Chapter 3

11 0 0
                                    

CHAPTER THREE

Paulit ulit na niyang binabasa ang script pero hindi pa rin niya gaanong kabisado ang mga lines niya. Masyado kasing mahaba para sa isang lead actress na katulad niya. Umaarte na siya noon pero pang supporting lang. Nais nya tuloy sisihin si Beth na siyang gumawa ng script. Napagkasunduan naman nila ang kwento pero bakit napakarami niya namang dapat sabihin. Umarte na siyang Sisa noon pero ano lang ba ang lines nun, kundi “Basilio? Crispin? Mga anak ko”. Malayo nga iyon sa mga lines na dapat niyang kabisaduhin ngayon. Kumbaga, ito ang magiging break ng kanyang acting career.

“Ruth” pukaw niya sa atensyon ng kaibigan. Nasa baywalk silang dalawa. La lang, trip lang nilang tumambay doon. “Kabisado mo na ang lines mo?”

“Hello? Para napadaan lang ako sa isang scene” sagot nito

“E malay ko bang nahirapan ka dun”. Biro niya, “o e di ako na ang maraming lines”.

“Bruha! Iniisip ko yung mga costume”

“Basta, wag masyadong revealing. Conservative ako.”

“Aha, binigyan mo ako ng idea, two-piece na lang.”

“Sige ka, mawawalang ng career si Angel Locsin”

Tawanan naman sila.

Magaling rin na actress si Ruth. But when it comes to production designing, call her. Siya lang may career sa kanila pagdating diyan.

Natapos na ang three days na paghahanda nila para mainternalize ang mga roles. This day stars the proper practice.

Pinagmadali na niya si Ruth to be an early bird dahil ayaw niyang may masabi ang direktor.

As expected, sila ni Mark, ang  mga lead actors ang may pinakamaraming scenes. Romeo and Juliet ang binigay ng organizers na gagawin ng mga kalahok, but not the ordinary one, dapat may kakaibang twist, kahit ano pwedeng gawin basta andun pa rin yung touch ng istorya. They decided to stick to the classic one. Kaya nga ito at sweet sweet-an sila ni Mark. Mabuti na nga lang at wala siyang malisya dito kaya hindi naman siya naiilang. Smooth ang flow ng practice hanggang….

“Cut!” sigaw ni Vince “Sid, you don’t need to be so intimate, hindi pa kayo lovers sa part na ito.” Nabigla naman si Sid, ang lagay eh na-carried away ba siya? Nahihiya siya dahil baka isipin nila na gusto niya maging intimate. “And..haven’t you memorize your lines?”

Hindi na niya pinatulan to save her professionalism kaya lang nate-tense na siya. Tama ito, hindi na nga niya masyadong memorize ang part na ito kaya naman pautal utal niya ng nadedeliver ang mga lines Hiyang hiya siya sa nangyari.

“Okey, enough! Lets call it a day!” sigaw ni Vince at napatigil ang lahat. “Don’t make it hard. Sineryoso mo nga ang sinabi mo” diresto nitong nakatingin sa kanya. “Pack up.”

Inihingi na lang niya ng dispensa ang humiliation na natamo.

“Girl, ano bang nangyari sayo?” si Missy.

“Hindi ko alam, eh hindi ko na kasi memorize yung lines. May dahilan siya pero hindi naman niya kailangang magwalk out. Sabihin niyo nga, never naman akong nag-walk out sa pagdidirek ah, to think na first day pa lang naman ngayon.” Mangiyak ngiyak na litanya niya.

“Excuse me, pagpasensyahan niyo na si Vince. Pressured lang siguro.” Hingi naman ng dispensa ni Mark para sa kaibigan na tinanggap naman nila Sid.

Napasobra ba ang inasal ko? Sa loob ni Vince. Naging intimate kasi ang scene, hindi siya ang lead actor, hindi niya nga ata kinaya. Where’s his professionalism? Wala siyang karapatang isali ang mga bagay na may kinalaman sa mga personal na buhay.

You Compete Me, You Complete MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon