-Pagpapatuloy
"Who leads the prayer?" tanong ni Sister Daisy sa mga bata. Masyadong maliit ang lamesa para sa lahat ng bata kaya ang iba ay nakahiwalay at nasa kaniya kaniya nilang upuan.
"Ako po Sister" nakataas ang kamay na saad nang isang bata.
'Sa dami ng mga batang nandito ay imposibleng matandaan ko ang lahat ng pangalan nila. Ang natatandaan ko lang ay yung mala angelic face na si Selena,pati nadin ang batang may gusto kay Temarie na si Rojan.
"Okay Bea,maaari ka ng manalangin" saad ni Sister Daisy. Nasa anim ang lahat ng sisters na nangangalaga sa mga bata at pang pito naman si Mother Marieta.Nakahilera sila Sister Milagros,Sister Eyhtel at Sister Daisy sa isang lamesa na may nakapatong na mga pagkain.Ang ibang Sisters ay inaasikaso ang mga bata sa lamesa .Nakilala ko sila kanina lang.
Tahimik lang akong nakikinig sa panalangin ng bata habang magkatabi kami ni Temarie sa isang sulok at pinagkakasya namin ang sarili namin sa may kahigsiang upuan na gawa sa kahoy
'Halos mahulog na ako sa dahil sa higsi ng upuan'
"Tsk!" pagngisi ni Temarie
'Ngumisi siya?,Nginisihan niya ako?'
Naramdaman ko nalang na umatras siya ng kaunti at nagkaroon ng espasyo ang pagitan namin.Siguro ay napansin niya na nahihirapan ako sa pag upo. Umatras ako ng kaunti sa espasyong ibinigay niya
Kanina ay tutulong sana ako sa pag se-serve ng pagkain para sa mga bata pero kaya na daw nila Sister ang tungkuling iyon.
'Kaibigan ka ni Life at bisita ka namin kaya dapat lang na maupo ka lang' Iyon ang naging saad nila
"Ayos lang ba kayong dalawa diyan?" tanong sa amin ni Sister Eythel habang inaasikaso ang mga bata
"Okay lang po kami" nakaniting anas ko
"Huwag niyo na po silang tanungin Sister,ayos lang po silang dalawa,diba po Kuya?" may panunukso sa boses na saad nito
"AYIEEEEEE" saad ng karamihan sa mga bata
Napailing nalang ako dahil sa tinuran nila
"Tigilan niya na iyan mga bata,baka hindi magustuhan ni Ate Life ninyo ang biro ninyo" saad ni Sister Milagros na ngingiti ngiti
"Opo Sister"
Tiningnan ko si Life,seryoso lang itong nakatingin sa mga bata.Ngayun ko lang siya natitigan ng malapitan.Napakakapal ng kilay niya at halatang hindi iyon binabawasan.Napaka natural ng itsura niya.
Agad kong naiwas ang paningin ko ng bigla itong lumingon sa akin.Narinig ko muli ang pagngisi nito.
'Marunong siyang ngumisi pero ang natural na ngiti ay hindi niya magawa'
Itinuon ko nalang ang paningin ko sa mga batang nakapila habang isa isang nilalagyan ang plato nila ng pagkain.Napatingin ako sa gilid malapit kila Sister Milagros.Mayroon duong isang telepono na sa tingin ko ay hindi na ito gumagana.
'Telepono?.I forgot to call Nanang! Paniguradong hinahanap na ako nun.Kinapa ko ang bulsa ko at laking pasasalamat ko dahil nadala ko ang cellphone ko.'
"Punta lang ako sa labas" mahinang bulong ko kay Temarie,lumingon ito ng may pagtatakha.
"Tatawagan ko lang si Nanang paniguradong nag aalala na sa akin iyon" atsaka ko ipinakita ang cellphone na taban ko. Tumango lamang ito. Dumaan ako sa gilid para hindi ko makuha ang atensyon ng mga bata."Hello Nang" saad ko sa kabilang linya
"Hello,nasaan ka na bang bata ka?! Abay mag ga-gabi na hindi ka pa umuuwi"

BINABASA MO ANG
Thirty Seconds Of Courage
Teen FictionConfession isn't easy. You might encounter rejections. How can I confess my unsaid feelings? Is thirty seconds worth to risk? A/N: Binago ko ang BC and also the title. This is a slow paced, don't get bored hehe. (SLOW UPDATE) 8-9 PM UPDATE. DATE ST...