Chapter 14

1K 52 0
                                    

Ky POV

---Great Castle of Kings

"Wow, ang angas ng set nya"

"Sino siya?"

"Ky ang IGN, naka hide ang lvl nito siguradong malakas siya galing ng hiddeng skill" Ito ang mga naririnig ko sa ibang player na nakakakita sa akin. Pumunta na ako sa White Tree kong saan kami nagkita ni Ldan o Ryousuke sa Virtual Game na ito

Nakita ko silang nag uusap at iba na ang mga suot nito sa una naming pagkikita at nakikita ko din ang isang Assasin ito na seguro si Kirby ang angas ng set niya at kapansin pansin ang twin dagger nito, ito na seguro yung sinasabi niyang Legendary Item na binigay ni Ryousuke. May kasama din silang isang babae na hindi ko kilala, isa itong Forest Elf nakasuot ito ng Puti at pulang damit. Kakaiba din ang Bow nito na naglalabas ng puting aura. Lumapit ako sa kanila

"Tol!" Sigaw ni Kirby oi Kim sa Virtual Game

Kumaway naman ako sa mga ito

"O nandiyan ka na pala" Sabi naman ni Ryousuke

Tumango ako

"Ngapala si Hime" Dagdag pa ni Ryousuke at tumingin naman ako sa babaeng Forest Elf .

"Princess!?" "Kai!?" Sabay naming sabi at tumawa. Parang baliw lang

"Magkakilala kayo?" Sabay namang sabi ni Kim at Ryousuke

Tumango kaming dalawa at kwenento ni Princess kong paano kami nagkakilala

"Ganon pala" Sabi ni Kim

"Ngapala may alam akong Dugeons, at nan dun ang isang Ancients Weapon" Sabi ni Ryousuke

"Paano mo nahanap?" Tanong ni Kim

Ngumiti naman si Ryousuke

"I have my source" Nakakalokong pagkasabi ni Ryou

"Ano tara?" Sabi ni Hime

"Party muna tayo" Sabi ko naman at ininvate kami ni Ryou na siyang Party Leader

Naglabas si Ryou ng isang malaking blue teleportation stone. Isa itong party TP na kayang mag teleport ng Anim na katao

"Teleport Death Forest" Sabi ni Ryou at kasunod nito ay ang pakiramdam ng hinihigop paitaas.

"Ano ba tong lugar na to?" Sabi ni Hime

"Ito ang tinatawag na Death Forest. They said na ang lugar na ito ay isang magandang lugar na puno ng punong kahoy at ibat ibang kulay ng mga bulaklak pero tinggnan niyo naman ang nangyari" Sabi ni Ryou

"Ano kaya ang nangyari dito?" Tanong ni Kim

"Ang boss ng lugar na ito na matatagpuan sa puso ng gubat ang gumawa nito" Sabi ni Ryou

"Magsimula na tayo. Kim mauna kana i clear mo ang daan" Sabi ko dahil bagay itong trabaho sa kanya

Tumango naman si Kim at nawala mayamaya pa ay naka rinig kami ng mga pagsabog at tulad ng sinabi ko clinear niya ang lugar nagtungo na kami sa gitna ng lugar.

Skeleton
Lvl 60

Ito ang mga kasagarang mobs na makikita dito. Mahina ang mga defence nito pero mabilis itong kumilos.

Apat hanggang limang normal hit ang kailangan para matalo ang mga.

Madali kaming natapos sa pagtalo ng mga ito at kami ay nagpatuloy.

"May naririnig ako. Mga yabag papunta sa dito sa atin" Sabi ko at kami ay naging alisto

"Tulong!" Sigaw ng babae

Mayamaya pa ay nakita na namin ang babae at sa likod nito ay mga mobs na Skeleton madami ang naghahabol dito

>>>Hawk Eye

>>>Piercing Shot

>>>Multi Arrow

Iniactivate ko ang mga skill na ito at pinuntirya ang mga skeleton mobs

>>>Enchant (Speed)

Ginamitan ko naman ng speed enchant ang babae para mabilis itong makatakbo ng makadating ito sa amin nag cast ng isang AoE si Ryou at inubos ang mga mobs

>>> Thunder's Wrath

Isa itong skill na kilala sa lakas nito at isa itong High Skill Spell

"Salamat sa tulong" Sabi ng babae habang naka yuko. Isa siyang Healer at kapansin pansin ang wings ng isang angel sa kanyang ulo. Average height lang ito at inaamin ko cute din siya.

<<Yang>>
<<<Lvl 75 >>>

"Wala yon pero anong ginagawa mo dito?" Tanong ko

Yumuko ito

"Hala ka pinaiyak mo" Sabi ni Kim

Sinapak ko naman

"Wag ka ngang magulo Kim" suway ni Hime. "Anong nangyari?" Dagdag pa ni Hime habang hinawakan nito ang kamay ni Yang

"May kasama ako isa siyang Dark Elves, Pumunta kaming dalawa dito dahil may item kaming gustong makuha, pero may isang itim na bagay ang lumulutang at bigla nalang kaming inataki at sa kasamaang palad na 1 hit kill siya nito. Tumakbo ako ng tumakbo at hindi ko namalayang na lure ko pala ang mga mobs na iyo" Sabi nito

"Ano yong item na gusto mong makuha?" Tanong ko

"Isa itong Ultra Rare na Katana at makukuha lang ito pag natalo ang Boss ng lugar na ito" Sabi naman ni

"Ganito i huhunt namin ang boss ng lugar na ito at kailangan namin ng healer at makhang maasahan ka naman sa bagay na iyon" Sabi ni Ryou na sinangayonan namin "Syempre ang kapalit nito ay ang item na gusto mo" Dagdag pa nito

Ngumiti naman si Yang

"Akong bahala sa pag heal" Masayang Sabi nito

Ininvite namin siya sa party at dahil alam niya na kong saan makikita ang boss ay itinuro niya sa amin ang daan

----End of Chapter 14

-----Instinctive_01

The Ancients Online (TAO)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon