-Pagpapatuloy"Ang ganda po ng boses ni Ate Life diba? " saad nung bata,hindi ko alam kung ano ang pangalan niya.
"Mga bata matulog na kayo. Zoxxien ikaw na ang bahala sa mga batang iyan" Saad ni Sister
"Opo" Tanging saad ko
"Dito kana po Kuya matulog. Tabi nalang kami ni Paul sa kama niya" Saad muli ng isang bata atsaka niya itinuro ang kama niya
"Salamat" Nakangiting saad ko
"Sa itsura mo, sa tingin ko ay mayaman ka! " Masungit na saad nanaman batang may gusto kay Temarie na si Rojan
'Hindi ako mayaman, hindi din ako mahirap'
"Napakakinis ng balat mo at maputi pa." Muling saad nito
'Dahil siguro iyon sa pagiging half ko. Ang Mommy ko Japanese at si Daddy naman ay pure Pilipino at pareho silang nasa Japan ngayun'
"Nakakainggit ang itsura mo pero mas lamang ang pagka gwapo ko" Mayabang na saad nito. Napapailing nalang ako sa sinabi nito
"Matulog na tayo" Tanging saad ko pero sa tingin ko ay hindi ako makakatulog. Bukod sa mainit ay kulob din ang kwartong ito.
"Pwede mo po ba kaming kwentuhan tungkol po sa iyo?. Pati nadin po sa paaralan ninyo ni Ate Life" Biglang tanong sa akin ng isang bata malapit sa akin.
'Hindi ko matanggihan ang mga mata ng mga batang ito. Dahil nadin siguro sa wala silang idea sa kung ano ang nagaganap sa labas. Kulang sila sa funds that means wala silang sapat na pera for going out a trip. '
"Marami kang makikilala sa labas, marami kang pwedeng puntahan, marami kang pwedeng gawin na malaya ka sa paraan na gusto mo pero hindi lahat ng tao ay patas."Kwento ko sa mga ito
'Kagaya nalang ng mga nambubully sa akin, iyong naka ingkwentro namin kanina sa bus'
"Ano po ang ibig niyong sabihin? " Curious na tanong ng bata. Umiling ako kasabay nun ay ang pagngiti.
"Sa ngayun ay i-enjoy niyo muna ang childhood ninyo.Malalaman niyo din ang sinasabi ko once na lumabas kayo sa kumbentong ito" Nakangiti kong saad
'Napapaisip din ako kung kailan at ilang taon sila bago lisanin ang kumbentong ito'
"Diba po magkaklase kayo ni Ate Life?, saan po kayo nag aaral atsaka po ano po ang itsura ng school ninyo? " Magiliw na tanong nito. Ang ibang bata ay nakikinig lang.
"Hmm, classmate ko si Ate Life ninyo, Graduating na kami this year at nasa Section B kami"
"Diba po hindi matatalino ang nasa Section B?. Iyon po ang sabi sa amin ni Kuya Kai" Mabilis akong umiling.
'Hindi matatalino? Siguro ay ganun sa school nila.May discrimination sa bawat section'
"Lima lahat ang Section na meron sa Grade 12 at iisang Strand palamang iyon.Pinaghahalo halo ang lahat ng studyante at hindi iyon nakabase sa grades.Sa lahat ng Section ay may tinatawag na honors. Ang lahat ng honors kada Section ay maglalaban laban para sa iisang certificate at iyon ay ang tinatawag na Valedictorian.Pero sa pagkaka alam ko ay sa school lang namin mayroong ganun" Pagpapaliwanag ko sa mga ito
![](https://img.wattpad.com/cover/235968873-288-k774833.jpg)
BINABASA MO ANG
Thirty Seconds Of Courage
Novela JuvenilConfession isn't easy. You might encounter rejections. How can I confess my unsaid feelings? Is thirty seconds worth to risk? A/N: Binago ko ang BC and also the title. This is a slow paced, don't get bored hehe. (SLOW UPDATE) 8-9 PM UPDATE. DATE ST...