Chapter 13

1K 58 0
                                    

Ky POV

Sumirado ang pintuan at sunod nito ay ang pag ungol ng isang nilalang

Dark Night "Angelo"
Epic Boss
Lvl???

Kasing laki lang ito ng normal na tao at ito ay may suot na itim na armor. Mahirap ito sa mga unang nakalaban ko sapagkat pag nakaharap ka ng isang kalaban na tao at may pangalan pa. Ito ay mga special type na boss.

"Anong ginagawa mo dito?" Sabi nito sa malalim na tinig

Nakakapagsalita pala ito

"Nandito ako para talunin ka" Sabi ko naman. Hindi ko ipinakita ang nararamdaman kong takot, ngayon ko lang talaga ito naramdaman

"Kung ganon gusto mong makuha ang Forbidden Class na iyon" Sabi pa nito na may ngiti sa mata

"Forbidden?" Nalilito kong tanong

"Forbidden sapagkat ito ay pinagbabawal gamitin dahil na din sa taglay nitong kapangyarihan" Sabi nito "Gusto mo bang makuha pa ito" Dagdag pa nito

Ngumiti ako

"Kailangan ko ng kapangyarihan" Tipid kong sabi

"Kong ganun, Lalabanan mo nga ako" Sabi nito at bigla nalang akong nakaramdam ng matinding pagkatakot at ng tumingin ako sa kanya ito ay nababalot ng itim na aura

>>>Death Aura

Napakalaki niya kong titingnan. Dahil na din siguro sa kanyang Death Aura.

Mas lumakas pa ito at napa upo ako sa sobrang bigat ng aking narardaman

"You are under the effect of Death Aura"

May notification ang lumabas at ang Indicator ng Virtual screen ko ay pumupula

Napangiti ako ngayon ko lang na experience ito

>>>Fighting Spirit

Iniactivate ko ito

"Ha! Nakatayo ka pa pala. Magaling pero hindi mo ako matatalo sa lakas mong iyan" Sabi nito at mas lumakas pa ang effect ng aura nito sa akin. Na paluhod ako

"Gumalaw ka, tumayo ka" Sabi ko sa isipan ko

>>>Bloodlust

Ito yung skill na nagamit ko sa Forest Guardian at 1minute akong vulnerable dahil sa skill na ito.

Nakatayo ako ng walang kahiraphirap at tuminggin sa kanya

"Oh, ang skill na iyan. Ang Bloodlust isang tao lang ang alam kong kayang gawin yan ah hindi ngapala siya isang tao" Sabi nito

"Hindi kita na naintindihan" Sabi ko dito

Ngumiti ito at nawala bigla ang aura nito sa kanyang katawan

"Ang skill na iyon ay pagmamay ari ng God of Death pero hindi ko na sasabihin ang iba pa, sapagkat madami ka nang nalalaman" Sabi nito at tumalikod sa akin

May isang bagay ang lumitaw mula sa kawalan at kinuha ito ni Angelo

"Ito ang kailangan mo para makuha ang class na hinahanap mo" Sabi nito at bato sa akin ng isang cube na bagay meron itong mga naka okit na larawan pero hindi ko ito maintindihan

"Class Artifact" ito ang nakalagay dito

"Magpalakas ka bata at hihintayin kita. Magkikita pa tayo" Sabi nito at bigla nalang nawala

Nawala ang liwanag ng lugar at na balot ito sa kadiliman pero ok lang ito sa akin dahil na din sa skill kong Hawk Eye

Tumayo na ako sapagkaka luhod at umalis na sa lugar na iyon

----Sacred Ancients Ruins

Nakita ako ng matandang elf

"Buti naman at naka balik ka bata" Sabi nito na may ngiti

"Oo nga po, malapit na ako kanina pero binigay niyo po ito" Sabi ko sa kanya at pinakita ang Class Artifact

"Ito nga ang kailangan natin. Pero bakit niya ito binigay ng ganon lang?" Sabi nito na may pagtataka

"Pero ganon paman po isa siyang napaka lakas na nilalang" Sabi ko na sinang ayunan ni tanda

"Ano nga po pala ang pangalan niyo?" Tanong ko dito

Ngumiti ito

"Patawad iho kong hindi ako naka pagpakilala agad. Ako si Elder Ignacio isa akong High Elf at ang nagdala sa iyo kanina ay ang aprentice kong si Luan" Sabi nito habang tinuturo ang lalaking nagdala sa akin kanina

"Akin na ang Class Artifact at para maumpisahan na natin" Sabi nito

Ibinigay ko naman ito. Nang nabigay ko sa kanya ito ay bigla itong nagliwanag at naging isang scroll na may mga naka ukit na salita

"Ito ang scroll of class isa itong ancient scroll na ginawa ng mga ninuno naming Ancients para i seal ang mga class na ito sapagkat ang mga class na ito ay lubhang makapangyarihan" Sabi nito napinagtaka ko

"Kong ganon po meron pang ibang katulad nito?" Tanong ko

Tumango ito

"Meron pang iba nito pero lahat ng ito ay mga naka seal at gaya ko lang na elder ang kayang i unseal ito" Sabi nito na tinanguan ko

"Akin na lahat ng mga Pendant na binigay ng mga pinuno ng bawat training hall sa iyo" Ang tinutukoy ni Elder Ignacio ay ang mga pendant na binigay sa akin ng mga Instraktur ng matutunan ko lahat ng mga skill ng bawat class. Ibinigay ko naman ito sa kanya at kanya itong ipinatong sa scroll at nangpagkalagay nito sa scroll ito ay nagliwanag at kasunod nito ay ang paglabas ng isang white orb

"Kunin mo" Sabi sa akin ni Elder Ignacio

Kinuha ko ito at bigla itong inabsorb ng aking katawan. Sa una wala akong na fell na kahit ano pero bigla nalang sumakit ang aking kanang braso at ng tiningnan ko ito lumabas ang isang marka. Ang mga marka nito ay mga sandatang pumapalibot sa isang bilog na bagay

"Congratulation you obtain a unique class" isang notification ang lumabos

"Isa ka nang Master Shifter" Sabi ni Elder Ignacio

(Master Shifter)
---->

Napangiti ako at tiningnan ko ang aking mga stats at mga above normal na masyado at tiningnan ko ang mga notification ko at nalaman na max lvl na pala ako at kasunod nuon ay ang pamama alam dito at pagsabing babalik pa ako, umalis na ako at nag log out.

----Real World

Kai POV

"Ganun pala may mga hidden class ang nakatago" Sabi ni Kirby

"Oo nga eh pero mas nakakapagtaka ay ang Special AI na iyon. Isang Dark Knight, hindi pa ito sinasabi sa TV at kahit isang broker ay hindi ito nalalaman." Sabi ni Ldan

"Pero guys may sasabihin ako sa inyo. Alam niyo ba ang tungkol sa Ancient Weapon?" Tanong ni Ldan

"Oo alam ko ito. Ito ay mga Weapon na kailangan para mabuksan ang isa pang Dimension" Sabi ni Kirby

"Nabasa ko narin iyan sa internet"Sabi ko naman

"Kailangan natin itong makuha guys. Hanapin natin ito" Sabi ni Ldan na sinangayunan namin.

Natapos ang pag uusap namin at napagkasunduan namin na mag log in ngayon at magkita sa white tree ng Great Castle of Kings

------End of Chapter 13

A/n: Wala pa po akong ma lagay na descrption ng class

-----Instinctive_01

The Ancients Online (TAO)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon