ZOXXIEN
"Boypren ka ba ni Ate? " tanong sa akin ng isa sa mga bata
"Kaibigan ko lang ang ate niyo" nakangiting saad ko atsaka pinagmasdan isa isa ang mga batang papalapit sa akin
"Huwag mo siyang aagawin sa akin! Ako ang magpapakasal kay Ate Life" masungit na saad nito. Pigil ang naging tawa ko dahil sa sinabi nito
"Don't worry hindi ko aagawin ang ate ninyo,kaibigan ko lang siya" nakangiting saad ko sa bata
"Hindi ako naniniwala" saad naman nung isa batang babae
"Boypren po kayo ni Ate Temarie!" saad ng karamihan sa kanila.Sa tingin ko ay nasa labing dalawa ang batang nakapalibot sa akin ngayun.
"Ngayun lang po siya nagdala ng kasama niya dito,kaya hindi po ako naniniwala na magkaibigan lang po kayo" saad nung batang lalaki
"Believe me,we are friends not more than anything" iiling iling na saad ko
"Lagi mo po sanang sasamahan si Ate,nalulungkot po kasi kami kapag nakikita namin siyang mag isa" saad nung batang yumakap kay Temarie. Napaka angelic ng mukha nito
"Opo kuya,love po namin si ate Life kaya gusto po namin siyang makitang ngumiti"
'Kahit ang mga bata ay ganito ang sinasabi sa akin.'
"Hmm,parati kong sasamahan ang ate ninyo" tanging saad ko
"Sasamahan mo lang ah!. Huwag mo siyang papakasalan" masungit na anas ng isang bata habang magka cross pa ang dalawang ka may nito
"Sasamahan ko lang ang ate niyo" iiling iling na saad ko
"Promise niyo po iyan?! " masayang anas ng mga ito.Nakangiting tumango lang ako.
"Ang sabi po kasi sa amin nila Sister ay simula ng mangyari iyon kay Ate Life ay naging sobrang tahimik na po ito.Nawala na din daw po ang pagiging masayahin nito" kwento ng isang bata habang nilalaro nito ang taban niyang manika
'Mangyari iyon?'
"Anong--" hindi ko pa naitutuloy ang sasabihin ko ay may biglang nagsalita sa likod
"Mukhang kinukulit ka ng mga batang ito" nakangiting saad nung babaeng may belo sa ulo.Sa tingin ko ay isa ito sa mga Sisters dito.Sa tantya ko ay nasa edad 30 pataas na ito
"Hindi naman po"
"Mga bata pumasok na kayo sa loob,inihahanda na ang hapunan ninyo" saad nito atsaka sumulyap sa mga batang nasa likod ko
"Yung promise mo po kuya" saad nung mga bata atsaka ito isa isang nagpasukan sa loob.
"Makulit talaga ang mga batang iyan" natatawang anas nito "Halika't umupo tayo ,maya maya pa lalabas si Life dahil kausap niya pa si Mother Maria" saad nito atsaka naunang maupo sa kalapit naming upuan.Pinasadya siguro ang upuang ito sa breezeway para sa mga nagbabantay sa mga bata.
"Ako nga pala si Sister Eythel Garcia,ako ang siyang nagtuturo sa mga bata." nakangiting saad nito.
"Anong pangalan mo, iho?""Zoxxien po, Zoxxien Blite Dawzon" saad ko atsaka ako yumuko
"Nobya mo ba si Life?" mabilis akong nag angat ng tingin
"H-Hindi po.Magkaibigan lang po kami" tugon ko
"Ganuon ba" nakangiting saad nito
"Salamat at sinamahan mo si Life na dumalaw dito,ngayun lang siya pumunta dito ng may kasama .Paniguradong matutuwa sina Sister at Mother kapag nakita ka nila" muling saad nito
"Napakatahimik niya simula ng itransfer siya dito,pero hindi siya dating ganuon.Hindi na din namin nakitang ngumiti ang batang iyon." isang buntong hininga ang pinakawalan nito ng sabihin niya iyon
"Sa tingin ko ay dinadamdam niya pa din ang pangyayaring iyon" may lungkot sa boses na saad nito
BINABASA MO ANG
Thirty Seconds Of Courage
Novela JuvenilConfession isn't easy. You might encounter rejections. How can I confess my unsaid feelings? Is thirty seconds worth to risk for? A/N: Binago ko ang BC and also the title. This is a slow paced, don't get bored hehe. (SLOW UPDATE) 8-9 PM UPDATE. DAT...