" Kai may bibigay ako sayo mamaya sa bahay punta ka ha?" Sabi sakin ng kaibigan kong si Ldan habang naka tingin sa kanyang htCP (HighTech CP)
"Ano naman ang ibibigay mo? baka may gawin ka nanamang kalukuhan at madamay pa ako" tugon ko sa kanyaNgumiti ito sa akin. Alam ko ang ibig sabihin ng ngiting iyon may binabalak nga siyang kabaliwan nanaman.
"Wag ka mag alala iba to, na rinig mo na ba yung bagong Virtual Game na The Ancients Online o mas kilala sa tawag na TAO?" Tanong nito sa akin habang naka ngiti parin
Alam ko ang Virtual Game na iyon dahil kahit hindi pa ito isinasa publiko ay madami ng gustong bumili ng Game Chip nito dahil nadin sa kakaibang larong ito. Sikat ang larong iyon dahil na din sa kakaibang mga features nito.
"Oo alam ko ang Virtual Game na iyon" tugon ko sa kanya
Mas lumapad ang ngiting na sa labi ng kaibigan ko.
"Baliw na ata ito eh" sabi ko sa isip ko
Nagsimula na siyang ayusin ang kanyang gamit at tumayo
"Kung ganun, pumunta ka sa bahay mamaya at may ibibigay ako sayo." Sabi nito habang mabilis na umalis sa harapan ko.
Hai anu naman kaya ang ibibigay ng isang yun.?
Nagsimula na rin akung ayusin ang gamit. Maaga pa naman 4:30 pa pala sa hapon nagsimula na akung maglakad pa uwi ng maka salubong ko ang hinahangaan ng lahat ng studyante sa amin si Princess o mas kilala sa tawag na Archer Princess sa galing nitong pumana karapatdapat lang siyang tawagin sa pangalang iyon hindi lang yun may taglay din siyang kagandahan.
Dumating ako sa bahay ng saktong alas 5:00 sa hapon at nagsimula ng gawin ang mga dapat kung gawin.
Nag iisa nalang ako sa buhay wala akung mga magulang namatay sa isang car accident. Pero hindi yun hadlang para hindi ako mabuhay, tinulungan ako ng aking untie Ellis na makabangun, siya ang nag paaral at nag aruga sa akin.
3rd Person POV
Nang matapos na ang lahat ng kawain sa bahay ay nag pasya na si Kai na pumunta sa bahay ng kaibigan na may gustong ibigay.
Linakad niya lang ito, malapit lang naman, ilang kanto lang ang layo sa kanila.
"Tao po" sabi ni Kai habang kumakatok sa pinto ng bahay ni Ldan
Ng walang anu ano ay bumukas ito at ilinuwa ang kaibigan niyang naka ngiti
"Laki ng ngiti mo ah, pag ikaw may kalukuhan nanamang gagawin at na sama nanaman ako. Lagot ka talaga sa akin" Pagbabanta nito sa kaibigan
Umiring iring naman ito
"Hindi, Iba to! Tara pasok ka muna at kukunin ko pa sa kwarto ko yung ibibigay ko. Alam ko namang pupunta ka talaga dito" sabi ni Ldan habang nakangiti
"Oo na kunin mo na at nang maka alis na ako" tugon naman nito habang umupo sa isang sofa.
Mayaman sila Ldan, kilala ang pamilya nila sa mga gadgets na likha nila isa na doon ang htCP (HighTech CP).
Hindi ko nga alam kong paano ko naging kaibigan ang isang yun sa yaman nyang iyon. Sabi ni Kai sa kanyang isipan
Mayamaya pa ay dumating si Ldan na may dalang dalawang box
"At ito ang ibibigay ko sayo" sabi ni Ldan kay Kai na nakatulala lang
"Hoi tulala ka diyan? Gulat ka ano" dagdag pa nito habang may kasamang pang aasar." Baliw sinong tao ang hindi magugulat sa daladala mong yan!?. Eh hindi pa nga yan isinasa publiko pero meron ka na niyan" Sabi nito kay Ldan na naka ngiti parin
Ang dalawang bagay lang naman na hawak ni Ldan ay ang NerveHelm at ang hindi pa inilalabas sa mga tao ang bagong Virtual Game ang Chip ng The Ancients Online
"Kai anu ba? Hangang ngayon ba hindi mo pa ako kilala? Madami kaming koneksiyon sa mundo kaya madali lang ako makakakuha nito"
Sabi ni Ldan habang naka ngiti parinPero na isip na ni Kai ang posibilidad na iyon. Ma implowensya ang pamilya ng kanyang kaibigan.
Tulad ni Kai nag iisa lang din ang kaibigan nitong si Ldan minsan lang umuwi ang kanyang mga magulang, dahil na rin sa trabaho.
"Pero bakit mo naman iibigay sa akin iyan?" Tanong ni Kai sa kaibigan
Umupo ito sa Sofa at nag utos sa isang maid sa bahay na dalhan sila ng makakain
"Alam mo, Gusto kong makasama ka sa Larong iyan." Sabi nito
Tumango naman si Kai, pagnagkataun 1st time nito sa isang Virtual Game
"Kaylan ba ito ilalabas sa publiko?" Tanong ni Kai sa kaibigan.
Napa iling naman ang kaibigan
"Hindi mo alam? Bukas na ang labas nito at sa alas 5:00 sa hapon ang openning nang Game" sabi nito
Tumango nalang si Kai sa kaibigan.
Sabado naman bukas kaya ok lang sabi ni Kai sa kanyang isip
Dumating ang maid na may dalang sari't saring pagkain at inilagay sa isang lamisa
"Kumain muna tayo. Gutom na.ako eh, wala pa akung kain" Sabi ni Ldan sa kaibigang umi iling iling
At nagsimula na silang kumain ng matapos nag paalam na si Kai sa kaibigan at nag pasalamat sa bigay nito.
"Kita tayo bukas sa Beginner Area sa may malaking puting kahoy" sabi nito habang Kumakaway sa kaibigan
Kumaway nalang din si Kai sa kaibigan habang mabilis na umalis at ng makarating sa kanyang bahay na tulog na agad ito, dahil narin sa antok at pagod.
Kinaumagahan, maagang bumangon si Kai sa kanyang higaan at ginawa ang kanyang daily routine
"GoodMorning! Madaming excited na teenager at kahit pa may edad ay pumipila ngayong araw dito sa Supreme Game Industry, dahil ngayong araw na ito pwede niyo nang mabila ang Chip ng bagong laro na The Ancients Online" Sabi ng isang reporter sa tv.
Ang daming taong nakapila para lang maka bili ng Chip nito. 10,000 chip lang ang ilalabas sa buwang ito at sa susunod na ulit ang iba pa, kaya madaming gustong makabili agad nito. Buti nalang at meron na siya nito.
Ang mga beta tester naman ay may libreng The Ancients Online Chip
kaya swerte ang mga ito.Nang kinahaponan, oras na para mag Log In sa larong The Ancients Online. Ilang minuto pa ay magsisimula na itong buksan
Inihanda na ni Kai ang kanyang NerveHelm at kanyang kinonect sa isang Monitor at isinaksak ang TAO Chip.
---5:00 pm
"Oras na" sabi ni Kai na may pagka excited
End of Chapter 1
----Anu po ang masasabi niyo? Comment and Vote :-)
At sorry po sa mga Type Error :-)
1st time ko lang po talaga ito------ Instinctive_01