Chapter 12

1K 53 0
                                        

Kai POV

   Kwenento ko sa kanila kong paano ko nakuha ang class na ito

  ------Flashback

Natutunan ko na halos lahat ng mga class ng human race at ang last na nito ay ang class ng assasin. Pumunta ako sa isang assasin training hall para matuto ng mga skill nito at gaya ng ibang Class natutunan ko agad ito sa loob ng isang araw at nag lvl up ako na 60 nagpasalamat ako sa NPC na namumuno dito at umalis na sa lugar. Naramdaman kong may sumusunod sa akin kaya binilisan ko ang paglalakad at tama nga ang hinala ko may sumusunod sa akin

>>>Hide

Skill ito ng assasin, Ang skill na ito ay tinatago niya ang user nito kasama na rito ang kanyang presensiya

"Asan na iyon? Nawala" Narinig kong sabi ng sumusunod sa akin

>>>Zoom

Nalipat bigla ako sa likod ng sumusunod sa akin

"Bakit mo ako sinusundan?" Tanong ko sa kanya na kanya namang ikinagulat

Ngumiti ito sa akin

"Ano kailangan mong sumama sa akin" Sabi nito na pinagtaka ko

>>>Call Home

Nag cast pala ito ng skill at nakita ko nalang ang sarili ko sa isang lugar na puno ng malalaking kahoy at sa gilid nito ay may lawa at matatagpuan ang isang bahay sa taas ng isang hindi kalakihang puno

"Asan tayo? San mo ako dinala" Tanong ko at inihanda ang aking Guardian Sword

  Pinagpawisan naman ito. Pero bigla nalang bumukas ang pintuan ng bahay at tumanbad ang isang matandang Elf

Kanina ko pang napapansin na wala itong mga icon sa taas nila o kaya naman ay name o lvl kaya naghinala na agad ako. Ang mga nasa harapan ko ngayon ay mga Special AI ito ay mga AI na may sariling pag iisip at emotion

"Wag kang mangamba"Sabi nito sa akin at nakinig dito mukha namang hindi masasama itong mga ito.

"Asan po ako?" Tanong ko sa matanda

"Nandito ka sa Sacred Ancients Ruins ito ang lugar kong saan ang dating matayog na Bansa ay naka tayo" sabi nito at hindi ko agad napansin ang mga Ruins ng mga sirang bahay at ilang gamit

"Bakit ako nandito?" Tanong ko ulit

Ngumiti ang matanda

"Bakit ka nga ba nandito?" Sabi nito na ipinagtaka ko
"Nandito ka dahil na master mo ang lahat ng class ng Human Race" Lalo akong nagtaka sa sinabi niya

"Sabihin mo bata wala ka pang napipiling class ano?" Tanong nito na siyang tinanguan ko

"Kung ganon may isa akong alam na Class ang nababagay sa iyo. Hindi ito pangkaraniwan at iisang tao lang ang makaka kuha ng class na ito" Sabi nito nakuha ng matanda ang interes ko

"Pero bago iyon kailangan mo munang matalo ang nagbabantay sa lugar na ito" sabi nito

"Gusto mo bang subukan?" Tanong pa ulit nito

Quest SS

"An Old elf request you to defeat the guardian of this area" Isa itong quest at SS pa seguradong mahirap ito pero kahit na ganun iniaccept ko parin ito

"Reward (Shifter class)" ito ang last na lumabas sa aking notification

Shifter? Shifter class? nagtaka ako sa reward na ito dahil wala naman ang class na ito sa mga class ng isang Human. Pero kahit ganon paman hindi na ako nagtanong

The Ancients Online (TAO)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon