Chapter 9
ILANG taon ang matuling lumipas. Ang lahat ng barkada niya ay naging abala sa trabahong napili nila kaya minsan sa lamang silang nagkikita.
Nagkaroon lang ng konting paglihis ng landas si Sid. Sikat na siya ngayon, hindi bilang isang direktor kundi bilang isang aktres. Naalala pa niya nung mabigyan siya ng music video project ay nakita siya ng isang producer at nagsabing mas maganda kung makikita siya sa harap ng camera.
Aminin niya rin na hindi maganda ang career niya bilang isang direktor, dangan kasing marami pang batikang direktor sa bansa. At naniniwala pa rin ang mga producer sa mga nauna ng direktor. Gusto man niyang patunayan ang sarili bilang direktor ng makabagong panahon, wala naman siyang magagawa kung walang magpoproduce ng kanyang mga proyekto.
Kaya naman tinanggap na niya ang offer nito na maging artista, at least hindi na niya kailangan pang mag audition. At sa dami ng mga taong gustong mag artista, maswerte na siya at siya ay napili. At iyon na ang naging simula ng kanyang showbiz career.
Nagsimula sa commercials at maraming endorsements, nabigyan siya ng break sa pelikula na ikinapanalo niya ng awards. Kaya naging kabi-kabila ang offers niya. Masasabi na ring isa na siyang in-demand artist.
Kahit minsan ay tumatanggap pa rin siya ng trabaho sa likod ng camera. Nagdidirek na rin siya ng commercials at music videos. May ilan rin siyang TV appearance pero mas binibigyan niya ng pansin ang pag arte sa teatro.
Kahit ano pang malinis na paraan, napagtagumpayan naman niya ang isang bagay. Ang maging good provider sa pamilya. Maayos na ang buhay ng kanyang pamilya pati na rin ng kanyang Kuya. Tumutulong rin siya sa pagpapaaral ng kanyang mga pamangkin. Nakatutulong rin siya sa foundation na nagpaaral sa kanya noon. Meron rin siyang naipatayong Bakery.
“Hello?” bati niya sa kabilang linya.
“Ei, Sid” Si Ruth pala ang tumatawag. “Loka, sikat ka na talaga ngayon ah.”
“Loka ka talaga, napatawag ka?”
“Ah, oo nga pala. Kelan ka libre? Magkita naman tayo.”
“Ngayon, nasa office ka ba? Puntahan kita.”
Kahit hindi siya bilib sa kasikatan at makakaalis pa rin siya ng mag isa, hindi naman iyon pinayagan na hindi siya masamahan ng kanyang Personal Assistant.
“O, nasaan ang kotse mo?” tanong agad ni Ruth, nakita niya kasi sa bintana na inihatid lang ang kaibigan.
“Nasira eh.” Sagot niya, bumangga kasi ang sasakyan nito nang minsang may makaengwentro siyang stalker. “Ano bang atin?”
“Dahil dito” sabay lahad ng isang envelope.
“O, galing sa PSA, alam na ba nila?” tanong niya matapos itong mabasa.
“The truth is, ikaw na lang ang hindi”
“Wow, updated pala ako.” Biro niya. “So, anong plano?”
“Sa Sunday paguusapan, makakapunta ka ba?”
“Sure.” Sagot niya agad, alam naman niyang wala siyang masyadong commitments. Katatapos lang kasi ng malaki niyang project.
Ang nakalagay sa envelope ay isang invitation mula sa Alumni Association ng kanilang paaralan. Humihingi ito ng tulong upang makapagbigay ng scholarship .
LINGGO. Buong klase ay naroon sa bahay ni Ruth. Animo’y isang reunion. Maliban nga lang sa isang tao, si Vince. Hindi na niya alam ang nangyayari rito dahil wala silang personal na komunikasyon. Siya ang nagpasya. Minsan na itong nag email sa kanya pero ni minsan hindi siya nag keep in touch. Ang alam niya, isa na itong sikat at in demand na direktor sa Amerika.
“Miss, pa-autograph” biro agad ni Jonard pagdating kasama si Missy na noon ay girlfriend na niya.
“Pwede, kung meron ka man lang sanang lapis at papel.” Ganting biro naman niya.
“Hahaha..nadale mo ko dun.” Natatawa namang sabi nito.
“Sira ka talaga,” at nakipagbeso na sa kanya ang mga bagong dating
“Okey, let’s get it started.” Si Ruth na tumatayong lider nila, katulad ng dati, ang nakapagpapatahimik sa kanila.
“Since, we are all from a movie industry” panimula niya. “Naisip kong gumawa ng pelikula, at ang proceeds, of course, mapupunta sa foundation.”
“Magiimport ba tayo? I mean kukuha ba tayo ng mga artista?” Si Beth ang nagtanong.
“Mas mabuting huwag na. Marami naman tayo, we can all act.” Sagot ni Ruth. “And besides, the associaiton prefers a cheaper project as possible.”
“Teka, baka naman hindi mag click, we all work behind cameras. Sinong magaaksaya ng pera para panoorin tayo?” Nag aalalang tanong ni Hans.
“Well, if that’s the case, magaambag tayo para idonate sa foundation.” Kaswal na sagot nito. “Well, don’t worry that much. Movies are not always about the actors.”
“Okey, it’s settled then.” Biglang singit ni Sid na noon ay nakikinig lang. “E di ako na ang direktor”. Sa wakas, ito na ang chance niya na makapagdirek ng isang pelikula.
“Ano?” halos sabay na tanong ng lahat na tanda ng hindi pag sang ayon.
“Bakit?” ganting tanong niya. “Wala si Vince at sino bang next best director, hindi ba ako?” pagmamalaki niya kahit pa alangan.
“No no no no.” pagtanggi ni Ruth.
“OA sa pagtanggi sis ah.” At nagbiro pa siya.
“Why would you think we’ll let you work behind the camera?” mataray na palatak ni Ruth. “Best actress ka diba? You also proved it to the country.”
“Teka, pati ba naman kayo walang bilib sa pagdirek ko?” pagtatampong sabi niya.
“No sweetie, it’s just that you are more effective as an actress. You are the face of this project.” Si Missy na sadyang pinalambing pa ang boses para hindi na siya makatanggi. “Lahat naman ng ideas natin doon ay welcome.”
Marami rin silang napag usapan. Naibigay na rin ang casting. Halos wala namang naiba sa gagampanan nila kumpara sa unang project nila together.
Napapayag na rin siyang maging lead actress, sabagay, hindi naman si Vince ang direktor.

BINABASA MO ANG
You Compete Me, You Complete Me
RomansaSid's passion is directing and she wants it to be her profession, but she seems to be only next to Vincent Villarin. That's why she is so determined to defeat him and prove that she can also be the best. But how can she compete a person who is not...