Chapter 3

1.2K 68 1
                                    

Ang natatanaw ni Ky ngayon ay ang Central Town ng mga Human Race

  Great Castle of Kings

Dito sa lugar na ito napupunta lahat ng mga nag Log in na ang race ay Human.

Tiningnan niya ang kanyang bagong anyo sa isa sa mga fountain doon at napagtanto niya na wala namang nag bago sa kanyang mukha ganun parin pero nag iba lang ang kulay ng kanyang buhok at mata ito ay naging kulay itim.

  Ang paliwanag lang dito ay kung anu ang tunay na mukha mo sa Real World ay ganun parin ang mukha mo.

  Nag pasya si Ky na pumanta sa
Begginer Area. Matatagpuan ito sa Timog na parti ng Great Castle of Kings kung saan makikita ang isang malaking puting punong kahoy. Dito ang napag usapan ni Ky at ang kaibigan niyang si Ldan na magkita,
    Madami narin siyang ibang player na nakikita sa lugar. Kaya nag madali na siyang pumunta sa lugar.

Ilang minuto pa ay natatanaw na niya ang Malaking Puting Kahoy.
    Gaya nga ng  pangalan ng puno Puti ang kahoy na ito at kapansin pansin ang mga maliliit na kulay pink na mga bulaklak nito.

Nakita ni Ky ang isang lalaki at kapansin pansin ang taenga nito na patusok.

   Seguro isa itong Elf at sa suot nito na kulay gold at pula ay isa siyang High Elf. Mapapansin din ang kutis nito na maputi at kulay ginto na mahabang buhok para talaga itong elf sa mga Movie.

Napansin ng Lalaki si Ky
  at ito ang ikinagulat niya ang High Elf Pala na nakita niya ay ang kaibigan niyang si Ldan at ang IGN ( In Game Name) ay Ryousuke

"Tol ikaw pala yan" Sabi ni Ryousuke habang nakangiti

"Oo, kanina ka pa ba?" Tanong ni Ky sa kaibigan

Umiling naman ito

"Hindi bago lang" Tugon nito

"Oo ngapala. Diba dapat nasa Central City ka ng mga Elf gaya mo?" Dagdag pa na tanong ni Ky sa kaibigan

   Ang bawat race ay may kanya kanyang City tulad ng sa Human Race ito ay ang Great Castle of the Kings ito ay matatagpuan sa Hilagang bahagi ng ANCIENTS map, sa Kanluran ang Central City ng mga Elf na tinatawag na Elder Tree at sa Silangan matatagpuan ang Central City ng mga Beastmen, tinatawag itong City of Hybrid

    Umupo si Ryousuke sa isang bangko malapit sa White Tree at sumunod naman si Ky dito

"Yun ba?May TP (Teleport Scroll) kasi ako nakuha ko ito sa Beta Testing pero yun lang ang meron kaming mga Beta Tester, para yung Gift na din sa amin.  Hindi ko nga pala na sabing Beta Tester din ako" sabi ni Ryousuke

Hindi nga nabanggit ni Ryousuke ito kay Ky. Pero hindi na nagulat si Ky dahil sa yaman nito at hardcore sa mga game ay hindi na ito posible sa kaibigan.

  Tumango nalang si Ky dito

"Ngapala baka may itatanong ka tungkol sa Game" sabi nito kay Ky

Ngumiti naman si Ky, Alam ni Ky na madaming alam itong si Ryousuke about sa Game dahil isa nga siya sa mga Beta Tester kaya meron itong alam na hindi alam ng ibang player.

"Gusto kung itanong kung bakit Ancients ang tawag sa larong ito?" Unang tanong ni Ky sa kaibigan

  Tumango si Ryousuke at nagsimula nang mag kwento

    Ang mundong ito ay tinawag na Ancients dahil sa mga lugar nito, mapapansin ang mga malalaking puno ng kahoy na tila ba ilang daang taon ng nabubuhay at sa mga naka ukit sa mga gusali na tinitirahan ng mga NPC (Non Player Character). Ang mga mamayan din ng The Ancients Online o NPC ay tinatawag na Ancients.

"Ganun pala." Sabi ni Ky ng matapos ng mag kwento ni Ryousuke

"May gusto ka pang malaman? o kaya mag explore tayo at mag pa lvl. Ano? Madami akung alam na safe zone" Sabi ni Ryousuke at pag iimbita dito. Pero umiling lang si Ky

"Wag na, ako ng bahala sa sarili ko at syaka unclass pa ako. Eh ikaw High Elf kana agad" sabi nito sa kaibigan. Tumango naman si Ryousuke bilang pagsang ayon

"Sigeh, basta kung may tanong ka sabihin mo lang sa akin" Sabi nito habang ng hahanda ng umalis

Ngumiti si Ky at tumango

   Biglang may Lumabas sa harapan ni Ky na Screen

"Ryousuke wants to addfriend you"
      Kasabay nito ang paglabas pa ng isang screen "Yes" or "No"

   Klinick agad ni Ky ang Yes

"Ryousuke is know added to your Friend List" Dagdag pa ng isang screen

  Nagpaalam ang dalawa sa isat isa at naglibut libot muna si Ky sa Begginer Area.

   Tiningnang ni Ky ang kanyang mga stats, sa pamamagitan ng pag kampay ng kanyang kanang kamay sa hangin lumabas ang isang screen indicate his character

Name: Ky
Lvl: 1
Race: Human
Class: none
Health: 100
Mana:100
Attack: 15
Defence: 10
Strenght: 12
Agility: 12
Vitality: 10
Dexterity: 10
Wisdom: 10
Intellect: 10
Luck: 0
Endurance: 15
 Tittle: none

Balance lang talaga ang mga stats ng isang Human race. Nang matapos niya na itong tingnan ay nagpatuloy siyang magtingintingin sa paligid.

   Napadpad siya sa isang Building kung titingnan sa labas mukha lang itong simple pero pag pasok mo sa loob makikita mo ang napaka lawak nito na lugar

"May kailangan ka ba bata?" Tanong ng isang NPC na lalaki tumingin si Ky dito

"Gusto ko sanang subokan ang archery" Sabi naman ni Ky, habang naka tingin sa NPC

Ngumiti ang NPC na lalaki

"Oo naman welcome ka dito" sabi ng NPC

"NPC Gregory give you a common Bow and common arrow" Ito ang naka lagay sa screen at ini accept naman ito ni Ky, pagkatapos ay Ini equip niya na ito. Ngayon ay nasa kamay na ni Ky ang isang kahoy na Bow at 30 pc na wooden arrow ang naka sakbit sa kanyang likoran.
   Nagsimula na siyang maglakad papunta sa field at inihanda ang pana. Kanya itong itinutok sa isang Dummy at binitawan ang palaso natamaan naman ito sa bandang gilid ng tiyan, kanya ulit itong ginawa.

Bawat dummy ay 10 meters ang layo
at nag iiba ito habang tumatagal. Hindi pa nagtagal natamaan ni Ky lahat ng Limang dummy sa ulo nang magkasunod sunod at may notification ang lumabas

SP (skill points): 10

Bow Mastery: Lvl 1

    Increase in attack power (plus 30 in Attack)
    
  Increase in Dexterity (plus 5 in DEX)

Increase in Strenght (plus 5 in STR)

Increase in Vitality (plus 5 in VIT)

Napangiti naman siya sa kanyang nakita. Dahil hindi na sayang ang kanyang oras sa pagpunta sa lugar na ito.

Nagpasya si Ky na mag log out na sa game at bukas nalang ulit tutuloy.

----End of Chapter 3

  Sorry po sa mga Type Errors :-)

Salamat nga po pala sa mga nag read na nito kahit walang votes D

                -----Instinctive _01

The Ancients Online (TAO)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon