Chapter 2

15 0 0
                                    

Kinabukasan.

“Lead actress?!” shock na sabi ni Sid matapos makita ang list of participants. Lahat naman ng tropa niya ay kasali.

“O, anu namang nakakagulat dun? Lahat naman tayo dito marunong umarte.”sabad ni Jonard.

“Paano naman kasi, tatlong taon akong nagtrabaho sa likod ng camera.”

“Seriously friend,” si Ruth “Marami ka rin namang nagampanang roles at ang pinakamalupit ay si Sisa” tawanan naman sila,

“Siguro nga”.Natatawa na rin niyang sabi habang inaalala kung paano nya nagampanan ang role na iyon at di maikakailang nabigyan naman niya iyon ng hustisya patunay ng mga papuring natanggap niya.

Gayunpaman, bahagi nito ay hindi pa rin niya matanggap dahil mapapasailalim siya sa pamamalakad ng kanyang karibal na si Vince. Pero okey na rin, at least napili pa rin siya to join the event.

 “Pare, mukhang mahihirapan ka sa bago mong project.” Sa di kalayuan ay untag ni Mark. “Si Sid ang lead actress. Good luck na lang.”

“I assure this gonna be an extraordinary play.”palatak ni Vince.

First meeting ng mga participants at lahat naman ay cooperative. Hindi naman nagkamali ang pagpili sa kanila dahil na-assign sila sa field kung saan talaga sila effective. LIban kay Sid na nanininwalang mas effective siya sa likod ng camera as director.

“It’s a pleasure to work with you guys. We are chosen because they believe we are the best, Lets make it to satisfy or even go beyond their expectations.” naging litanya ni Vince, bilang director, siya ang mamumuno sa proyektong ito.

Ang project na ito ay inilaan sa mga graduating students, tapos na ang ibang requirements at ito na lang ang kailangan nilang punuin. Mailalaan na nila ang oras at puso para pagwagian ang darating na competition.

Lalabas na sila ng campus nang mamalayan ni Sid na nawawala ang kanyang cellphone.

“Saan mo ba nawala?” tanong ni Missy

“Hindi ko alam, siguro sa pinagmeeting-an natin” nalilitong sagot niya.

“O sige, tatakbuhin ko na, baka nandun pa.” alok ni JOnard

“Ha? Hindi na, ako na lang, di rin naman ako makakasabay sa pag uwi, may dadaanan pa ko” yun lang at nagmadali na siyang umalis.

“Kita na lang tayo sa bahay.” Pahabol ni Ruth,

 ..........................................

Sinisimulan ng basahin ni Vince ang script nang may marinig siyang ring  ng cellphone. Nakita  nga niya ito sa isang upuan.

Humahangos naman na dumating si Sid.

“I think, this is yours” lahad ng cellphone na sabi ni Vince.

“Thanks, buti andito ka pa at nakuha mo” sabay abot rito, paalis na rin sya.

“Ah, Sid” napahinto naman siya.“It’ll be nice to work with you”

“Don’t think this gonna be easy for you” yun lang at umalis na rin siya, naiwan namang nangingiti si Vince.

Hindi niya alam kung bakit niya nasabi iyon. Hindi naman siya mataray, pero pagdating kay Vince, parang lagi na lang siyang naghahamon ng away. Siguro, dala lang ito ng frustration niya dahil naagaw nito ang nais niyang posisyon.

You Compete Me, You Complete MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon