CHAPTER 5

170 31 10
                                    

[PAGPAPATULOY]

"Zoxxien Dawson, Temarie Laurent, Banjo Atayde,Carl and Vincent Zamora! "

"Alam niyo ba na pwedeng maka epekto sa image ng school ang ginawa ninyo?! " saad ni Mr. Arellano na siyang Guidance Counselor

Nandito kaming lima sa Guidance Office habang kinakausap about sa nangyari kanina.

"Kayong mga Juniors ang lakas ng loob niyong gawin sa mga Senior ang ginawa ninyo!. Sa lagay ay parang kaya niyo ng pumatay ng tao! . Kayong tatlo ang parating inirereklamo. " saad nito "Kayong dalawa at ikaw" turo nito sa isa pa naming kasama sa guidance. "Lalagyan ko ng record kahit pa sabihin na nating kasalanan ng Juniors. Ang tatlo namang ito ay bibigyan ko ng expulsion."

"Pero Sir, looked at my face!. Bakit kami lang bibigyan mo ng expulsion! Ginawa niya sa akin ito! " saad nung batang sinapak ko.

" At ginawa niyo din sa kanila iyon! "atsaka tinuro ang namamaga naming braso at binti.
" The worst thing you do is sinira niyo ang service ni Laurent!. That's not unforgivable. All the damage you've done ay ipagagawa ninyo! "

"Sir wala namang nakakita na kami ang may gawa niyan!. Do you have any proof? " matapang pa anas nito

"Ako! I was passing by when I saw you three!.I didn't take my last exam because I was late." saad ng kung sino

"Yujin" saad nitong katabi ko. Pamilyar siya sa akin.

'Nakikilala ko ang lalaking iyon.'

"May lakas kapa ng loob na sabihing do you have any proof. I don't tolerate that kind of action! " galit na anas nito.
"Dalhin niyo sa akin ang magulang niyo ng makausap ko. Namali ng pagkaka tanggap ang skwelahang ito sa inyo! "

"Kayong dalawa! at ikaw" itinuro ni Sir ang lalaking iyon.
"Nakausap ko kanina si Ms. Dawzon regarding sa pang bubullly sa inyo.As of now kami muna ang hahawak sa motor mo hanggang mapa ayos ng mga batang ito" turo niya sa tatlo tumango lang ako bilang pag sang ayon.

'Mag hihintay nanaman ako ng masasakyan.'

"Hanggang dito nalang ang usapang ito.Kayong tatlo bumalik kayo dito bukas ng umaga bibit ang parents niyo. Ipaliliwanag ko sa kanila lahat ng mga pinaggagawa niyo." nauna na akong lumabas ng guidance office kasunod ang kaklase ko na kasalukuyang may saklay.Tumungo muna ako ng classroom para tingnan ang results ng exam ko. Tiningnan ko ang name ko sa list.

23.LAURENT TEMARIE LIFE
CHEMISTRY-51/100
BIOLOGY-35/100
PHIL. HISTORY-15/100
P.E- 60-100

Napapailing nalang ako ng makita ko ang results ng mga exam ko.
Napatingin ako sa duwag kong kaklase at sa kasama nito ng lumapit ito at tiningnan ang results ng kanilang mga exam.Hindi ko napansin na nakasunod pala sila sa akin.Tiningnan ko ang pangalan nito sa list almost perfect ang mga exam niya. Ako lang yata ang may dalawang bagsak sa klase.

Nauna na akong tumungo sa waiting shed kung saan maghahantay nanaman ako ng matagal.

'Tsk! Nagawa pang magbanta ng mga batang iyon ng makalabas kami.'

Napakunot ako ng noo ng biglang huminto ang isang kotse sa harap ko.

"Sumabay kana sa amin " saad ni Ms. Kimura .Napakunot ako ng noo ng mapansing magkatabi sa backseat ang dalawang kasama ko sa guidance office.
"Sumabay kana,mamaya pa darating ang mga bus na sasakyan mo." saad muli nito atsaka binuksan ang pinto ng kotse niya.Mag gagabi na din. Matagal pa bago dumating ang bus.

"Pumasok kana" nakangiting anas nito. Pumasok na lang ako ng hindi kumikibo.

"Nakausap ko kanina si Mr. Guerrero, baka next week ay magawa na ang motor mo. " saad nito. Napatingin ako sa rear view mirror, saktong nakatingin naman silang dalawa

Thirty Seconds Of Courage Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon