[KINABUKASAN]
*KRINGGGGGGG*
Tinatamad kong pinatay ang alarm clock ng tumunog ito atsaka ako dahan dahang tumayo.Nag inat inat muna ako bago dumeretso sa banyo para maghilamos.Matapos niyon ay kinuha ko ang map guard at inilatag iyon at sinimulan ang parati kong ginagawa.
'One week ulit bago ang match ko. '
"98, 99 10-" hindi ko na naituloy ang pagbibilang ko ng lumapit sa akin si Nobita atsaka nito hinimas himas ang katawan sa braso ko.
'Tulog pa ang iba'
"100" pagbilang ko ng matapos ko ang pag pu-push ups.Matapos ang push ups ay kinuha ko ang hand wrap at isinuot iyon. Tumapat ako sa nakasabit na punching bag at duon ay sunod sunod ko itong pinagsusuntok.May kahapdian ang nagiging epekto ng suntok ko dahil sandbag ang gamit ko. Makalipas ang kalahating oras ng pagpapawis ay muli akong pumunta sa kwarto at deretsong naligo sa banyo.Daily routine ko na ang pagpapapawis tuwing umaga.Halos limang minuto lang ay natapos ko ang pagligo at dumeretso sa kusina.Hinanda ko na ang mga cat food nila atsaka iyon ibinigay sa kanilang dalawa. Kasabay ng pagkain nila ay kumuha ako ng cup noodles at itlog at siya kong kinain.
Inis kong isinuot ang school uniform.Pinasadya kong pahabaan ang palda na pinatahi ko pero pinabawasan sa akin ng school committee.Masyado daw mahaba ang palda ko at hindi accurate sa palda ng ibang studyante.
Ng maisuot ko ito ng tuluyuan ay tiningnan ko ang repleksiyon ko sa salamin. Halatang halata ang sugat na natamo ko kahapon sa laban.Kinuha ko sa drawer ang band aid atsaka iyon idinikit sa sugat. Matapos niyon ay sinuklay ko ang may kahabaan kong buhok at isinuot ang salamin ko sa mata. Mayroon akong astigmatism at nakuha ko iyon dahil sa trabahong pinasok ko. Gumagamit naman ako ng contact lense kapag lumalaban ako."Papasok kana Temarie? " tanong sa akin ni Tiya Eva paglabas ko ng apartment. Siya ang nagmamay ari ng apartment na tinutuluyan ko.
"Hmm,pasuyo nalang ho ulit" atsaka ko inabot ang tupperwear na may lamang cat food.
"Ingat ka sa byahe" nakangiting anas nito at tinanggap ang tupperwear. Tumango lang ako bilang pagsang ayon. Dumeretso na ako sa waiting shed para maghintay ng masasakyan. Ilang minuto lang ay huminto ang bus.
'Puno! No choice ako. Tatayo ako hanggang sa marating ang skwelahan'
Tiningnan ko ang wrist watch.Sakto lang ang oras ng pagpasok ko.Ng huminto ang bus sa tapat ng skwelahan ay deretso na kaagad ako sa room. Nagtaka pa ako ng lahat sila ay busy at tila nag re-review.
'Shit! Exam namin ngayon! Deputa nakalimutan ko!. Prelim Exam namin ngayon! '
Inis kong tinungo ang upuan ko.May nakapatong duon na portfolio.
'Ang laman ng portfolio ay ang mga naging quiz at test namin. Ibinabalik sa amin iyon para maging gabay sa magiging exam. Kumbaga ay parang reviewer nadin.'
Matamaan kong pinagmasdan ang mga naging test at quizes ko.
20 over 100
14 over 30
7 over 20.
Napapailing na lang ako sa nagiging resulta ng quiz at test ko.Sinubukan kong mag review. Ilang minuto lang ang itinagal ko sa pagbabasa ay tinigilan ko na iyon. Walang pumapasok sa utak ko. Mahina ako when it comes to academic.!"Good morning class" anas ng Prof namin ng makapasok ito
"Good morning Ma'am"
"I have an announcement. By the end of October ay magkakaroon kayo ng school event" hindi pa natatapos ang sa sabihin ni Ma'am ay nagsipag hiyawan na sila. Never akong pumasok sa mga ganyang event.
"Quiet!. After exam ay mag announce ang Director about sa details ng event. Makinig kayong mabuti sa mga sasabihin nito. So, now are you all ready to take this exam? " atsaka nito itinaas ang test paper namin.
BINABASA MO ANG
Thirty Seconds Of Courage
JugendliteraturConfession isn't easy. You might encounter rejections. How can I confess my unsaid feelings? Is thirty seconds worth to risk for? A/N: Binago ko ang BC and also the title. This is a slow paced, don't get bored hehe. (SLOW UPDATE) 8-9 PM UPDATE. DAT...