyang robot na hindi nauubusan ng sasabihin.Tanong siya ng tanong tungkol sa mga gamit ko sa pag bo-boxing.Hindi ko nalang siya kinikibo kapag nagtatanong. Akala ko nuong una ay sobrang tahimik at mahiyain siya. Sa una lang pala iyon.
'Malapit na ang birthday niya, paniguradong hindi makakapunta si Kuya Ardean dahil sa anak nito.'
"Huy,nakikinig kaba?" Muli ay nagising ako mula sa pag iisip
"Kanina pa kita kinakausap, napunta nanaman sa ibang lugar iyang isip mo"Kakamot kamot sa ulong anas nito.'I wonder kung paano niya ako kinakausap ng normal.Takot na takot siya sa mga juniors na nang bu-bully sa kaniya pero sa akin ay hindi. Hindi niya alam na mas delikado pa ako sa mga batang iyon'
Tiningnan ko lang siya ng matapos niyang iwagaywaya ang papel na hawak niya sa mukha ko.
"Parang wala akong kausap"iiling iling na saad nito
'Nakakapagtakang normal niya akong kausapin pero kapag kaharap niya si Cadelle ay nag kakanda-utal siya'
Nalala kong may pupuntahan nga pala ako mamayang 3 PM. Half day lang ang pasok namin ngayun kaya naman maaga siyang pumunta sa apartment ko.
"Aalis ako mamayang 3" saad ko atsaka ko inilipat ang page ng libro
"Huh? Saan ka pupunta?Hindi kapa tapos sa pag re-review mo"
'Mas mahalaga ang lakad ko kesa sa pag re-review'
"Tsk"
"Saan"Muling tanong nito.
'Hindi ko alam kung may lahi ba ito ng pagka engot.Tanong ng tanong.Pupunta ako sa kumbento para magbigay ng donation.Ang kalahati ng kinikita ko sa pagba-boxing ay dinadala ko sa orphanage ang kalahati naman ay iniipon ko.'
"Nai-kwento sa akin ni Tiya Eva na isa kang orphan,kaya siguro pupunta ka duon para dumalaw" saad nito
'Pupunta ako duon? Baka ang ibig mong sabihin ay tayo!.Sumama siya sa akin papuntang orphanage.Tutal ay wala naman daw siyang gagawin sa bahay nila ay sasamahan niya nalang ako.Wala pa ang motor ko sa akin kaya naman nag commute nalang kami.'
BINABASA MO ANG
Thirty Seconds Of Courage
Teen FictionConfession isn't easy. You might encounter rejections. How can I confess my unsaid feelings? Is thirty seconds worth to risk for? A/N: Binago ko ang BC and also the title. This is a slow paced, don't get bored hehe. (SLOW UPDATE) 8-9 PM UPDATE. DAT...