Chapter 8
HANGGANG libing ay magkasama sila ni Vince. Bigla na lang ay naging close sila. Sabagay, wala naman siyang personal na galit dito. Nagkataon lang na magaling ito sa pagdidirek. Insecurity lang siguro.
Ilang linggo matapos ang malaking dagok sa buhay ni Vince ay unti unti na ring nanumbalik ang sigla niya.
Isang araw.
“Labas tayo.” Anyayani Vince sa kanya.
“Ha?” tama ba ang pagkakarinig niya? Niyayaya siya ng date ng binata.
“Pareho tayong hindi naka-attend ng grad ball. Why can’t we celebrate together?”
“Okey lang yun.”
“Kasalanan ko kung bakit hindi ka nakapunta, I owe you a lot. Kapag hindi ka pumayag ngayon, pipilitin pa rin kita.” Babala nito sa himig na hindi tatanggap ng pagtanggi niya.
Napilitan na rin siya. Wala namang masama kung sasama siya rito.
MAKAPANANGHALI ay dumating na sa tinutuluyan niya ang binata. Nabigla siya dahil mukhang napakaaga naman. Ang iniisip niya kasi ay ang tipikal na dinner date. Noong panahon lang siguro uso ang ganoon.
“Sorry, hindi ko nalinaw ang oras. Hintayin na lang kita.” Sabi nito nang makitang nakapambahay lang siya at hindi pa siya handa.
Pinatuloy niya muna si Vince at mabilis na naghanda. Naka-casual wear lang ito kaya ganoon na rin ang gayak niya.
“Ready ka na ba? Let’s go para makarating tayo ng maaga.”
“Saan ba tayo pupunta?” tanong niya dahil napansin niyang mukhang malayo ang pupuntahan nila.
“Secret.” Sagot naman nito.
Hindi na niya pinilit pa. Bahala na nga siya. Kahit paano, may tiwala naman siya rito.
Sandali lang naman, narating na nila ang Laguna. Bumaba na sila ng sasakyan at nakita niya ang isang pamilyar na lugar,
“Enchanted Kingdom?” bulalas ni Sid.
“Gusto ko sanang dalhin ka sa class na restaurant, pero base sa personality mo, sa tingin ko mas mag eenjoy ka rito.” May himig pagbibirong sabi nito.
“At anong ibig mong sabihin?” pataray naman na tanong ni Sid.
“Wala naman” at hinila na siya nito sa entrance.
Alam ni Sid ang ibig sabihin nito. Ang tingin nito sa personality niya ay parang isang bata. She can’t blame him. Halata naman kasi ang pagiging childish niya kahit na nga ba matured na siya sa ibang mga bagay.
“Bakit?” tanong niya nang mapansing nakatitig sa kanya ang binata. Iyon ay matapos nilang sumakay sa carousel.
“Wala naman.” Sagot nito. Kasi naman, nababakas sa mukha ni Sid ang labis na kasiyahan. Hindi siya nagkamali sa napili niyang lugar.
“Nandito tayo para mag enjoy diba. Tara na.” Siya naman ang humila sa binata para pumila sa iba pang rides.
Tuwang tuwa talaga si Sid. Matagal na rin kasi nung makapunta siya rito. Field trip pa nila nung high school. Talaga namang nag enjoy siya. Komportable na siya ngayon kay Vince at nakakabiruan niya na rin ito.
Masaya si Vince sa celebration nilang ito. Ang lakas kasi ng loob ni Sid, lahat ng delikadong rides ay sinasakyan. Hindi ito KJ. May mga pagkakataon pa nga na parang siya pa ang sumusuko.
“Hay, nakakapagod.” Sabi ni Sid pag upo nila. Ngayon ay nakakaramdam na siya ng pagod. “Until what time pa tayo rito?”
“Ikaw ang bahala” tugon ni Vince na medyo pagod na rin.
“Sabi nila, may fireworks raw dito kapag gabi.”
“O sige, hintayin natin.” Nahalata naman niya na ayaw pang umalis ng dalaga.
Kahit silang dalawa lang ay labis naman silang nagsaya. Nag click naman ang company ng isa’t isa.
Pasado alas dose na nang maihatid siya nito sa kanyang tinutuluyan.
“Vince.” Tawag niya rito habang yakap ang stuff toy na binili ng binata sa kanya. “Salamat..at ingat sa pag uwi.” Buong concern niyang habol sa papaalis nang si Vince.
“Ok. Thanks din. Good night.” At tuluyan na siyang umalis.
“BALITA ko aalis na si Vince.” Untag ni Ruth nang minsang magkita silang muli sa loob ng campus ng PSA para asikasuhin ang ilan pang credentials para na rin sila makahanap ng trabaho. “Sobra niyang ikinalungkot ang pagkawala ng ate niya.”
“Mukha namang kahit paano nakakamove on na siya.” Sabi ni Sid dahil pansin niyang masigla na ulit si Vince.
“Magmamaster na rin ng film directing. Iba pa rin kasi kapag sa States.” Si Missy.
Ang mayayaman talaga, para ma-improve ang sarili ay mag aabroad. Sa isip ni Sid.
“AALIS ka na pala.” Sabi niya agad nang matagpuan niya si Vince sa isang classroom.
“Oo. Sorry hindi ko nasabi kaagad.” Pakiramdam ni Vince ay nakagawa siya ng malaking pagkakamali sa paglilihim niya sa dalaga. “Mag aaral pa ako dun, mahirap ka kasing kalaban eh.” Pabiro pang habol nito.
Ngayon lang naalala ulit ni Sid na kakompetensya na pala ang taong ito.
“Best actress ako hindi ba? Hindi ako magaling na direktor. Kasi, I’m always been next to a lousy director.” At umandar na naman ang pagiging mataray niya.
Natawa na lamang si Vince dahil sanay na siya sa mood na ito ni Sid.
“So you’re quitting? Akala ko pa naman we can still have a healthy competition.” Waring nanghahamon pang banat nito.
Nagpanting ang tenga ni Sid. Syempre, hindi siya magpapatalo dito.
“We can still have it. Pagbalik mo.” Umaasa pa rin naman siyang babalik ang binata.
“Better be ready.”
At nagsimula na naman ang secret war nilang dalawa.

BINABASA MO ANG
You Compete Me, You Complete Me
RomanceSid's passion is directing and she wants it to be her profession, but she seems to be only next to Vincent Villarin. That's why she is so determined to defeat him and prove that she can also be the best. But how can she compete a person who is not...