Chapter 4

36 0 0
                                    

CHAPTER FOUR

Na-overcome na ang hasle na dala ng first practice. Patapos na rin ang play at nakasanayan na rin ni Sid ang moody na director at ang mga scenes nila ni Mark. Namanhid na rin si Vince sa pailit ulit na sweet moments ng kaibigan at ni Sid dahil nakikita naman niyang walang interes dito si Sid.

At dahil may karapatan namang baguhin, kissing scene ay ni-reserve nila sa ending. Napagkasunduan naman na ang parteng iyon ay sa mismong competition na lang magaganap.

Final rehearsal. Buo na ang play at ipinakita na ito sa mga professors for final touch. Bilang seniors, ipinaubaya na sa kanila ang buong production to serve as their final training. Tips na lang ang binibigay ng mga guro.

“Congratulations, ladies and gentlemen. This is a competitive one, magkakaalaman na lang bukas.  And I want you to rest for the big day!” saad ng dean.

 .............................

This is it. Sets are ready, costumes are done, and the actors? Kahit na kinakabahan, hindi naman pinahahalata.

Unti unti nang nagdadatingan ang mga kalahok. Edge nila dahil sila ang host school, kahit paano, komportable sila sa sariling stage.

Hindi maiwasan ni Vince na mapatingin at humanga sa naka-ready ng si Sid/Juliet. Aware siya sa kagandahan nito pero iba pa rin pag naayusan. May maganda at bilugang mata na may mahabang pilik. Hindi katangusang ilong at may mapulang labi. Medyo maputi ang makinis na kutis. Nakalugay lang ang mahaba niyang buhok.

“Bakla,” tawag niya kay Ruth. “Sabi ko diba hindi masyadong revealing, mahaba nga pero kita naman ang cleavage ko.”

“Ha? Cleavage ka dyan. Nuknukang ibaba ko na nga ang neck line, wala parin.” Tawanan sila “Kinakabahan ka lang bakla.”

“Shh.. anu ka ba, Thank you ha, pinaalala mo” nagtawanan na lang sila para kahit paano ay makabawas sa kaba na nararamdaman niya.

“Isn’t she beautiful?” anas ni Mark sa tabi  ni Vince na nakapagbalik sa kanya sa realidad. “Nadedevelop na ata ako pare, can’t wait for the last scene”

Mukhang seryoso ito sa tinuran kaya nagngitngit na lang siya.

Tough competition nga gaya ng inaasahan. Iba ibang creativity ang ginawa sa sikat na Romeo and Juliet. Halatang pinagkagastusan ang bawat productions. Pwede nang maihanay sa gawa ng mga professionals. Natural lang dahil nagtipon tipon na ditto ang maga magagaling at susunod na henerasyon nga mga alagad ng sining.

Natapos na ang pep talk at maikling dasal ng grupo ni Vince. Disadvantage ng last performer dahil naipon na sa kanila ang pressure dala ng nauna nang nagpakitang gilas.

Baon ang kaba at pagnanasang magtagumpay, sumabak na ang mga gaganap sa entablado.

Lahat ay binigay ang kanilang buong husay. This will serve as their last performance as a student.

At dumating na ang pinananabikang ending. Dala ng kaba at waring carried away na sa pangyayari. Saglit niyang nakalimutan ang nakatakdang maganap, ang first kiss ni Sid ngayon mismo. Hindi sana ganito ang maranasan niyang first kiss at dahil hinihingi ng pagkakataon, wala na siyang magagawa. Sabagay, marami ngang mga artista na mas bata pa sa kanya, tumatanggap na ng kssing scene.

Papikit na siya para sa pagdampi ng labi ni Romeo nang matanawan nya si Vince at biglang namatay ang ilaw. Bumaba na ang kurtina. Tapos na ang kanilang palabas.

Nagpalakpakan ang lahat bagamat may ilang nabitin sa eksena. Bumalik na ang mga nagsipagganap upang magpakilala.

Sa back stage..

“Teka, ano bang nangyari? Aksidente?” si Missy

“Hindi namin alam” nanghihinayang na sabi ni Mark

Nalilito man sa mga naganap ay ipinagpasalamat na rin ni Sid.

.....................................................

Tapos na silang magbihis.

“Guys” tawag ng pansin ni Ruth. “Nakasalubong naming si Mam, sabi niya malaki raw ang laban natin”

“Kakaiba kasi yung ending natin” biro naman ni Jonard

“Dapat pala nating ipagpasalamat sa napunding ilaw.” Biro rin ni Sid.

“At dahil sa napunding ilaw. It calls for a celebration.” Sabi naman ni Missy na sinana-ayunan naman ng lahat.

“Dun bas a dati?” tanong naman ni Beth

“Hindi ah, Syempre sa mas bongga.” Panigurado naman ni Missy.

“Sarap talaga ng mayayamang kaibian.” Biro naman ni Sid

“Okey, so mamaya! Kailangan nating panoorin ang lahat ng events, ipapasa ang attendance.” Si Ruth bilang class president.

You Compete Me, You Complete MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon