Ryousuke POV
Nakaramdam ako ng pagyanig ng lupa at nakita ko ang madaling paglipad ng mga Carnivores Bat papaalis sa lugar.
Pumunta agad ako sa pinagmulan nito at nakita ko ang isang Forest Elf na babae na aatakihin na ng isang pulang paniki ito ay Boss type. Pumunta agad ako sa harapan nito bago paman ito tumama sa babae
>>>Arcane Shield
Isa ito sa mga skill ng High Elves. Mabuti nalang at umabot ako
"Ok ka lang ba? Tumayo ka jan at isuport mo ako" sabi ko sa babae
Tumango ito at lumayo ng kaunti sa akin at kumuha ulit ng arrow sa kanyang likuran
May 30 seconds pang natitira bago mawala ang shield na naicast ko. Iniinvite ko agad siya sa party at ini accept niya naman ito.
Nagsimula ng mag crack ang shield ko at kalaunan na basag ito na parang salamin.
>>>Wind Slash
gumamit ng skill ang Boss at umiwas kami dito
Oras na para ako naman
Hime POV
Nabigla ako ng biglang may lalaking sumulpot sa harapan ko at nag cast ng isang High level na Shield sa tinggin ko kahit na hindi ko siya tulongan ay kaya niya na itong talunin. Tumira ang kalaban ng isang at kakaiba ang talim ng hanggin na ito, pinutol nito lahat ng maagip at umiwas kami dito
>>>Double (Speed) (Defence) (Power)
Ginamit ko ang Double kay Ryousuke nalaman ko ang pangalan niya sa dahil sa Party namin.
Mas bumilis si Ryousuke at kinuha nito ang kanyang Staff sa kanyang likod. Mapapansin mo ang mga simbolo nito at ang White orb nito sa dulo.
Nag cast ito ng isang skill
>>>Lightning Drop
Sabi nito at bigla nalang may kidlat na bumagsak mula sa kalangitan at tumama ito sa kalaban. Akala ko tapos na siya, pero nag cast ulit siya ng isa pang skill
>>>Fire Tornado
Bigla nalang nagkameron ng isang Buhawi at nabalot ito ng apoy ito ay tumama sa Boss at tinusta nito ang Boss. Walang bakas ng kalaban, ang makikita mulang ay ang pagkasira ng paligid dahil nadin sa mga High skill na ginawa ni Ryousuke
Nakakatakot mas nakakatakot tong isang to kaysa sa boss
May notification na lumabas
"Congratulation you defeated the boss of this area"
"Blood Bat has been defeated by a party"
"You level up" Lvl 30
Di ako makapaniwala sa mga notification na ito. Lumapit sa akin si Ryousuke
Nakikita ko ang Pangalan niya HP at MP bar at ang huli nito ay ang kanyang lvl
Ryousuke
Lvl 80Hardcore seguro ito, Ilang araw pa inilabas ang larong ito. Lvl 80 na siya agad? Wow lang pero hindi ko na ito tinanong pa
"Pumunta muna tayo sa lugar ko" sabi nito at tumango naman ako dito
May kinuha siyang dalawang blue na crystal sa tinggin ko isa itong Teleportation Stone at binigay ang isa sa akin
"TP ka sa akin" sabi nito at nawala na parang bula
Ginawa ko naman ang sinabi niya
"Teleport to Ryousuke" sabi ko at bigla nalang akong hinigop paitaas at nakita ko ang sarili ko sa loob ng isang bahay
Nakita ko si Ryousuke na naka upo sa isang upuan
"Upo ka dito pag usapan natin ang drop ng boss na iyon" sabi pa nito, sumunod naman ako at umupo
Tiningnan ko ang mga drop nito
Vampiric Set (Rare)
HP/MP Potion Pots
Blood x20
Ito ang mga naka lagay tiningnan ko.naman ang set
Vampiric Armor (Rare)
Vampiric Pants (Rare)
Vampiric Hood (Rare)
Vampiric Ring x2 (Rare)
Vampiric Pendant x2 (Rare)
Vanpiric Earingsx2 (Rare)
Vampire Dagger (Legendary)
Gold 1M
Napako ang mata ko sa Vampire dagger. Ikaw ba naman maka kita ng legendary item diba?
Ang Vampire dagger ay dalawang dagger na magkaiba ang kulay at may sarili din itong mga pangalan.
Ang itim na dagger ay tinatawag na Dracul at ang pula na dagger ay Vlad.
"aham" Pagkuha ng atensyon ko kay Ryousuke. Tumingin ako sa kanya seryoso ang mga mata niya
"Bakit?" tanong ko
"Ganito ang Gold ay hahatiin natin so 500k bawat isa at ang mga Potion ay sayo na" sabi pa nito at sumangayon naman ako
"At ang set?" tanong ko
"Ang ring, pendant at earings ay ating hahatiin. Pero may favor ako sa iyo" Sabi nito
Nag isip muna ako
"Ok bastat makakaya ko. May utang naman kasi ako sayo dahil iniligtas mo naman ako kanina" sabi ko
Ngumiti ito
"Pwede bang akin nalang ang mga set? Wag ka mag alala meron akong item dito na bagay sa iyo" Nagulat ako sa sinabi niya pero tumango nalang ako wala rin naman akong magagawa
Lumitaw ang isang Trade Notification at nanduon ang Earing, Pendant at ang ring. Pati na rin ang HP at MP potion
"Salamat ha, ang tutuo niyan kasi nandon ako sa lugar na iyon para i hunt ang boss na iyon. May pagbibigyan kasi ako nitong set nato. Ah ngapala accept mo ulit yang trade request ko" Sabi nito. Wow Legendary item ibibigay niya lang? Siya na sabi ko sa utak ko.
Tumango nalang ako at ngumiti sa kanya
Iniacept ko ang Trade Request at tiningnan ang mga naka paloob dito
Infinity Bow (Legendary)
Light Huntress Set (Ultra Rare)
Napako ulit ang mata ko. Pangalawa na itong araw na ito na naka kita ako ng Legendary item
"Segurado kaba dito?" tanong ko
Ngumiti ito
"Oo naman, hindi ko naman yan magagamit at syaka pangbabae yan" sabi pa nito habang hinahawakan ang kanyang Staff.
Tumango ako dito pero hindi ko parin ito matanggap
"Pero pwede mo itong ibenta ng malaki" Sabi ko sakanya
"Ok nga lang. Syaka na saakin na rin naman ang Vampiric Set kaya ok lang" sabi nito
Iniaccept ko nalang ito at nag pasalamat sa kanya. Sinabi ko rin na mag lolog out na ako dahil gabie narin at tumango ito sa akin, pero bago yun ini addfriend niya ako para daw makontact niya ako at maka paghunting sa susunod. Nag pasalamat ulit ako sa kanya at nag log out na.
-----End of Chapter 10
Sorry sa mga wrong spell kong meron man
------Instinctive_01