CHAPTER 6

168 30 13
                                    

-Pagpapatuloy

Nandito ako ngayun sa Groceries Store para mamili.Naubos na ang stock ko kaya kailangan ko na ng panibago. May dadaanan din ako matapos nito.Mamayang hapon pa naman ang punta ko sa boxing gym kaya isiningit ko na ang pamimili.

'Nalalapit ang birthday niya,ano kaya ang magandang iregalo sa kaniya?'

"2,345 po Ma'am" anas ng nasa counter.Kumuha ako ng cash sa wallet ko atsaka iyon ibinagay. Matapos niyon ay dumeretso ako sa mall para bumili ng gitara.

"3,190 po Ma'am kasama na po ang capo" tiningnan ko muli ang gitara atsaka iyon binayaran. Paglabas ko ng Mall ay umuulan na, hindi manlang ako nakapagdala ng payong.
Ilang ang oras ang itinagal ko sa pag aabang ng bus bago ako nauwi.

"Marunong kang mag gitara Temarie? " tanong sa akin ni Tiya Eva ng iabot ko sa kaniya ang pinabili niya. Marahan akong tumango atsaka dumeretso na sa apartment ko.

"Meow" hinimas ko silang dalawa sa ulo ng magsipalit sila sa akin. Dumeretso ako sa kusina at ibinaba ang bitbit ko sa lamesa.Kinuha ko sa plastic ang pinamili kong frozen, gatas, gulay at itlog atsaka iyon inilagay sa refrigerator. Nagtira ako ng gulay sa lamesa na siyang iluluto ko pananghalian.

"Meow"

'Nagugutom na ang mga ito panigurado'

Kinuha ko ang cat food atsaka nilagyan ang cat food container nila. Matapos niyon ay isa isa ko iyong ibinigay sa kanilang dalawa. Habang kumakain sila ay inihanda ko na ang mga hihiwain kong gulay. Nagluto na din ako ng kanin sa rice cooker. Kalahating oras lang ang itinagal ay naluto na ang ulam at kanin.Matapos kong kumain ay deretso na kaagad ako sa boxing gym.

"One,two three,four,five" pagbibilang ni coach habang sinasalo ang bawat suntok ko
"Masyadong mahina ang impact ng pagsuntok mo.Hindi ka mananalo bukas kapag ganiyan pa din ang galaw mo!" anas muli nito

'Masakit pa din ang braso ko kaya hindi ko magamitan ng lakas ang bawat pagsuntok ko'

"Isa lang ang paraan para matalo mo siya sa laban"bumuka ang bibig nito at mahinang binigkas ang salitang iyon.

*SATURDAY*

*BLAG! *

Halos mapaubo ako ng suntukin niya ako sa sikmura. Muntik na akong bumagsak mabuti nalang at nakakapit ako sa ring rope.Kung hindi sa braso ko ang patama niya ay mukha ko naman ang target niya.

"SUZY! SUZY! SUZY! SUZY! SUZY! "

"Masyado na kasi akong nagsasawa sa mukha mo,parati nalang mukha mo ang nakikita ko sa poster tuwing papasok ako rito kaya gusto ko namang bawasan ang kagandahan mo kahit papaano"
nakangising saad nito.

Tang Ina! Unti unti ng nanghihina ang katawan ko dahil panay sa braso ko ang patama niya. Namamaga na iyon at halos doblehin ang pagkakulay violet kumporme kahapon.

"Sabihin na nating hindi patas ang laban pero pabor sakin ang ganiyan" nakangising anas nito at tiningnan ang namamaga kong braso.

'Kapag ipinagpatuloy niya pa ang pagsuntok sa braso ko baka bumigay na ko! '

Depensa lang ang ginawa ko ng magsimula na muli siyang umatake.

*TENG*

"Kaya mo pa ba? " tanong sa akin ni Kuya Ardean ng makita ang kalagayan ko.Pinainom niya ako ng tubig atsaka pinunasan ang mukha ko. Mabuti nalang at nag time out kahit papaano ay makakapag pahinga ang katawan ko.

'Hindi ko alam, pakiramdam ko ay bibigay na ang katawan ko. Bago ako magpunta dito ay wala na talaga ako sa kondisyon dahil sa masama na ang pakiramdam ko. '

Thirty Seconds Of Courage Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon