Chapter 9

971 58 0
                                    

Princess POV

----Elder Tree

Nakita ko ang sarili ko sa isang crystal. Puti at mahaba ang buhok ko at ganun parin ang mukha, ang height ko ganun lang din ang naiba lang talaga ay ang buhok ko. Ang lugar kong saan ako naka tayo ay ang tinatawag na Elder Tree ito ang Central Town ng mga Elf race, gaya nga nang pangalan nito isa itong napaka laki at matandang puno ng kahoy at makikita mo ang mga bahay at ibang inspraktura sa paligid nito. Ang nakakahanga dito dahil gabie ngayon dito makikita mo ang buong puno ng kahoy ay umiilaw at sinabayan pa ng mga alitaptap na lumilipad.

Ang suot ko ngayon ay isang simpleng damit at kulay green at puti ito. Tiningnan ko ang inventory ko at nakita ko ang isang Begginer Bow at mga arrow. Iniequip ko ito at dumiretsyo sa isang Merchant stall.

"Pabili ng Begginer HP/MP pots" sabi ko sa merchant at ibinigay naman ito sa akin bumili ako ng tiglilima nito at umalis na dito

Dumiritso ako sa East Gate ng Elder Tree at may notification akong nabasa

"Monster lvl 1-50"

So ang mga monster dito ay kaya ko lang bastat mag iingat lang ako.

May nakita agad akong isang Flying type na kalaban

Carnivore Bat
Lvl 3

Mas malaki ang lvl nito sa akin kaya kailangan kong magingat, pumunta ako sa isang malaking puno at umakyat dito.

3rd Person POV

Hinanda ni Hime ang kanyang Bow at arrow. Dahil nga may class na siya na Forest Elf na likas na magiling sa Archery ay madali na ito para sa kanya.

>>>True Sight

Ang skill na ito ay natatangi lang sa mga Forest Elf. Ito ay katulad ng Hawk Eye na skill

>>>Double

Ang Double naman ay isang Magic Skill, pwede itong gamitin para mas mapalakas pa ang ginawa niyang tira o kanyang Defence, pwede din itong gamitin para mapabilis ang kanyang speed

Ginamit niya ang double na skill sa kanyang bow at arrow para mas ma palakas pa ang tira niya

>>>Straight Shot

Natamaan niya ang kalaban sa dibdib nito at hindi paman nakakabawi ang kalaban tinira niya pa ito ulit at nabasag ito na parang salamin

May lumabas na notification pero hindi ito pinansin ni Hime. Kahit na bagohan siya sa Virtual Game ay kabisado niya na ang mga ganitong bagay. Isa kasi siyang Pro Gamer at kilala sa larangan ng Gaming. Kabisado niya na lahat ng mga ganitong bagay kahit na bago palag siya sa ganitong bagay. Likas na talaga sa kanya ang mga ganitong bagay.

Halos ma ubos lahat ni Hime ang mga Carnivores Bat pero hindi niya inaasahan na hindi niya matatamaan ang isa sa kanyang target.

Bigla nalang nagliparan ang mga Carnivores Bat papalayo sa lugar at kasunod nito ay ang paglitaw ng isang malaking Bat triple ito sa laki ng mga Carnivores Bat.

Blood Bat
Lvl 80
Boss

Natamaan seguro ito ng pana na hindi tumama sa isang Carnivores Bat

Aalis na sana si Hime sa lugar pero bigla nalang siya tinira ng napakalakas na hangin at bumagsak siya sa lupa. Napatingin siya sa kanyang ulohan at nakita ang Boss na lumilipad patungo sa kanya.

----End of Chapter 9

----Instinctive_01

The Ancients Online (TAO)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon