Chapter 8

933 56 0
                                    

Kai POV

Bumangon nako sa kama at inialis ang NerveHelm sa ulo ko.

---3:00 pm

Hapon pa pala, pumunta na ako sa kusina at ng handa ng meryenda at haponan nadin para mamaya. Nang natapos ako kumuha ako ng itim na jacket at lumabas ng bahay. Ang suot ko, slim long pants na white, black converse shoes at isang simpleng black tshirt.

Pumunta ako sa isang convenient store dahil na ubosan nadin ako ng stock ng pagkain sa bahay. Nang matapos ako pumunta na ako sa cashier para magbayad. Wala namang gaanong tao kaya madali akong natapos at ng lalabas na sana ako pero may biglang bumangga sa akin.

"Ano sorry, hindi kasi ako naka tingin sa daan" sabi ng babae sakin

Ngumiti ako dito. Wala namang masakit sa akin

"Hindi ok lang" tugon ko dito habang papaalis na sana

"Hindi iyon ok, hayaan mong ilibre kita" sabi nito habang hila hila ang kamay ko. Sabing ok lang ang kulit din ng babaeng ito. Pero sa huli nahila niya parin ako

Pumunta kami sa park at inilibre ako ng ice cream, sinabi kong ok lang pero mapilit talaga kaya wala na akong nagawa.

"Ano nga palang pangalan mo?" Tanong nito sa akin habang kinakain ang strawberry flavor na ice cream niya.

Tumingin ako sa kanya at tumingin din naman ito sa akin. Ngumiti ito, umiwas ka agad ako sa mga tinggin niya. Hindi ko agad na pansin na ang Ganda pala ng babaeng ito.

"Kai, kai ang pangalan ko" Sabi ko dito

Bumalik ito sa pagkain ng ice cream niya.

"Kai ako ngapala si Princes, nice to meet you" Inilahad nito ang kanyang kamay habang naka ngiti sa akin, tinanggap ko naman ito.

"Hala alas 5 na pala. Mauna na ako Kai salamat nga pala sa oras mo" Sabi nito habang kumakaway sa akin

Kumaway nalang din ako at umuwi na din. Nang naka rating ako sa bahay inayos ko na lahat ng mga pinamili ko at pumunta sa kwarto at nahiga.

Log In

------------------------------------------------------

Princess POV

Ang gaan nang pakiramdam ko kanina kasama si Kai.
Nasa bahay ako ngayon kasama ang pamilya ko, kaya ako umalis ka agad dahil ngayong araw ako mag Lo log In sa The Ancients Online o TAO

Isinuot ko na ang NerveHelm sa ulo ko. Excited na ako dahil first time ko kasi maglaro ng Virtual Game.

Log In

Naramdaman ko na parang hinihigop ang katawan ko paitaas at puti lang lahat ang nakikita ko.

"Welcome to The Ancients Online" Sabi saakin ng isang babae, sa tingin ko, Ito ang sinasabi nilang AI

"My name is Nica, to start please create your character" dagdag pa nito

May lumabas na screen at ang laman nito ay mga imahi ng tinatawag na Race

Human

Elf

Beastmen

Pinili ko ang Elf at sumunod nito ay ang Race

Forest Elf

High Elf

Dark Elf

Nagustuhan ko ang Forest Elf kaya ito kaagad ang pinili ko

"Remember ones you choose your Race and Class you cant change it" Sabi ni Nica na AI

Tumango ako dito at nag ito na ang pinili ko

"Now please type your Character Name" may lumabas na screen at ng type ako

Hime ito ang isinulat ko Japannese word ito ng Princess.

Sinabihan pa ako ng kung ano ano ng AI pero hindi na ako nakinig at maya maya pa ay naramdaman ko ulit ang pakiramdan na hinihigop pa itaas at naramdaman ko nalang ang lupa na aking tinatapakan.

May notification ang lumabas

"Welcome to Elder Tree home of the Elf Race"

-------End of Chapter 8

Binilisan ko lang po ito, kaya wala ang ibang scene sa pag create ng character

-----Instinctive_01

The Ancients Online (TAO)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon